Chapter 27

951 24 0
                                    

        "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Micah kay Dean.

"Magdidinner lang naman tayo." sagot naman ng binata. "By the way, for you." Dugtong na saad ni Dean at ibinigay ang maliit na kahon kay Micah.

"A-ano naman ito?" takang tanong ng dalaga.

"Buksan mo." Nakangiting utos ni Dean sa dalaga.

'Please Dean pakiiwasan mong ngumiti. Mahuhulog akong lalo sayo.' Ani Micah sa isip.

Binuksan naman ni Micah ang maliit na kahon. Bahagyang napanganga pa ang dalaga ng makita ang isang bracelet na puno ng iba't ibang klase ng gem stones.

"A-ang ganda." Pabulong na saad ni Micah.'Siguro mahigit singkwenta mil ang presyo nito.' Saad ni Micah sa sarili.'Oh!Umiiral na naman ang pagiging snatcher mo. Kilatis agad?' suway naman ng isang bahagi ng isip ng dalaga.

"Isukat mo Micah.Para talaga sa iyo iyan." Ani Dean sa dalaga na halatang natutuwa dahil tila engrossed na engrossed si Micah sa bracelet na binigay niya.

"H-hindi ko matatanggap ito Dean. Kasi paniguradong mahal ito. Saka nakalimutan mo na ba? Marami pa nga akong utang sa iyo eh." Nahihiyang saad ni Micah.

"No Micah. Please accept it. It's really for you." Ani Dean na inihinto muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada."Here, let me help you." At walang pag-alinlangang isinuot ni Dean ang bracelet kay Micah.

"It looks good on you. Do you like it?" nakangiting tanong ulit ng binata sa dalaga.

"S-salamat Dean. Hindi kana sana nag-abala pa." ani Micah na mababanaag ang ngiti sa mga labi.

"So hindi ka na galit sa akin?" ani Dean sa dalaga.

"Ano ito? Pakonsuelo? Ibabalik ko nalang ito sa iyo." Ani Micah na umusbong na naman ang galit.

"No, please take it Micah. Joke lang naman yon eh." Anito sa dalaga.

"I hope I see your smile again.I miss your laugh ang giggles." Kapagdaka ay seryosong sabi ni Dean sa dalaga.

"D-dean." Ang tanging nasambit ni Micah.

"Sorry.I shouldn't have said that." Ani Dean na pinaandar muli ang sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" pagiiba ni Micah sa usapan para mawala ang kanina'y namumuong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Marami na tayong nalampasan na kainan pero hindi naman tayo humihinto."

"Pawang mga fast food resto naman yong mga tinutukoy mo." ani Dean na ngumiti sa dalaga.

'Ayan na naman ang mga ngiti niya! Hay naku.' ani Micah sa isip. 'Nakakasilaw ang mga ngiti mo Dean. Puwede ba tigilan mo na yan.' sabi uli ni Micah sa sarili habang pigil na tinatago ang namumuong ngiti sa mga labi.

"Here we are." ani Dean na huminto sa isang eat-all-you-can na restaurant.

"Eat-all-you-can? Hindi ko alam na nagpupunta ka rin pala sa mga ganitong restaurant." puna ni Micah sa binata.

"Minsan lang. Gusto ko kasi kainin mo lahat ng magugustuhan mo. Hindi kagaya nong minsan na pumunta tayo sa The Lagoon." ani Dean habang inalalayan si Micah pababa ng kotse.

"So gusto mong tumaba ako?" tanong naman ni Micah. "Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganoong lugar. Hanggang ngayon nga ay naaasiwa parin ako kapag pumapasok sa mga ganitong kainan." dugtong ng dalaga.

"That's not a problem Micah, masasanay ka rin okay?" ani Dean na inalalayan parin si Micah papasok sa loob ng restaurant.

Naging normal ang gabing iyon ng dalawa na hindi nag-aaway. Bagkus, lumabas sina Dean na may mga ngiti sa labi matapos kumain sa restawrant na iyon.

"Nabusog talaga ako Dean. Maraming salamat uli ha." ani Micah sa binata ng nasa loob na sila ng kotse.

"I really like it when I see you smiling Micah." Bigla na namang nasabi ni Dean na ikinagulat ni Micah. "Simula noong gabi na magkasama tayong namasyal sa birthday ko, ngayon palang kita nakitang ngumiti uli." dugtong pa ng binata.

"D-dean." mahinang sambit ni Micah ng lumapit ang mga kamay ni Dean papunta sa mukha ni Micah.

"H-hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin Micah. I never felt this way before sa mga babaing nakilala ko." seryosong saad ni Dean habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. "The reason why I don't want to see you with other men is that -." ani Dean na biglang huminto sa pagsasalita.

"Okay,let me tell you this Micah." pag-uumpisa na naman nito kay Micah. "Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa iyo. Lately, I'm acting crazy and have this weird feeling all over me. Sa tuwina'y makikita kita with other men, bigla nalang kumukulo ang dugo ko. I can't afford seeing you with those bunch of stupid guys." pagpapatuloy pa rin nito habang nakapikit ang mga mata. "That's why nagalit ako nong sinabi ni Ace na may gusto siya sayo. Seeing you with him someday will surely hurt me how much more losing you Micah? Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig? But falling in love is not my thing 'coz it's complicated, yet it's currently happening. I don't know what to do but one thing's sure, I guess I'm in love with you." ani Dean na higit na ikinabigla ni Micah.

Nang walang masabi si Micah ay nagpatuloy parin ang binata.

"Micah, I love you." ani Dean at ginagap ang mukha ng dalaga. "D-Dean hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo. Hindi rin naman ako sanay sa mga ganito eh." ani Micah na medyo lumayo sa binata."S-siguro Dean, m-mahal na rin kita." bulong niya sa kanyang sarili na hindi parin tumitingin sa binata.

"Micah, bare in mind na hindi kita minamadali. I just want you to know that I'm into you. I mean, I want you to feel how much I love you Micah."biglang sambit ni Dean sa dalaga."I just want to make you happy."

Napatango lang si Micah sa tinuran ni Dean subalit wala naman siyang makapang sagot para sa binata. Hanggang sa pinaandar na lang ni Dean ang kotse ay wala paring imik si Micah.

Sa kabila ng kaligayahang nadarama dahil sa mga sinabi ni Dean, hindi parin mawala sa isipin niya ang kanyang nakaraan. 'Alam kong hindi naman tayo bagay Dean dahil hindi mo alam ang buhay meron ako noon. Na kahit gaano kami kayaman ngayon, hindi parin magbabago ang katutuhanan na naging snatcher ako para mabuhay.' may lungkot na nasambit ni Micah sa isip.'Kung malaman mo kaya ang naging buhay ko noon, mamahalin mo pa kaya ako ngayon?'

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon