SIMULA
"KAILANGAN mo ba talagang lumipat? Sayang at ikaw pa naman ang pinakamagaling namin na estudyante." Bakas sa boses ni Ma'am Carla ang panghihinayang sa pag-alis ko.
Nasa unang semester pa lamang ako sa unang year ko sa kolehiyo sa kurso business Administration, ngunit pinapauwi na agad ako nila Mama sa rancho namin para doon na lamang daw mag-aral ng kolehiyo sa San Isidro.
Gusto ko sana na tumutol dahil mas gusto ko sa maynila ako mag-aral. May ilang kaibigan na rin ako sa paaralan na ito, pero wala na akong magawa dahil tila nakapag-desisyon na sila Mama na doon ako magtapos ng pag-aaral. Hindi ko alam kung bakit biglaan nila ako pinapauwi, basta umuwi na lang daw ako sa rancho.
"Pasensya na po, Ma'am, biglaan lang po kasi."
Nahihiya ako dahil alam ko na ako dapat ang isasabak nila sa Miss campus laban sa kabilang school, pero hindi na ito matutuloy dahil magta-transfer na ako.
"Nauunawaan ko naman. Basta 'pag nais mo ulit na mag-aral rito sa maynila ay dito ka agad sa amin pumunta. Welcome na welcome ka."
Ngumiti ako kay Ma'am Carla dahil sa sinabi niya. Hindi rin naman nakakapagtaka kung bakit mabait ang mga teacher ko sa akin. Dahil halos lahat ng guro dito ay close ko.
"Sige po, Ma'am, mauna na po ako at baka po naghihintay na ang kapatid ko sa akin sa labas." paalam ko. Tumango ito at tumayo bago ako kinamayan.
BITBIT ang mga files ko na lumabas ako ng office ni Ma'am Carla. Dumeretso ako sa pinamalapit na gate kung saan naghihintay si Dennis, ang bunso kong kapatid. Paglabas ko ng gate ay nakita ko na agad siya. Nakatungo ito at sinisipa ang mga bato na nakakalat. Bitbit niya ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko. Alam ko na naiinip na ito, base pa lang sa pag-nguso at gigil na pagsipa nito sa bato.
"Halika na, Dennis." pukaw ko rito pagkalapit ko sa kanya.
Nag-angat siya tingin at napabuga ng hangin.
"Sa wakas, dumating din. Napakatagal mo naman, Ate." busangot niyang usal.
"Sandali lang naman ako, nainip ka na agad? Halika na nga!"
Lumakad na ako ngunit napahinto din. Dahil naalala ko bigla kung saan nga pala kami sasakay? Lumingon ako sa kanya para magtanong.
"Saan nga ba tayo sasakay?"
"Mag-bus na lang daw tayo. Wala nang pang-gasolina sa pick-up ni Papa." masungit niyang tugon.
"Bakit? Nasan ang ford na sasakyan ni Papa?" naguguluhan kong tanong. Halos ilang buwan pa lamang ako sa maynila ngunit tila marami agad ang nagbago sa rancho.
"Wala na, binenta."
Mas lalo akong nalito sa sinabi niya. Binenta? 'Yung paboritong sasakyan ni papa?
"Huh? Bakit binenta ni papa 'yon? 'Di ba mahal na mahal niya 'yon?" sunod-sunod kong tanong.
May namumuo na sa isipan ko, pero hindi ko muna pangungunahan, baka nagkakamali lamang ako.
"Oo. Kailangan kasi sagipin ang taniman na natutuyo na.. Tapos wala na rin sa atin ang lupain kung nasaan 'yung ilog ng lacos." paliwanag nito.
"You mean to say, nalulugi na tayo?" hindi ko mapakaniwalang bulalas. Napahawak ako sa noo dahil tila sumakit 'yon bigla.
"Oo nga! Ang kulit mo naman, Ate. Halika na! Doon na lang tayo sa bahay mag-usap. Tiyak na sila Mama ang magpapaliwanag sa iyo." naiiritang sabi ni Dennis. Gusto kong batukan dahil napakabugnutin nito. Saan kaya nagmana 'to? Tsk.
BINABASA MO ANG
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing
RomanceNagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin...