Kabanata 1

34.2K 674 26
                                    

Kabanata 1

Utos

Narito ako, kami ng pamilya ko sa opisina ni Papa. May mahabang lamesa at maraming upuan antik sa loob ng opisina ni Papa kaya doon kami nagsi upuan. Sa right side ay ako, si Dennis, at Mark. Sa left side naman ay si Mama at Tiya. Habang nasa pinakagitna naman si Papa. Tila seryosong usapan ito base pa lamang sa expression ng kanilang mukha.

"Ciella, makinig kang mabuti. Gusto namin na sundin mo kami sa gusto namin." panimula ni Mama.

Hindi ako nagkomento, hinintay ko lamang ang susunod na sasabihin nila.

"Hindi naman sa ginagamit ka namin, ngunit wala na tayo choice, Anak. Malapit na tayo malugi." wika naman ni Papa.

Hindi ko sila maintindihan. Tapos bigla akong kinabahan sa patutunguhan ng usapang ito.

"Ano po ba iyon? Bakit hindi nyo pa po ako deretsuhin?" naiinip kong sabi.

Nagkatinginan muna sila tila nagsesenyasan kung sino ba sa kanila ang magsasabi. Sa huli ay si Papa na ang nagsalita.

"Gusto namin na mag-aral ka sa Dela Vega university school."

Nakahinga naman ako ng maluwag. 'Yun lang pala! Madali lang pala pinagagawa nila.

"Yun lang po ba? Ayos lang po iyon. Bakit tila hirap na hirap pa kayong sabihin sa akin?" natatawa kong sabi ngunit seryoso lamang ang reaksyon nila.

"Anak, doon kasi nag-aaral ang tagapagmana ng mga Dela vega. Gusto namin na utuin mo iyon. Dahil tiyak na sya ang maghahawak ng kanilang negosyo pag nagkataon. Gusto namin na pag-ibigin mo ito at kunin sa kanya ang titulo ng lupain natin."

Halos hindi ko maabsorb ng utak ko ang sinasabi ni Papa. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako bigla sa sinabi nila. Hindi ko mapigilan na mapaluha na kinagulat nila.

"Ipapain nyo ako para lamang sa titulo ng lupa? Gagawin nyo pa akong masama para lang magkuha iyon?" galit kong sabi sa kanya at nagpahid ako ng luha, "Bakit wala na po bang ibang paraan para sumigla muli ang negosyo nyo? Kung gusto nyo pa ay tutulong ako sa pagtatanim, wag lang gawin ang sinasabi nyo. Hindi ko maaatim na gumawa ng bagay na masama sa ibang tao. Kaya tayo nakakarma, eh, dahil sa baluktot nyong pag-iisip." galit ko pagpapatuloy na wika ko sa kanila.

Pumaling ang pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni Papa. Masakit ang pisngi ko. Pero ang mas masakit ay ngayon lamang nya ako pinaglapatan ng kamay ni Papa. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtayo ni Papa, habang mabigat ang kanyang paghinga at bakas din sa kanyang mukha ang galit.

"Wag kang magsalita sa amin ng ganyan, dahil kinakain mo din ang ginagawa namin! Para sa inyo ang ginagawa namin! Kaya sana ay sundin mo kami." galit at mariin na sabi ni papa. Naupo muli ito at hinilot ang sentido.tila sumasakit iyon dahil sa akin.

"Bakit kung nagpagutom po ba ako ay hindi na ako kasama sa gagawin nyo? Eh, 'di sana pinatay nyo nalang po ako...Basta hindi ako pumapayag na sinasabi nyo."

Tumayo na ako matapos kong sabihin ang saloobin ko, at lumakad palapit sa pinto. Ngunit may pahabol pa si Lapa sa akin na kinagulo lalo ng isip ko.

"Pag sinunod mo kami, pag-aaralin ka namin sa ibang bansa na gusto mo."

-

Para akong zombie na naglalakad palapit sa kwarto ko.

Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin?

Tingin ko ay hindi ko kaya ang pinapagawa nila. Kaylan man ay hindi ako nanloloko ng tao. Pero nalilito ako dahil sa sinabi ni Papa. Kapalit daw no'n ay ang pag-aaral ko sa ibang bansa. Pangarap ko talaga na makapunta ng paris upang maging magaling na stylist at model. Bata pa lang ako lagi na akong kasali sa pagent.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon