Kabanata 3

23.7K 559 49
                                    

Kabanata 3

Dela Vega University

Halos mangiyak-ngiyak ako ng sabihin ko kela mama na pumapayag na ako. Hindi ko kasi kaya na makitang umiiyak si mama kagabi. Nakonsensya ako.

Kaya nga ngayon kasama ko si tiya upang i-enroll ako sa dela vega school.

Suot ko ang skirt na cream at sleeveless blouse na puti. Tinernohan ko naman ng sandals kong puti ang suot ko. Tapos pinusudan ko ang buhok kong mahaba dahil baka mainit mamaya.

Narito ako sa sala upang hintayin si tiya na nagbibihis pa.

"Nice! Dapat yung mas sexy pa. Baka mamaya, makita mo ang dela vega doon." inirapan ko si mark dahil nagsisimula na naman ito.

"Tigilan mo ako mark. Wala ako sa mood. " masungit kong sabi. Humalakhak lang sya at binuhay ang T.V.

Hindi ko na lamang sya pinansin at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang files na hawak ko. Tinignan ko kung narito ba ang lahat ng kailangan kong isubmit sa school. Baka mamaya may naiwan ako tapos babalik pa kami pag nagkataon.

"Halika na, ciella. Pasensya na at matagal si tiya." pukaw sa akin ni tiya rosa na pababa sa hagdan. Tumayo ako at habang sinukbit ko sa balikat ang shoulder bag ko. Habang bitbit ko naman ang envelope nang mga files ko sa school.

"Ayos lamang tiya. Maaga pa naman po." ngumiti sya at binalingan ang anak na prenteng prente na nakaupo habang nanonood ng basketball.

"Anak. Wag kang puro panonood lang t.v ang atupagin mo. Mamaya pag nagpatulong ang tiyo ansel mo, e, tumulong ka." bilin nito kay mark na tinaas lang ang kamay at sinenyasan kami na umalis na. Napairap lang ako sa inasal nito.

"Tara na, ciella." tumango ako kay tiya at sumunod dito na nauna na lumakad.

Pinagbuksan kami ni mang pepe ng gate. Gamit namin ang pick-up ni papa. Mabuti at marunong palang magmaneho si tiya, kundi baka mamasahe pa kami.

Nakatingin lamang ako sa buong daan, upang matandaan ko kung saan ang daan patungo ng Dela Vega School.. Medyo malayo-layo din pala.

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang mga tila estudyante din na mage-enroll. May mga bitbit din kasi silang envelope na kagaya nya. Huminto ang sinasakyan ni tiya, kaya napatingin ako sa kanya na nagtatanggal na ng seatbelt. Tumingin ako sa harap at nalaman ko na narito na pala kami.

Hindi ko inaasahan na malaki pala ang school ng dela vega. Pwede mo itong ikumpara sa mga university sa maynila. Ang ine-expect ko na makikita ko ay yung medyo konti na room, luma ang itsura, at boring. Pero natuwa ako dahil ayos na ayos ang pasilidad ng bawat room.

"Lory!" tawag ni tiya sa registrar. lumingon ito kay tiya at nanlaki ang mata. kalaunan ay ngumiti ito at nilapit ang inuupuang recliner sa butas ng salamin.

"Rosa.. ikaw pala yan. Bakit nadalaw ka ata rito?" bungad nitong pagbati.

Tinuro ako ni tiya kaya napatingin ung lory daw.

"I-eenroll ko sana itong pamangkin ko."

Tumango ang babae at may kinuhang fill up paper. Nilusot nya iyon sa butas ng salamin at inabot kay tiya.

"Pafill up-an mo ito sa kanya. Pagkatapos ay ibigay nyo sa akin kasama ng card nya sa dati nya school."

Kinuha ko kay tiya ang papel at tumango kay lory.

"Maupo ka doon ciella. Para maayos mong mafill up-an yan." turo ni tiya sa malapit na silyang may armchair.

"Sige po." naupo ako at nilapag muna sa lap ko ang envelope pati ang shoulder bag.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon