Kabanata 7

23.3K 619 36
                                    

Kabanata 7

Pasimple

Nasa auditorium kami kanina nang kausapin kami na kung talaga daw bang willing kami na sumali. Yung iba ay game na game, pero ako ay nag-aalangan pa. Pero kung ito na ang chance ko para makapasok sa bahay ng Dela Vega ay gagawin ko. Baka makuha ko na ang titulo sa kanila.

Sinabihan kami na dumeretso sa covered court para magpractice na sa mismong stage. Tinagal siguro ng isang oras yung meeting at tsaka kami pinaderetso doon. Pagdating namin ay walang tao sa covered court dahil nasa room pa siguro ang mga estudyante. Tangging yung janitor na pinupunasan ang court ng basketball ang naroon.

Masasabi ko na magaganda ang makakalaban ko. Bahala na kung anong mangyari. Basta magawa ko lang makapasok sa bahay ng Dela vega ay ayos na. At dahil wala pa naman kaming dalang mga heels ay nagpractice muna kami kung paano lumakad at magpose..

Mga panglima ako kaya naman ng matapos maglakad ang nauna sa akin ay ako na. Dahil natrain naman ako noon sa school ko dati kaya alam ko na kung paano maglakad na may class and confident.

Pero napatingin kaming lahat ng may maiingay na pumasok. Mga basketball team na mga nakasuot ng jersey uniform nila habang may isa na nagpapatalbog ng bola. Mga tropa ni Grae pwera kay Choco na mabuti at hindi nila kasama. Meron pang iba na hindi ko kilala.

"God, Honey. Mas lalo tayong hindi makakafocus dahil narito sila Grae." dinig kong bulong nung katabi ni Honey. Oo nga pala. Kasali din itong si Honey na nasa likod ko lang.

"Wag ka nga. Baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am." sabi ni Honey pero halata mo naman na kinikilig dahil nandyan si Grae.

Nang matapos ako ay si Honey naman ang rumampa. Napabuntong-hininga ako dahil nakakabagot.

"Boys, ngayon ba ang practice nyo?" tanong ni Ma'am sa mga player at pinahinto kami. Dahil maingay sila kaya hindi kami makapagfocus.

"Yes, Mrs. Gomez." sagot ni Grae na nakahalukipkip. Siguro sya yung captain dahil sya ang nagsalita.

"Ganun ba. Kung gano'n ay lilipat nalang kami dahil hindi naman makakapagconcentrate ang mga ito." sabi ni Ma'am at bumaling sa amin. "Girls, doon muna tayo sa field." sabi nya kaya tumango kami. Kinuha ko ang bag ko sa gilid at sinukbit sa magkabilang balikat.

"Ma'am, ayos lang na magpractice kayo rito. Hindi pa naman kami magsisimula. Panoorin nalang muna namin ang practice nyo, di ba guys?" sabi ni Grae na kinatango ng mga kateam nito. Kita ko ang pag ngisi nya at tumingin sa akin. Napasimangot ako dahil bakit kailangan pa nilang manood? Nakakabanas pag merong nanonood.

"Sabagay, maganda ang may audience na para hindi mailang ang mga kandidata." Sang-ayon ni ma'am na ibig kong sumalungat. Argh! Kahit kailan napakapanira ng araw ang hambog na ito.

Nagsiupuan na sila sa bench kaya napabuntong hininga ako. Hinubad ko muli ang bag ko at nilagay sa isang gilid. Pinaayos muli kami ni ma'am sa dati naming ayos. Habang naglalakad ang mga nauna sa akin ay napatingin ako sa gawi nila hambog. Nakita ko na mga nag-uusap ang mga ito habang nakatingin sa amin. Nang titingin si Grae sa gawi ko ay agad akong nagbitaw ng tingin at pinokus nalang ang paningin sa mga naglalakad. Nang ako na ang maglalakad ay medyo nakaramdam ako ng ilang. Pero inayusan ko ang paglalakad ko para walang masabi sa akin ang mga estudyante dito na alam ko na merong may hindi gusto ang presensya ko.

"Whooo! Ang galing mo, Ms. transfer!" sigaw ng mga kateam mate ni Grae kaya napangiti ako. Nang makabalik ako sa pwesto ko ay si Honey naman na pasimpleng binangga ang balikat ko.

Tila nagpapansin ang lukaret na ito. Todo bigay ang pagrampa kala mo competition na. Napailing nalang ako.

Nang matapos ang pagrampa ay tinuruan kami ng pagent coach kung ano ang tamang pagsagot. Sinabihan rin kami na maghanda ng talent namin. Pinagpahinga muna kami ni ma'am at sinabihan na nito ang mga basketball team na pwede ng magpractice.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon