Kabanata 15

28.8K 634 8
                                    


Kabanata 15

Grae's style



Matapos ang mahabang araw ng pagpasyal namin ni Grae sa bayan ay naupo ako rito sa isang upuan sa parke habang hinihintay ko sya na may binili lang saglit.

Tumingin ako sa kalangitan na ngayon ay nagkukulay kahel na napakagandang pagmasdan. Napahimas ako sa braso ko ng umihip ang hangin.

"Here." may tumapat sa harap ko na fish ball at buko juice.

"Thanks." Kinuha ko ang inalok nya at nilapag ko sa inuupuan ko ang buko juice. Naupo sya sa tabi ko pagkaraan.

"Ang ganda ng kalangitan." Tumingin ako saglit sa kanya at tumango. Kumain ako ng fishball.

"Yeah.."

"Sana maging kasing ganda nito ang gabi natin."

Napatigil ako sa pagkain ng fishball at naibaba ko iyon.

"Grae, I think we need to--"

Napatingin ako sa kanya ng tumayo sya. Inubos nya ang fishball nya at inisang lagok ang buko juice bago nya itapon sa malapit na basurahan.

"Let's go. Ihahatid na kita."

Tumayo ako at tumingin sa kanya na naunang maglakad. Napahinga ako ng malalim dahil halatang umiiwas sya. Ayaw nyang makipagbreak.

Pagdating sa bahay namin ay bumaba na kami sa motor nya. Nagkatinginan pa kami habang naghahanap ng sasabihin.

"Pasok na ako. Salamat." tumalikod na ako at bubuksan ko na sana ang gate ng mapahinto ako sa sinabi nya.

"Hindi ako makikipagbreak sa'yo. Girlfriend parin kita. At gagawin ko ang lahat para maging akin ka."

Lumingon ako sa kanya na agad sumakay ng motor nya at binuhay iyon ng makapagsuot sya ng helmet. Agad nyang pinasibat iyon paalis kaya tinanaw ko sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Lutang na lumakad ako papasok ng bahay. Para bang pasan ko ang buong daigdig sa pagkalutang ko.

"Welcome back, Mrs. Dela Vega!"

Agad akong napaangat ng tingin ng makapasok ako at iyon ang ibungad ng pamilya ko. Masayang-masaya ang mukha nila tila ba tuwang-tuwa pa na nakipagdate ako kay Grae.

"Ma, Pa, bakit naging mabait kayo kay Grae? Anong sinabi nya sa inyo?"

"Anak, mabait naman si Grae at katunayan ay sinabi nya sa amin na personal ka daw nyang liligawan. Napakagentleman naman pala ni Grae." kinikilig na sabi ni Mama.

Napailing ako at iniwan ko nalang sila. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Grae at kung bakit naging mabango sya sa pamilya ko? Kulang nalang ay ipamigay nalang nila ako.

Naupo ako sa kama ko at pabagsak na nahiga habang nasa sahig ang mga paa ko. Napatingin ako sa bag ko ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko sa loob at tinignan kung sino ang tumawag? Nakita ko na si Grae.

Nag-aalangan ako pero sinagot ko parin. Tinapat ko sa tenga ko ang phone at hinintay syang magsalita.

"I love you, babe."

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi kita gustong lokohin. Talagang wala lang akong chance na sabihin sa'yo. Lahat ng pinakita ko sa'yo ay totoo. Lahat ng feelings ko sa'yo ay totoo. Dela vega man ako ay walang kaso iyon. Please, don't break my heart."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay binaba na nya ang tawag. Natulala ako at napapikit. Damang-dama ko ang senseridad nya.

Naupo ako at hinagod ang buhok ko. Ganito pala ang pakiramdam ng inlove. Masisiraan ka ng ulo. Parang pakiramdam mo ay hindi mo parin sya kayang tanggihan. I still love him. Maybe I give him a chance.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon