Kabanata 4
Turon
Huminto ang pick-up sa isang pamilihan palengke ng san isidro. Marami akong nakikitang tiange. Marami din mga mamimili ang nakikipagsiksikan.
"Ciella, sasama ka pa ba sa loob? O, dito ka na lang?" bumaling ako kay tiya na nag-aalis ng seatbelt.
"May bibilin po ba kayong iba?" inalis ko rin ang seatbelt ko at muling humarap sa kanya.
"Bibili ako ng isda sa loob at ulam natin mamaya." tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Kung ako nalang po ang bibili ng gamit ko sa mga tiange.. Tapos kayo po ang pumasok sa loob." suggest ko.
"O, sige. Heto limang daan. Kasya na ba iyan?" inabot ko ang limang daan at nilagay sa wallet ko.
"Ok na po ito, tiya. Notebook at ilang gamit sa school lang ang bibilhin ko." tumango sya at binuksan na ang pinto sa side nya.
"Halika na." binuksan ko na rin pinto sa side ko at bumaba. Sinara ko ito at hinintay si tiya makalapit sa akin.
Sabay namin nilakad ang tiange na malapit. Nakita ko kompleto naman ang mga paninda nito kaya doon ako pumunta.
"Tiya, dito na po ako bibili." bumaling sya sa tinuro ko at humarap muli sa akin.
"O, sige. Hintayin mo na lang ako at sandali lang ako bibili ng ulam at ilang rekado."
"Sige po." umalis na sya kaya bumaling ako sa ale na tindera.
"Magkakano po ba ang paninda nyo, ale?" hinipo ko ang notebook at tinignan ang mga design. Mapili kasi ako sa notebook. Gusto ko yung maganda ang mga design at mga drawing ek--ek. Para ganahan ako lalo sa pagsusulat.
"Dyan, e. Sampu piso lang, iha. Dito naman sa may balot na ay 15 pesos." turo nya sa mga may balot na. Tinignan ko naman ang sinabi nya. Puro plain lang sya, walang kadesign- design at puro kulay lang.
"Wala po ba kayong tinda na may design, pero may balot na po?" nag-isip sya sandali at may kinuha sa ibaba. Binuksan nya ang kahon at nilabas ang mga type kong design. Kinuha ko agad ang maibigan ko. Nice. Atlest ito may konting kaalaman ka matututunan. Example nitong bansang europa. May drawing na eiffel tower, tapos may nakasulat pang ibat-ibang europan words.
"Magkano po sa ganito?" taas ko sa hawak ko.
"Mura lang din iyan, iha. Kinse pesos." kumuha ako ng walong notebook at inabot ko sa kanya ito. Pagkatapos ay pumili naman ako ng ballpen at ilang paper pad.
Napatingin naman ako bigla sa tindahan ng gulay. Nakita ko si grae na may kausap na matanda. Kargador siguro doon yan? Nakibat-bilikat na lamang ako at pinagpatuloy ang pagpili. Pero napatigil ako sa pagtingin-tingin, dahil nawawala ang wallet na nilapag ko sa lamesa ni manang. Kinapa ko pa talaga ang sarili ko baka nasa katawan ko lamang iyon, ngunit wala.
"Manang, nakita nyo po ba ang wallet ko?" kinakabahan kong sabi. Hindi pwede na mawala iyon dahil nandoon ang i.d at pera ni tiya.
"Naku, iha.. hindi." sabi nito. "Dapat ay hindi ka naglalapag dyan. Marami pa naman na modus ngayon." Kinuha ni manang ang notebook na binili ko. Siguro ay iniisip nito na hindi ko naman na mabibili.
Nilibot ko ang mata dahil baka makita ko pa ang taong kumuha. Nakita ko ang lalaking nakasumbrero at hawak ang pink kong wallet.
"Sandali lang po, ale." bilin ko at tumakbo.
"Hoy! Magnanakaw! Ibalik mo ang wallet ko." malakas kong sigaw. Napatingin na ang mga tao, pero wala akong pakialam. Basta maabutan ko lang ang lalaking iyon na tumakbo na.
BINABASA MO ANG
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing
RomanceNagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin...