Kabanata 18

27.4K 588 3
                                    

Kabanata 18

Engagement Party

Bumaba ako mula sa motor ni Grae nang maihatid nya ako rito sa bahay. Hinubad ko ang helmet na pinasuot nya sa akin at binigay sa kanya..

"Papasok na ako.."

Inalis nya ang helmet nya at bumaba sya ng motor. Inayos nya ang motor nya sa pagkakastanding at nilapag nya ang helmet nya sa upuan. Suot nya ang jersey nya. Kanina ay pawis sya pero ngayon ay hindi na.

"Tara, pasok tayo." nanlaki ang mata ko ng mauna syang maglakad. Agad akong napasunod sa kanya at hinawakan sya sa braso para pigilin..

"Teka, bakit papasok ka pa? Umuwi ka na at may engagement party ka pa."

Hindi nya ako pinansin at inalis nya ang kamay ko sa braso nya at inakbayan nya ako. Kahit pawisan sya kanina ay ang bango parin nya. Para bang ang pawis nya ay pabango ang lumalabas.

"Kabataan kayo.. Hindi pa mag-asawa ay nag-aakbayan na. Hindi katulad ng kabataan namin na hindi basta-basta pwedeng hawakan ang kababaihan."

Nagulat kami ng hindi namin napansin si Lola. Nakaupo sya sa tumba-tumba nya at nagsasalita ng wala sa oras.

"Magandang hapon po, Lola." lumapit ako rito at nagmano. Kinuha rin ni Grae ang kamay nito at nagmano sya.

"Lola, iba na po ang panahon ngayon. Tsaka handa naman po ako na pakasalan si Ciella, kaya sabihin nyo lang."

Mahinang hinampas ko sa braso si Grae sa sinabi nya. Hindi na sumagot si Lola at natulala na naman.

"La, pasok lang po kami." imbes na ako ang magsabi no'n ay si Grae pa talaga. Kinuha nya ang kamay ko at hinila na ako.

Pagpasok namin ay naabutan namin si Dennis at Mark na naglalaro ng playstation. Napatingin sila sa amin at napatigil sa paglalaro.

"Ma! Pa! Tita! Si Ate...kasama si Kuya Grae!"

Sinamaan ko ng tingin si Dennis dahil talagang pinagkahiyawan pa nya. Binitawan ni Grae ang kamay ko at lumapit sya sa dalawa.

"Yow, brother in law." si Mark.

"Anong nilalaro nyo?" nakipagbanggaan ng kamao si Grae sa dalawa bago sya naupo sa tabi ng dalawa.

"Yung gaya lang ng dati. Nakakasawa na nga, e." tugon ni Dennis.

"Kung gusto nyo ay ibibigay ko sa inyo ang latest playstation ko sa bahay. Hindi ko naman nagagamit iyon."

"Talaga, Bro?"

Napailing ako dahil sinasamantala ng dalawa ang sinabi ni Grae. Napatingin ako sa hagdan at nakita ko ang pagbaba nila Mama.

"Narito daw si Grae?" tumango ako at lumakad palapit kela Grae. Naupo ako sa single sofa at hinintay sila Mama na makalapit.

Tumayo si Grae at nakangiti kela Mama, "Good afternoon po, Tita and tito."

"Mabuti at napadalaw ka, Hijo."

Lumapit si Papa kay Grae at tinapik ito sa balikat.

"Mama, Papa, ibalik nyo na po sa kanya ang titulo." singit ko na kinatingin nila sa akin.

"Ah, hindi po. Kay Ciella na ho iyon."

Tumingin ako kay Grae at umiling, "Grae, hindi sa akin iyon. Dapat lang na maibalik sa'yo iyon."

Umiling din siya at tumingin muli kela Papa tila hindi nya nais ang sinasabi ko.

"Tito, Tita, gusto ko po kayong imbitahan mamaya sa bahay."

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon