Kabanata 19

29.9K 645 12
                                    

Kabanata 19

Kasal



Pinipilit kong magbasa ng libro kahit na nadidistract ako sa mga bulungan ng mga estudyante. Kailangan kong matapos agad ang assignment ko. Dahil sa nangyari noong party ay hindi ako makapagconcentrate. Iniisip ko parin kung ayos na ba si Donya Celeste.

"Hey, Gold Digger!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Honey kahit na nasa harap ko na sila at nakatayo. Narito na nga ako sa garden, nasundan pa ako ng mga babaeng ito.

Nilipat ko sa kabilang page ang pahina ng libro pero bigla nalang nawala sa kandungan ko ang libro. Napaangat ako ng tingin kay Honey.

"Nagbibingi-bingihan ka ba? O baka naman umiiwas ka lang?"

Tumayo ako at tinignan sya ng seryoso. Magkatapat kami at tinalasan din nya ang tingin sa akin.

"Alam mo, masyado kang papansin sa akin.." Ngumisi ako ng magsalubong ang kilay nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Lalo akong ngumisi at sinukbit ko sa magkabilang balikat ko ang bag ko.

"Sorry.... Pero hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae."

Halos umusok ang ilong nya kaya ngumiti ako at inagaw sa kanya ang libro ko. Umalis ako sa harap nila, at hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"How dare you!" hiyaw ni Honey.

Natawa nalang ako sa pagputok ng butchi ni Honey, pero nang makalayo na ako ay nawala ang ngiti ko. Napabuntong-hininga ako at pinili ko nalang na sa library ako gumawa ng assignment. Atleast doon ay walang istorbo.

Naupo ako sa bakanteng upuan at nilapag sa lamesa ang libro at notes ko. Wala akong kashare sa table at iilan lang ang estudyante na narito.

Ginawa ko na ang kailangan sa assignment ko pero pumipikit-pikit na agad ang mga mata ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Simula nang may nangyaring gulo sa party ay hindi pa nagpaparamdam si Grae. Dinala rin kasi sa maynila si Donya Celeste kaya tiyak na magtatagal doon sila Grae. Nais ko sana syang tawagan dahil nais ko ngang itanong sana kung kamusta na si Donya Celeste. Kaso nahihiya naman ako na tumawag sa kanya. Hinihintay ko nga na tawagan nya ako pero wala naman syang ginagawang pagpaparamdam. Kaya halos mapuyat ako sa kakaisip kung kamusta na kaya sya at ang Lola nya?

Bumagsak na ang ulo ko sa lamesa kaya ginawa kong unan ang braso ko at pumikit na ang mga mata ko ng tuluyan.

Matagal-tagal din ang naging tulog ko bago ako nagising. Nag-unat ako ng braso at napatingin sa notes at libro ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na three minutes nalang at malapit na ang huling klase ko. Nagmadali na binuklat ko ang libro at notes ko, pero napatigil ako ng makita na tapos na lahat ng assignment ko.

Napakuno't-noo ako dahil hindi ko sulat kamay ang sumagot sa assignment ko. Napatingin ako sa gilid ko at nagulat ako ng makita na nakatayo si Grae habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip ang mga braso.

Napamaang ako at napatingin sa libro ko. Napailing ako at napakusot sa mata ko. Nag-iilusyon ata ako.

Pinalo ko ang pisngi ko at umiling-iling muli ako. Pero napatigil lang ako ng may humawak sa mukha ko at pinapaling paharap rito. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ni Grae habang nakatingin sa akin ang mga mapupungay nyang mga mata at ang labi nyang mapula na nakangiti.

"Namiss kita, babe." aniya at nilapit ang mukha sa akin. Napapikit ako ng dumampi ang labi nya sa labi ko. Doon ko lamang napagtanto na totoong nasa harap ko sya ngayon at hinahalikan ako.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon