Kabanata 17

26.6K 615 23
                                    


Kabanata 17

Bagay tayo

Pinaupo ako ni Grae sa mismong unahan ng bleacher. Maraming nagsisigawan para i-cheer ang bawat team ng kanilang klase. Dahil ako ay business team at si Grae ay Agriculture team na ngayon ay naglalaban, kaya hindi ko alam kung sino ang i-chicheer ko.

Practice game lamang ito para sa nalalapit na competition para sa basketball event. Dito din maglalaban ang ibang unibersidad ng San Isidro.

Rinig ko ang chismisan ng ibang babaeng estudyante sa likod ko. At kanina parin ako pinagtitinginan ng iba ng iupo ako ni Grae sa harap ng bleacher...kung saan ang pwesto ng team nya.

Napatingin ako kay Grae ng tumalon sya at inabot ang ring kung kaya nashoot nya ang bola sa ring. Pumalakpak ang mga babae at iba pa sa naging performance nya. Napangiti ako dahil nakikita ko na magaling talaga sa basketball si Grae.

Napatingin ako sa upuan sa tabi ko at bigla ay napasinghap ang mga babae na nasa likod ko ng makita na tumabi sa akin si Belle. Hindi ko alam kung maiilang ba ako dahil napukaw namin ang atensyon ng mga estudyante.

"Ang galing ni Grae, 'di ba?"

Tumango ako, "Yeah.."

Saglit na nilingon nya ako at ngumiti sya bago tumingin muli sa mga naglalaro sa court.

"Hindi ko alam na sya pala ang sinasabi ng Mommy ko na pinagkasundo sa akin. Sabagay, kagusto-gusto naman talaga si Grae."

Parang nagbabara ang lalamunan ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit nya ako kinakausap o bakit nya sinasabi sa akin ang mga iyon?

"Alam mo ba nung bata pa kami ay crush ko na sya. Kaso ewan ko ba kung bakit hindi nya ako gusto. Madaming babae ang nagkakagusto sa kanya, pero balewala lang iyon sa kanya at tila ba hindi sya aware na maraming babae ang patay na patay sa kanya." napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakangiti sya, "Tignan mo sya ngayon."

Tumingin ako kay Grae gaya ng sabi nya. Nakita ko na nakatingin sa akin si Grae at ngumiti habang hindi man lang sya nakikinig sa coach nya.

"Inggit na inggit ako sa'yo dahil halata naman kay Grae na patay na patay sya sa'yo. Ngayon lamang sya sumuway sa Lola nya. Ngayon lamang sya naglayas sa bahay nila dahil sa'yo..."

Napayuko ako at napakutkot ako sa bag ko dahil nakokonsensya ako. Dahil nga sa akin kaya sumusuway si Grae sa Lola nya. Dahil sa akin kaya sya naglayas.

"A-Akala ko ay pinalayas sya."

Natawa sya kaya napatingin ako sa kanya. Umiling-iling sya at ngumiti.

"Hindi kailanman mapapalayas ni Donya Celeste ang apo nya. Sa bahay ng mga Dela vega ay spoiled na spoiled si Grae. Hindi pwedeng masaktan si Grae. Hindi pwedeng uminit ang ulo ni Grae. Lahat ng gusto ni Grae ay agad na binibigay ni Donya Celeste o kaya nila Tito at Tita."

Napamaang ako sa sinabi nya. Ganun pala itrato si Grae. Parang binebaby. Natawa muli si Belle kaya napakuno't noo ako.

"Alam mo ba na gusto kong matawa ng magbanta si Grae na lalayas sya kapag hindi binigay sa kanya ang titulo ng lacos."

"Huh? Titulo ng Lacos?"

Tumingin sya sa akin at nakita ko na nagtataka sya na tumingin sa akin.

"Hindi mo ba alam?"

Nagsalubong ang kilay ko at napailing, "Alam ang alin?"

"Mrs. Dela vega!"

Nawala ang atensyon ko kay Belle ng may sumigaw na Mrs. Dela vega. Napatingin kami sa entrance ng court at doon ay nakita ko si Donya Celeste kasama ng Dean at ibang mga professor.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon