Kabanata 12

23.9K 654 6
                                    


Kabanata 12

The truth

Sa bungad palang ng school ay agad akong pinagtinginan ng mga estudyante na akala ko ay matutuwa dahil ako ang nanalo. Pero tila nagkakamali ata ako, especially sa mga girls na akala ko ay kakaibiganin na ako.

Nagtataka ako habang naglalakad sa hallway na may tunnel kung saan ay may ilang tambay rin.

"Hindi naman sya ang dapat nanalo, dapat si Honey. Palibhasa, boyfriend si Grae kaya sya ang nanalo."

"Tama! Kaya para sa amin ikaw ang winner, Honey."

Yeah right. Narito rin ang grupo ni Honey at si Honey na panay ang irap sa akin. Jusko, dalawang araw na ang nakalipas, hindi parin sila makamove on?

Hindi ko nalang sana papansin ang mga ito ng harangin ako ni Honey. Kaya napahinto ako at tumayo ng maayos bago kami magsukatan ng tingin ni Honey.

"Inuto mo lang si Grae kaya ka nanalo. Halata naman na ako ang dapat manalo, hindi ikaw."

Napaatras pa ako ng itulak nya ako pero mabuti na lamang at may sumalo sa akin kaya hindi ako natumba. Napasinghap ang lahat kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Grae habang nasa likod nya sila Gerald.

"Anong ginawa mo, honey? Bakit mo sya tinulak?"

Matapos nya akong maiayos ng tayo ay hinarap nya si Honey na ngayon ay namumutla.

"Hi-Hindi ko naman sinasadya."

"Hindi sinasadya? Kita ko na tinulak mo sya. Bakit, anong problema mo at gusto mong saktan si Ciella?"

Pinigil ko ang braso ni Grae at inilingan ko sya. Pero tila naiinis sya kaya hindi parin sya tapos na komprontahin si Honey.

"Bakit ba kinakampihan mo sya? Dapat nga lumalayo ka d'yan dahil kilala ang pamilya nila na magnanakaw."

Napatiim-bagang ako at hinarap ko naman si Honey.

"Hindi kami magnanakaw! Oo, dati 'yon, pero lolo ko lang ang may gawa no'n at kahit kailan hindi ko o sino man sa pamilya ko magagawa ang binibintang mo."

"Really? Kaya ba pinagpaplanuhan nyo kung paano nyo makukuha sa mga Dela vega ang titulo ng Lacos?"

Napatigil ako at biglang namutla sa sinabi nya na nagbigay ng sari-saring disgusto sa mga nakarinig.

"Naku, gold digger pala sya."

"Ginagamit nya lang si Grae."

"Sabi na e, nasa dugo nila ang masamang budhi."

Nangilid ang luha ko sa mga taong nasa paligid na binibigyan ako ng iba't-ibang opinion tungkol sa nais namin sa Dela vega.

"Honey, tumigil ka. Kayo, sinong may sabi sa inyo na pagsalitaan nyo si Ciella ng masama?"

"Bakit mo pa sya pinagtatanggol, Grae? 'Di ba, alam mo na kung ano ang motibo nya sa--"

"Enough, honey! Tumigil ka."

Napatingin ako kay Grae na galit na nakikipagtagisan ng tingin kay Honey. Tila sila may sinesenyas sa isa't-isa.

Agad akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanila. Ayoko na dito. Ayoko ng marinig ang panghuhusga nila.

"Ciella!"

Narinig ko agad ang yabag ni Grae kaya agad 'kong pinunasan ang luha ko. Hinablot nya ang braso ko at hinarap nya ako sa kanya.

"Sorry, hindi ko sila napigilan. Hayaan mo, hindi ko hahayaang husgahan ka nila."

Pinahiran nya ang luha ko at niyakap ako. Yumakap ako pabalik sa kanya at muli akong napaiyak.

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon