Kabanata 11
Pagent
Madilim na ng maisipan namin ni Grae na umuwi. Kailangan pa kasi naming magpatiyo ng underwear dahil baka magtaka sila Mama kapag nakita nilang basa ako. Tiyak na uusisain ako ng napakaraming tanong. At ayokong umabot sa punto na malalaman nila na may boyfriend na ako.
"Bukas, sunduin kita."
Huminto kami rito sa kubo kung saan kami palaging nagtatagpo. Mabuti at walang dumadaan dito kaya hindi pa nachichismis ang relasyon namin.
"Wag na, baka ihatid ako ni Tiya bukas."
Kinuha ko na sa kanya ang sling bag ko na ayaw pa nyang ibigay. Napahinga sya ng malalim at kinuha ang jacket nya bago ilagay sa balikat ko.
"Sige, pero text mo agad ako pagkauwi mo, hihintayin ko 'yon."
Demand nya kaya inirapan ko sya dahil napakademanding talaga nya. Tumingkayad na ako para hagkan sya sa pisngi.
"Oo. Sige na, mauna na ako. Baka mamaya ay magtaka na sila Mama kung bakit ako parating ginagabi."
"Ayaw mo pa kasing sabihin, edi sana hindi tayo tagong magdate."
"Grae, alam mo naman 'di ba? Promise, kapag natapos lang ang suliranin namin ay pangako ko sa'yo na sasabihin ko na sa parents ko ang lahat."
"Alright. Okay, bye, babe."
Hinalikan nya ako sa labi kaya napanguso ako na kinangisi nya. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad. Nang makalayo na ako ng kaunti ay lumingon ako sa kanya at nakita ko na nakatayo parin sya habang nakatanaw sa akin kaya napangiti ako at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.
Sa bahay ay agad akong sinermunan ni Mama dahil bakit daw ako nagpapagabi. Habang sila Dennis at Mark ay busy na naman sa paglalaro ng play station.
"Ciella, nag practice mo na ba ang dance number mo? Yung isasagot mo sa tanong?" tanong ni Mama habang busy sya sa pagcheck ng mga gown na isusuot ko para sa kinabukasang pagent sa school na Ms. Dela Vega.
"Opo, Ma. Kabisado ko na at naghanda na po ako ng tatag ng loob para sa tanong na ibabato sa akin."
Tumayo na ako dahil nais ko nang maglinis ng katawan dahil pakiramdam ko ay puro lamig ang katawan ko.
"Kaninong jacket yan, Ciella?" tanong ni Mama kaya tila ako natuod sa kawalan ng isasagot.
"Akin 'to, Ma. Binili ko ito noon " umiwas ako ng tingin at kinuha ko ang sling bag ko.
"Really? Bakit may DV na tatak? Alam ko na Dela vega lang ang may ganyang tatak rito."
Napahinga ako ng maluwag dahil mali sya ng iniisip. Napatingin ako kay Mama na pinagtaasan ako ng kilay.
"Eh, Ma, ang ibig sabihin ng DV sa jacket ko ay Divisorya. Tama, divisorya nga po."
"Ah, akala ko ay nagkakamabutihan na kayo ni Dela vega ay mabuti sana."
Napahinga ako ng malalim at napailing nalang bago ako nagmadaling umalis dahil baka magtanong muli sya at baka sa susunod ay hindi na ako makalusot.
Pabagsak na naupo ako sa kama at napahinga ng malalim. Kinuha ko ang phone ko sa bag para i-text si Grae na nakauwi na ako.
"I miss you." napangiti ako ng tumawag sya imbes na sagutin ang text ko.
"Kakahiwalayan palang natin ay namiss mo na agad ako?"
"Malakas kasi ang epekto mo sa akin. Hindi ako mapakali kapag malayo ka."
Nahiga ako at napanguso para pigilan ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing
RomanceNagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin...