Kabanata 13

27.7K 780 47
                                    

Kabanata 13 -Warning SPG

No experience




Ilang missed calls, text message, at pangungulit nya sa akin ay wala akong naging tugon sa kanya. Naguguluhan sya kung bakit ako umiiwas? Kung bakit naging ganun nalang ang trato ko sa kanya.

Pati ang mga estudyante sa school ay nagtataka kung bakit tila hindi ko sya pinapansin. Nakakagimbal nga naman na ang isang Dela vega ay hinahabol-habol ang isang Francisco at nakakapanghina dahil hindi ko pinapansin ang santo nila.

"CIELLA! Kausapin mo ako." galit na sya ng habulin nya ako. Almost one month na mula ng malaman ko na isa syang Dela vega. Sya pala ang Dela vega at hindi si Choco.

Tanga ko talaga! Bakit ko nga pala napagkamalang Dela vega si Choco? Eh napakalayo nya para maging Dela vega. Sa porma, kilos, at pananalitan palang ay dapat una palang ay alam ko na.

Hindi ko man lang napansin na nagkukuhiyaw na isang Dela vega si Grae sa mga gamit nya, sa paggalang ng mga tao sa kanya, sa mansyong malaya syang magdala ng ibang taong katulad ko, at sa itsura palang ay alam ko na dapat na sya.

Lintek na buhay ito! Kapag nabulag ka ng pag-ibig ay hindi mo agad makikita ang totoo, bagkus ay mabubulag ka muna at sa huli ay masasaktan.

At para maiwasan ko muna sya at makalimot ay umabsent ako ng halos dalawang linggo para lang wag kaming magkita. Nagdahilan pa ako kela Mama na nilalagnat ng one week, tapos sa pangalawang linggo ay ang dahilan ko naman ay masakit ang ngipin ko. Pero nitong pangatlong linggo na ay wala na akong maidahilan, pero sinabi ko kela Mama na ayoko ng pumasok. Ayoko ng gawin ang nais nila.

"Ciella, anong tumakbo sa utak mo at nagback-out ka?"

Nanghihina si Mama sa panghihinayang ng sabihin ko na ayoko na. Si Papa ay nagalit dahil bakit daw ako nagback-out. Napapailing naman sila Tita, Dennis at Mark sa sinabi ko.

"Ma, Pa, Tita, bago kayo magalit sa akin, inalam nyo po ba ang nangyayari sa akin sa school? Inalam nyo po ba kung anong klaseng pambubully ang inabot ko? Inalam nyo po ba kung anong klaseng katangahan ang ginawa ko? Una palang ay alam na ng mga Dela vega ang plano natin. Alam na nila na ako ang pinaing nyo para mapaibig ang tagapagmana ng Dela vega. Nagmukha akong tanga dahil imbes na ang tagapagmana ang dapat na paibigin 'ko...ay..ako pa ang bumigay sa patibong nila."

Halos napakalakas ng hagulgol ko habang sinasabi ko sa kanila iyon. Nilapitan ako ni Mama at niyakap.

"Sorry, Anak. Hindi namin alam na ganun."

"Kuya Ansel, paano na? Wala na pala tayong magagawa para maagaw ang titulo. Alam na pala nila simula't sapul." aniya ni Tiya Rosa.

"Pasensya na, Ciella. Hindi namin inalam ang kalagayan mo. Pasensya na, nagmukha na pala tayong desperado dahil sa karampot na lupain."

"Pa, patawad. Hindi ko na po magagawang maagaw ang lupain ng Lacos."

Pinahid ko ang luha ko at napayuko dahil malaki tiyak ang poproblemahin nila Papa.

"Mang Ansel! Mang Ansel!"

Napalingon kami sa gawing pinto ng makarinig ng sigaw sa labas. Agad na tumayo sila Papa kaya sumunod rin kami kela papa na dumeretso palabas..

"Anong?" napatanong si Papa ng magulat ng makita ang lahat ng tauhan na pinangakuan nya noon na kapag nakuha namin ang lupa ay tiyak na babayaran ang mga ito ni papa ng cash.

"Maniningil na kami, Senior. Masyado ng matagal ang nakalipas mula ng mangako kayo na babayaran nyo kami ng buo sa paglilingkod namin sa inyo. Aba! Hindi kami mayaman para maghintay pa ng matagal. Kailangan rin namin agad yung sasahurin namin dahil meron din kaming anak na pinapalamon at pinag-aaral."

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon