Kabanata 10
Lacos
Napatingin ako sa suot kong snicker shoes na pink. Nakaupo ako sa kubo kung saan kami nagpunta ni Grae nung gabi na dinalhan nya ako ng pagkain. Nakasuot ako ng off shoulder blouse and maong black short.
Hinihintay ko si Grae rito dahil may usapan kami na magdadate daw kami. Simula kasi na sabihin nya na kami na ay palagi na syang sweet sa akin at inaamin ko na habang tumatagal ay pahulog na pahulog na ako sa kanya...
Yung feeling na t'wing gabi ay magkatawagan kayo. Ayaw nya kasi ng text dahil matagal pa raw mag-usap pag iyon. Kaya pag tawag daw ay madali na.
Ngayon ko lang din natuklasan na masyado pala syang mahigpit. May oras na pag hindi ko sya narereply man lang ay nag-iisip na sya na baka may iba daw akong katext. Minsan naman sa mga sinusuot ko na maiikli na ayaw na ayaw nya. Kaya nga kahit ayaw nya ay patuloy parin ako sa pagsuot para mas lalo syang magalit.
Napatingin ako sa daan para alamin kung parating na ba sya? Pero wala parin. Ang usapan ay alas dos at doon kami dapat sa lacos pupunta dahil meron daw syang ipapakita sa akin. Kaso wala pa sya. Mag-iisang oras na akong naghihintay. Akala ko pa naman ay narito na sya pero nauna pa ako.
Napabuntong-hininga ako at nagtimpi na maghintay. Tinext ko sya pero hindi sya nagrereply. Baka hindi nya nabasa? Tawagan ko kaya?
Hinanap ko ang name nya sa contact list ko at nang makita ko ay napangiti ako dahil nakalagay lang naman ay 'Babe'. Sya ang naglagay no'n. Nakita ko lang minsan ng makita ko iyon ng magtext sya.
"Ciella!"
Napabaling ako ng tingin ng makita ko si Grae na hingal na hingal habang may bitbit na payong.
Napatayo ako at lumabas sa kubo para salubungin sya.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay rito." nakanguso kong sabi sa kanya kaya napangiti sya at hinapit ako sa bewang.
"Sorry, babe. Nagkaproblema lang kay Riri." tukoy nya sa kabayo nyang si Riri.
"Dapat kasi tumawag ka para hindi naman ako maaga rito. Ang init-init pa." reklamo ko at nagpunas ng pawis sa noo.
Nabahala naman sya at kinuha ang panyo ko at sya na ang nagpunas. Lihim akong napangiti dahil ang sweet talaga nya.
"Promise, hindi na mauulit. Teka, magpayong muna tayo baka mainitan ka." sabi nya at binuksan ang payong bago ako akbayan.
"Ano bang gagawin natin sa Lacos? Wala namang pasyalan doon." sabi ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa bewang nya habang naglalakad kami para tahakin ang daan kung saan ang daan sa lacos.
"Yun ang akala mo. May sekretong lugar doon na ako lang ang nakakaalam. Kaya gusto ko na dalhin kita doon para tayong dalawa lang ang nakakaalam." sabi nya.
"Talaga? Naexcite tuloy ako. Maganda ba doon?" natutuwa kong tanong kaya nabigla ako ng halikan nya ako bigla sa labi kaya napalayo ako sa gulat na kinangiti nya.
"Nakalimutan ko ang kiss ko, babe. Akala mo ha." nangingiting sabi nya kaya hinampas ko sya ng dala kong sling bag.
"Palagi mo nalang akong ginugulat, nakakainis ka!" sabi ko sa kanya.
"Wag ka nang magalit. Parang hindi ko naman ginagawa sayo iyon araw-araw." sabi nya at muli akong inakbayan at pinayungan ako.
"Tigilan mo na nga ang paghalik. Mamaya ay may makakita pa sa atin na kakilala nila papa ay baka malaman pa nila ang relasyon natin." sabi ko sa kanya na kinatahimik nya. Tumingin ako sa kanya na natahimik at nakatingin sa dinaraanan namin, "Bakit, may nasabi ba akong mali?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing
Roman d'amourNagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin...