Kabanata 2

26.1K 620 46
                                    

Kabanata 2

Dela Vega

Kinahapunan ay naisipan kong maglakad-lakad muna upang gumaan ang pakiramdam ko.

Suot ko ang white shirt na may print at imprentang 'I'm confused' habang isang cotton short na black naman sa pang-ibaba ko. Tapos sinuot ko rin ang rubber shoes ko na puma. Pagbaba ko ng kwarto ay wala akong nakita tao sa bahay. Nakibat-balikat na lang ako at dumeretso palabas.

Lumabas ako ng rancho upang pumunta sa sinasabi nilang ilog ng lacos. Tiyak na doon ay walang istorbo. Nasa gitnang bahagi daw iyon ng san isidro.

Tumingin-tingin ako sa paligid at masasabi ko na mas gumanda ang San Isidro. Dahil marami na ring puno at may nadaraan akong bahay na puro may kulay na.

Napalunok ako ng may nakita naman akong tulay na mataas. Takot ako sa mga heights, pero hindi ako makakapunta sa lacos kung hindi ako tatawid ng tulay. Kaya nilakasan ko ang loob ko at tumawid ako sa nakakatakot na tulay.

Dahan dahan pa ako sa paglakad, dahil gumagalaw ng kaunti ang tulay. Baka mamaya ay bigla na lamang itong bumagsak.

Nasa kalagitnaan na ako ng makarinig ako ng huni ng isang hayop. Lumingon ako sa likod ko at nagulat ako na may isang lalaking nakahubad ang pang-itaas, habang sakay ito ng kabayo.

At talagang ginawa pang daanan ang tulay, ha?

Umalog-alog ang tulay kaya napakapit ako ng mahigpit sa lubid na hawakan ng tulay. Pumikit ako dahil mas bumilis ang paggewang ng tulay dahil sa paglikot ng kabayo nito.

"Miss, umalis ka dyan. Mamaya masipa ka ni jupiter." baritong boses na sabi nito.

Nasa likod ko sila at hindi makaraan dahil nga nakatayo pa ako sa daraanan nila.

Inis na humarap ako dito kahit na kinakabahan ako dahil baka mahulog ako. Pansin ko na puro putik ang katawan nito tila galing sa pagtatanim. Siguro ay tagabukid ito?

"Pwede ba! Nakita mong may dadaan tapos dito mo pa idadaan yang kabayo mo!" asar ko bulyaw sa kanya.

Ngumisi ito akala mo ay natutuwa pa sa pag-aalburuto ko. Aba't! Talaga nagawa pa akong ngisihan, ha?

"Kaya nga dumaan ka na. Kung gusto mo naman ay sumakay ka rin kay jupiter." alok nito.

Inirapan ko ito at tumalikod sa kanya. Dahan dahan akong naglakad at tinatatagan ang loob ko.

Pero ang sarap magmura. Dahil ang peste lalaking iyon at talagang nang-aasar pa! Dahil sumusunod lang naman sila ng kabayo nya kulay puti sa paglalakad ko.

"Pwede ba! Mamaya na kayo dumaan, kita mong naglalakad pa ako, eh!" bulyaw ko habang nakatalikod dito at humahakbang ng dahan-dahan.

"Gusto ka ata ni Jupiter, dahil sinusundan ka." magiliw nitong sabi.

"Baliw." bulong ko na lang. Paano pati kabayo nalalaman pa nito ang iniisip at sinasabi. tsk.

Nang makaapak na ako sa lupa ay nakahinga na ako ng maluwag. Ang problema ko nga pala ay mamaya. Dadaan na naman ako d'yan pabalik.

Narinig ko ang yapak ng kabayo nya ngunit hindi ko na sila pinansin pa.

"Miss, may tagos ka!"

Humahalakhak nyang sigaw at pinatakbo na ang kabayo. Napatingin naman agad ako sa pang-upo ko at nakita na wala naman.

"BASTOS!!!" galit kong sigaw rito. Naririnig ko pa ang halakhak nya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Napakabastos naman ng lalaking iyon. Argh kainis!

Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon