Kabanata 5
First Day
Nakasunod ako kay Grae gaya ng sabi nya. Hindi ko alam na popular pala sa lugar namin si Grae. Dahil lahat ng madaan namin na mga tao sa kalsada ay binabati sya. Para bang nakasanayan na nila o may iba pang dahilan? Sigurado ako na ngayon ko lang sya nakita maliban nalang nung nagmaynila ako. Pero saglit na panahon lang naman iyon. Wag nyang sabihin na sa sandaling panahon na iyon ay close na nya agad ang mga tao rito?
Mga ilang saglit lang din ay huminto sya sa medyo antigong bahay na kahit na napaglumaan ng panahon ay ang ganda parin. Tinali nya ang kabayo sa isang puno sa gilid ng bahay at tsaka sya tumingin sa akin.
"Tara. Pumasok ka muna." aya nya. Kaya tumango lang ako. Nauna syang lumakad sa hagdanan at sumunod ako.
Tahimik, maaliwalas, at malamig ang pakiramdam ng bahay ng makita ko ang bungad ng pinaka balkonahe nila. Gawa sa kahoy ang buong bahay pero napanatili nilang maayos at matibay. May nakita din ako na tumba-tumba na upuan ng matanda at lamesang bakal na kulay puti.
"Nay Ising!" tawag ni Grae. Siguro ay nanay nito ang tinatawag. Nakatayo lang ako sa tabi ng hagdanan habang si Grae ay nilapag ang basket na dala ko sa lamesang bakal. Napatingin ako sa pinto ng may narinig akong yapak at nakita ko ang isang medyo may katandaang babae na may hawak na isang tungkod. Inayos nya ang suot nyang salamin at tinignan kung sino ako. Kulay puti na rin ang buong buhok nya. At gaya ng matatanda ay suot ang isang bestidang bulaklakin.
"Sino ireng kasama mo, hijo?" tanong ng matanda na tinawag ni Grae na Nay Ising.
"Sya po si labanos." sabi ni Grae kaya tumingin ako sa kanya ng masama. Natawa sya na akala mo ay natutuwa ako sa biro nya.
"Hindi po totoo ang sinasabi nya. Ako po si Ciella" pagtatama ko sa matanda. Hindi naman umimik ang matanda.
"Sige, pasok ko lang ito at kukuha ako ng platito." nangingiti nyang sabi sa akin. Sasabihan ko sana sya na bakit platito pa? Yung bayad dapat. Kaso pumasok na sya.
Namayani ang katahimikan sa amin ng matanda ng pumasok si Grae. Naglakad ang matanda palapit sa tumba-tumba.
"Kaninong anak ka? Kilala ko ang lahat ng tao rito. Pero may isang pamilya lang ako na hindi kinikilala." Tanong nya.
"Ho? Anak po ako ni Anselmo at Sandra Francisco." tugon ko sa kanya. Sumama ang timpla ng mukha nya ng marinig ang sinabi ko.
Tumahimik sya saglit na masama parin ang timpla ng mukha. "Isa ka palang Francisco. Tiyak na gaya ka rin ng lolo mo. Baka naman may balak kang nakawin rito? Sinasabi ko sayo na lalo kayong lulubog sa kasamaan ng lahi nyo."
Parang sumiklab sa galit ang dibdib ko at uminit ang ulo ko sa sinabi nya.
"Mawalang galang na po. Pero ang pagbintangan nyo po ako na masama ay parang ibang usapan na po yan. Nagpunta ako rito ng maayos dahil kailangan ko lang singilin si Grae sa binili nya. Tapos kung ano agad ang sasabihin nyo porket isa po akong Francisco? Sino po kaya ngayon sa ating dalawa ang may masamang lahi?" sabi ko kahit na hindi ko gustong galangin ang katulad nyang matanda ay ginawa ko parin ang tama. Dahil tinuruan ako ng magulang ko na gumalang sa nakakatanda.
"Wala talagang modo." sabi nya. Dahil hindi ko na nais pang makipagtalo sa kanya dahil baka ano pang magawa ko. Ako pa ngayon ang walang modo? Hindi ko naman sya sinabihan ng masama. Porket sinasabi ko lang ang totoo, ako pa ngayon ang walang modo sa aming dalawa? Hah!
Tumalikod na ako at mabilis na lumisan pababa ng hagdan. Wala na akong pake kung hindi ko makuha ang bayad. Kainin nila. Lamunin nilang lahat. God. Nakakastress si lola. Naku! Kung hindi ako nakapagpigil baka lalo pa akong nawalan ng galang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing
RomanceNagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin...