Wakas
Grae's POV
Tinanaw ko si Ciella na lumalangoy sa batis ng Lacos. Naisipan namin na balikan ang sekretong batis na kami lamang dalawa ang nakakaalam.
Napangiti ako at inunan ko ang braso habang nakasandal ako sa puno habang nakaupo at nakatanaw kay Ciella.
Hindi ko akalain na ngayon ay akin na talaga sya. Dati ay hindi ko naisip na mauuwi kami sa ganito. Dati palang ay gusto ko na sya, pero hindi ko naman alam ang pangalan nya at hindi ko na muli syang nakita noon.
Isa akong varsity noong junior high school ako. Dahil may gaganaping sport fest sa karatig na school kaya kami ang pinadala ng school namin para makilahok.
Naupo kami nila Gerald at Charlie sa bleacher kung nasaan ang grupo namin. Pinagmamasdan namin ang bawat school na kalahok rin at pansin namin na matatangkad din sila..
"Ganda din ng Carmen school. Malaki rin ang whole court nila." ani ni Gerald.
Sumang-ayon ako doon dahil malaki nga ang court. Kaya siguro dito din naisipan na ganapin ang ikalabing dalawang sport fest ngayon ng San Isidro.
Napansin ko na natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya agad akong yumuko at inabot ang sintas ko. Tinali ko ng mabuti at nang ayos na ay mag-aangat sana ako ng tingin ng may biglang dumaang babae na maikli ang suot na skirt at nakarubber shoes sya na puti. Dahan-dahan na umangat ang tingin ko mula sa makinis at maputi nyang legs hanggang sa makita ko na ang nakaside view nyang mukha.
Napatulala ako lalo na nang maamoy ko ang nakakahalina nyang pabango na nanuot sa ilong ko.
"Naks. Chicks, pre." utas ni Gerald.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa magpunta sya sa isang varsity team. Napahaplos ako sa singsing na suot ko sa daliri habang nakatingin rito.
"Ay, muse ata ng kabilang varisty iyon." ani ni Charles.
Hindi ko alam kung bakit ako naasar na malaman na muse sya ng kabilang varsity. Tapos may mga lalake rin na nakasunod ang tingin sa kanya.
"Okay, team.. Maghanda na kayo at mag-uumpisa na ang laban. Kayo ang mauuna laban sa Carmen High."
Nang sabihin iyon ni Coach ay agad na bumaba ako mula sa pagkakaupo sa bleacher at hinubad ko ang jacket ng school na suot ko.
"Tila nag-iinit ka na, Grae." tukso sa akin ni Gerald na nginisihan ko lang at napatingin muli ako sa babaeng maganda.
Gusto kong malaman ang pangalan nya at syempre gusto kong makilala sya. Ngayon lang may nakapukaw ng atensyon ko, at hindi ko akalain na sya iyon.
Nag-unat ako ng braso at kunwari ay nakikinig kay Coach pero dumadako ang paningin ko sa babae na nakikipagngitian sa lalake.
"Grae, alam mo na ang gagawin?"
Napukaw lamang ako ng tawagin ako ni Coach. Tumango ako kahit na hindi ko narinig ang sinabi nyang gagawin ko. Si Gerald at Charles ay nginisihan ako tila napansin nila kung nasaan ang isip ko.
Nagpunta na kami sa court para makaharap ang Carmen high varsity team. Nakatapat ko ang kaninang nginingitian ng babae. Kasing tangkad ko sya pero mas malaki naman ang katawan ko.
"Good luck." aniya at naglahad ng kamay. Inabot ko ang kamay nya at nakipagdaop-kamay rito. Nais ko sana na itanong sa kanya ang pangalan ng babae pero umuurong ang dila ko.
Pumito na ang referee kaya nagjump shot kaming dalawa at ako ang nakapalo ng bola. Agad na nahawakan ni Gerald ang bola.
Kaya tumakbo na kami sa kabilang ring. Sinisikap ko na galingan ang performance ko para mapansin nya. Kaya nang makascore ako ay pasimpleng tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing
RomanceNagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin...