Chapter 6
"Anong sabi mo?" Hysterical kong sabi nang mailapag ko iyong cellphone ko.
"Bingi lang, Sinag?" Si Rain na may pagirap pa.
"Ikakasal ka na? At kanino? Bakit biglaan?" Titig na titig ako kay Elizabeth. "Hoy! Pinagtitripan nyo ba ako?"
"Totoo be." Ngisi pa ni Eli.
"Pakita mo kasi. Daliiii." Halata ang excitement sa boses ni Rain.
Elizabeth flashed her right hand. Agad na nakita ko ang palasingsingan nya. May bato.
"Halaaa! Seryoso?"
Tumango tango sya. "Ang busy mo kasi lately. Kaya si Rain unang nakaalam."
"Kelan pa? Tyaka kay ano ba?"
"Oo no. Last week lang sya nagpropose."
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko.
"Patingin."
Titig na titig ako dun sa singsing. Ang simple lang kasi pero halatang halata ang bato.
"Sana all binigyan ng singsing." Si Rain.
"Eh sinabihan mo na ba ng I love you si Earl? Di pa siguro kaya wala ka pang singsing."
"Sinabihan ko na ha!"
"Congrats be. Finally, nahanap mo na ang forever mo." Sabi ko nang ngiting ngiti.
"Oo nga pala. Nagdesisyon kami ni John na ikaw ang kuning event organizer. G ka ba?"
"Oo naman syempre! Pero ikwento mo ang main reason ng pagpapakasal mo." I demand. Well kahit walang kwento papayag talaga akong maging event organizer nila.
"Kailangan pa ba nun, Sinag?" Tumawa si Eli. "Okay fine. Buntis ako."
"Oh my god! Rain ikaw nalang walang anak sa atin." Turo ko pa kay Rain na inirapan lang ako.
"Wit. Ayaw pa namin ni Earl. Tyaka nasa stage palang kami ng pagiging magjowa talaga."
"Paano ang pabebe nyo kamo." Si Eli.
"Ako pa daw? Sino kaya dito yung pilit sinasabi na wala ng epekto sa kanya si Emoji kahit alam naman nating meron pa? Hmm.."
Kinurot ko si Rain. "Hoy. Namemersonal ka na ah."
"Wala. I'm just stating the fact!"
"Mahal ko si Cristian okay? Balik tayo kay Eli."
Wala nang nagawa si Rain kundi umorder nalang. Habang ako ay nagpapakwento kay Eli nang tungkol sa kanila ni John. Naging busy nga kasi ako kay Zk at sa pagmomodelo noon kaya medyo wala akong alam sa kanilang dalawa.
Nagbigay na din ako ng idea's para sa magiging reception ng kasal. Bale two months from now ang kasalan. Hindi ko nga maiwasang mapangiti habang nagbibigay din ng idea si Eli. Kasi finally, lalagay na sya sa tahimik. Well, as of Rain alam naman nating matagal ng lumagay sa tahimik yan kay Earl. Secured na ang future nan dahil next week ay opisyal nang gagawing Vice President si Earl ng Lausingco Hotels.
Nalaman nga ni Tita Merlie ang tungkol sa pagiging event organizer ko. And she requested for my help. Balita ko din na palaki na nang palaki ang Lausingco Hotels.
"Kita nalang tayo next week para sa final desicion."
"Sure."
Ilang saglit pa ay nakita ko na si John na pumapasok sa restaurant kung nasaan kami. Ngumiti sya at agad na inabot si Eli. Hindi pa halata ang tiyan ni Eli dahil pa-two months palang daw yun.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomanceYou're The Only One Book Two. Enjoy!