Chapter 24
Inunat ko ang mga binti ko at humikab ng bongga. Pagmulat ko ng mata ko, ang una kong nabungadan ay si Eris. Mabilis akong nakaramdam ng hiya dahil sa walang hiya kong paghikab.
Saglit ko pang nakalimutang dito pala sya natulog kagabi. Sinilip ko pa si Zk sa kama nya pero wala ng tao doon.
"Mornin'" he greeted me casually.
I blinked twice. "Good Morning."
Taimtim syang nakatitig sakin. His masculine arms are wrapped on my waist. Nakapatong pa ang isa kong binti sa binti nya.
"Kanina ka pa gising?" Tanong ko.
"Just a minute before you yawn."
I nodded. "Ano oras pasok mo?"
"8:30."
Nanlaki iyong mata ko ng makita kong 7:45 na. Halaaa. Baka malate sya.
"Oy bumangon ka na jan. Baka malate ka."
Taranta na akong tumayo at pinagpupulot ang mga kalat ni Zk sa sahig. Then I heard him chuckle, pagharap ko ay amuse syang nakatitig sa akin. Sinuot nya ang sando nya at tumayo na.
"Halika na. Kumain na tayo ng almusal."
Hinawakan ko sya sa kamay nya at dinala sa kusina. Pagbukas namin ng pinto ay si Zk ang una naming nakita, katabi si Ate na mukhang maayos ang pakiramdam.
"Morning Mama! Morning Papa!" Sabay hagikhik nya. He even raised his arms.
Napagupitan na din pala sya ni Eris kahapon and mind you, sa gupit ni Zk mas lalo mong hindi ipagkakaila na Lausingco sya. Pero gwapo ng anak ko, syempre kanino pa ba naman magmamana? Di sa Nana--
"Ang gwapo ni Zk ngayon. Manang mana kay Ej." Kumento ni Ate. Inismidan ko sya.
Expected ko na namang may pagkain na sa hapag dahil likas na maalaga at maasikaso si Mama saaming magkakapatid simula palang noong una.
Kakalabas lang ni Mama sa banyo ng magsimula kaming kumain.
"Oh, akala ko hindi pa kayo gigising. Naunahan pa kayo ng anak nyo." Naiiling nyang sabi. "Tatapusin ko lang iyong tahiin ko ngayon."
"Sige Ma. Ako na bahala dito."
"Ikaw, ano oras pasok mo?" Emoji asked. Pinagtimpla ko sya ng kape.
"Day off ako ngayon. Baka maglaba ako."
He nodded and continue eating. At sinasabi ko sayo, always ready si Emoji. May baon nang damit sa sasakyan kaya pala hindi natataranta ang hamal.
Humalik lang sakin at kay Zk bago umalis. Tantya kong late talaga sya kasi sa Sariaya pa daw ang punta nya eh alas otso na. Naku.
--
Maglalaba lang ako ngayon dahil day off ko. Hinayaan ko muna si Ate at Zk na maglaro, busy na kasi si Mama at sinisimulan na ang tahiin nya.Pasado alas kwatro na din ako natapos sa paglalaba. Muling pinaalala ni Rocky iyong inooffer nya kahit sinabi kong pumapayag naman ako. Kaya lang, kailangan ko ding sabihin kay Eris. Ang hirap naman nito, noong hindi pa kami, di naman ako nahirapan noon na tumanggap ng offer pero iba na kasi ngayon, may boyfriend na ako. Di na ako single mom.
Nagpasya nalang akong ngayon ko nalang sabihin sa kanya. Kaya nang matapos akong maligo ay nagtext akong dadaan sa kanya ngayon. Binilin ko si Zk kay Ate, medyo naging matamlay si Zk ngayon at hindi ko alam kung bakit.
Ako:
Puntahan kita.Hindi ko na hinintay iyong reply nya at sumakay na ng tricycle papuntang terminal ng jeep patungo sa sariaya. Bumili na din ako ng pizza. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang may isang text doon.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
Storie d'amoreYou're The Only One Book Two. Enjoy!