Chapter 16

2.5K 85 9
                                    

Chapter 16

I am busy packing things for our trip. Pero hindi pumayag si Emoji na kami lang tatlo ang lalabas. Sa unang araw, kaming tatlo tapos susunod nalang daw sina Mama at Tita Merlie sa pangatlong araw. It is a five days vacation for us.

Tuwang tuwa si Zk nang sabihin ni Emoji ito sa kanya kahapon. Nabigla nga ako kaya inimail ko nalang si Mrs. Verjes na kung pwede akong mag-leave, hindi pa sumasagot but I already made sure to settle my business just for this trip.

Minsan lang humiling ng ganito ang anak ko kaya ibibigay ko. Kung si Eris walang hinihindian, ako din. I can spoil Zk too.

"Mama, nandyan na Papa!" Excited na katok ni Zk sa kwarto namin.

"Okay. Wait."

Sinakbit ko na iyong duffle bag namin ni Zk. Bumukas ang pinto at niluwa noon si Mama na nakangiti.

"Ma, sumabay nalang po kayo kina Tita Merlie."

"Sige na. Mag iingat kayo at iyong anak mo, nandoon na sa sasakyan ni Ej."

Hinatid ako ni Mama hanggang sa labas ng gate. Prenteng nakaupo na si Zk sa backseat katabi ang mga laruan nya. Nilagak ko na din doon ang duffle bag namin.

"San Papa mo?"

"Nibili candy."

Inayos ko ang buhok ni Zk bago ko natanaw si Emoji na papalapit. True enough that he bought candy. And he's wearing his usual attire. Sando at cotton shorts.

"Tita, aalis na po kami."

"Mag iingat kayo ha. Ang pagmamaneho, Ej."

"Babye, mila!" Kaway ni Zk. Natawa si Mama bago kumaway din.

Sumakay na ako sa passenger at inayos ang seat belt ko. Narinig kong binilinan ni Emoji ang anak bago nilagak ang sarili sa drivers seat.

"Nagbreakfast na kayo?"

"Oo. Ikaw?"

"Nagkape lang ako. Pero gusto nyo dumaan sa druve thru?" Sinimulan na nyang paandarin ang sasakyan.

"Huwag na. May biscuit si Zk sa bag."

He nodded and start focusing on the road. Sinilip ko ang anak ko sa likod. Ipinuyod ko sa tuktuk iyong humahaba na nyang buhok.

"Anak, ayos ka lang?"

Zk showed me his thumbs up. Napangiti nalang ako bago bumaling kay Emoji.

"Pagupitan na natin si Zk? Humahaba na naman buhok nya."

"Anything you want."

I made a mental note to give Zk a haircut pag uwi namin.

Buong trip, tahimik lang kami. Nakaramdam ako ng init kaya ipinuyod ko ang buhok ko. I'm wearing a black halter top with maong shorts. Napasulyap nga si Emoji sa akin bago tumikhim.

Last night, klinaro ko kay Cristian ang tungkol sa pakikipagbreak ko. Pero hindi sya pumayag. Sobrang busy lang daw talaga at mag uusap kami pagkauwing pagkauwi nya. Hindi na ako nareply dahil nainis nalang din ako. Basta sa akin, tinatapos ko na. He can do anything he want from now on.

One hour ang naging biyahe namin. Thankfully, walang trapik. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Zk at bakas sa kanya ang kasiyahan. Humanap na ng parking si Emoji, inalalayan ko ang anak kong bumaba ng pick up. Bitbit nya ang mga laruan nya, while Emoji, sya ang may dala ng mga gamit.

Sa information table kami dumiretso. Pinakita lang ni Emoji iyong nasa cellphone nya bago kami inassist.

Isang cabin ang kinuha nya para sa amin. May kingsize bed at queen size bed na din. May mini sala at flat screen tv, may malaking cabinet at cr.

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon