Chapter 7
I woke up with a phone call. Galing kay Cristian. Pupungas pungas pa ako ng sagutin ko ang tawag.
"Hello?"
[Hi. Did I wake you up? Sorry baby, pagod ako kasi kakauwi lang from work. And I wanted to hear your voice to freshen up my tiring day.]
Sinilip ko ang orasan sa side table ko. Past 7 am na din pala.
[Baby?]
"Ow. Sorry, lutang pa ko kagigising ko lang kasi. Have you eaten already?"
[Nagpadeliver na ko. Tinatamad na akong magluto.]
"Uhm. Huwag masyado sa fast food ha. Masama yun, drink more water."
Uminat ako at sinilip ang katabi ko. Wala nang tao doon, siguro ay nasa labas na yun at kinekwentuhan na si Mama.
[Aye aye. I really missed you now.]
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi.
"Uwi ka na. I need you here right now." Dahil sasabog na ang utak ko kakaisip kay Emoji.
[Malapit na. Don't count, magugulat ka nalang na nandyan na ako sa tabi mo. Anyway, how's Zk?]
"He's fine. Gusto na din mag aral dahil nakikita iyong ibang bata na kalaro nya." Kumunot ang noo ko nang mula sa kabilang linya ay may tumunog na doorbell.
[Who is it? I'm kinda tired now.] Sagot ni Cristian. [May bisita ako baby. Check ko lang kung sino.]
"Don't hang up the call."
[I won't.] Narinig ko ang kalakas ng paglalakad nya at ang pagbukas ng pinto ng apartment nya. [Lindsay? Hi. Past 10 pm already. Anong atin?]
Mas lalong kumunot ang noo ko nang may marinig na pangalan ng babae. Sino naman yung Lindsay na yun?
"--Hi. I hope I don't disturb you. Dinalhan kita ng ulam, since pagod ka na nga kanina sa work. Have you eaten already?-- -Hindi pa pero nagpadeliver na ko.- --ow. Atleast tanggapin mo. Masarap yan.-- -Nakakahiya pero salamat.-]
"Cristian. Who's that?"
[Sige. Kakain ko. Salamat uli.]
"Baby."
Napatayo ako mula sa kama nang tila parang nalimutan ako ni Cristian.
"Cristian, are you still there?"
[I'm sorry baby. It was Lindsay co-photographer na pilipina. Nag dala lang ng sobrang ulam daw na niluto nya.]
"And?"
[Ito na muna kakainin ko. Since I'm really hungry. Wala pa iyong deliver.]
"Baka may gayuma yan ha." Di nakatakas ang tunog bitter sa boses ko."
Natawa sya. [Grabe Baby. Hindi naman siguro.]
"Di natin sure."
[Gutom na ko. Kakain na ko ha. Ikaw, mag almusal ka na. Mamaya na yung event sa Lausingco Hotels diba? Paabot mo kay Earl yung congrats ko.]
"Sige. Mabulunan ka sana pagkain mo. Bye."
Hindi ko na sya inantay pang sumagot. Basta ko nalang pinatay ang tawag. Lindsay, Lindsay. Hmp. Wala akong paki kung kutis amerikana yun. Baka nga hilaw eh.
Hindi ko na pinansin iyong sumunod nyang tawag at lumabas na ng kwarto ko. Si Zk ang sumulubong sa akin sa sala kaharap ang mga laruan nya. Tapos umagang umaga, naririnig ko na naman ang pagiingles ng anak ko. Ayan, kakasama na naman kay Earl.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomanceYou're The Only One Book Two. Enjoy!