Chapter 23
"Naniwala ka naman? Tanga ka pala eh."
"Sa way ng pagkwento ni Myrthel, parang totoong totoo."
"So, I am right. Si Myrthel ang nagkwento sayo ng fake news?" Umiling iling ako. "How's the date last night? Ang sweet nyo ah."
"Eh kumusta din ang date nyo ni Cristian?" He even flashed his phone infront of me. "Sweet ah."
"Ang gago mo pa din magselos no? Sinong nagsend sayo? Si Myrthel na naman? Anong problema ng kabit mo sakin?"
Kinuyom nya ang kamao nya. "Bryan send this to me. Fuck. Nagseselos ako! Alam mo naman yun diba? Tapos sasabihin pa nilang engaged kayo? Tangina! Ako boyfriend mo ah!"
"Bakit ka naman naniwala?" Kalmado kong sabi.
"Tingin mo ba nasa tamang pag iisip pa ako kapag nagseselos ako?"
"Ewan ko sayo! Siguro lutang ka pa dahil magkasama kayo ng Myrthel mo. Ang sweet nyo, pwe!" Umakto pa akong nasusuka.
"You are supposed to explain that Engaged thing to me, Sinag." He firmly said.
"Ayoko na. Alam mo naman ang totoo o hindi diba?"
Inis na pinasadahan nya ng mga daliri nya ang buhok nya.
"Pagod ka, bukas nalang tayo mag usap. Susunduin ko lang anak ko, samin na sya ngayon diba? Tyaka may trabaho ako. Baka lang kasi may hang over ka pa sa date nyo kagabi." I tease him.
"Fuck. Ako yung galit dito dahil sa nalaman ko."
"Alam mo, ang hirap sayo. Masyado kang paniwalain. Alis jan." Binangga ko sya sa balikat nya.
"Sandali lang, Sinag. Huwag mo akong talikuran." Pigil nya sa braso ko.
Umirap ako at umutot sa harapan nya. Napamura sya.
"Oa ha. Walang mabangong utot." Umirap na naman ako. "Zk! Tara na, anak. May regalo sayo si Tito Moses mo dali."
Kinuha ko na yung bagpack nya. Tumakbo naman si Zk sa akin.
"Sinag ano ba!"
"Last time I check, hindi ako engaged sa ibang lalaki. Unless magpoprose ka? Tyaka next time, huwag maniniwala sa iba ha. Porke may malaking boobs, napaniwala na agad?"
"That's why we should talk! Isa!"
"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko.
Pagharap ko kay Zk, nakanguso sya at nakatingin kay Emoji. Sa inis ko, nahila ko tuloy iyong anak ko. Padabog ko pang sinarado iyong gate.
"Sinag ano ba!" Sigaw na naman ni Emoji.
"Huwag kang sumigaw! Nagugulat iyong anak mo!"
"Damn it! Come back here."
Umismid ako at hinayaan na sya doon. Hinila ko na si Zk paalis doon.
"Mama, nag aaway kayo ni Papa ko?"
"Hindi anak. We're just playing." I smiled at him.
"But you two are shouting."
"Ssh." Inayos ko ang buhok nya. "Huwag kang mag english anak, nasa pilipinas tayo."
Sinulyapan nya ang daan patungo sa mansyon bago binalik ang tingin sa akin.
"Naging bad ba si Zk mama? Kaya kayo aaway ni Papa?" Sobrang inosente nung pagkakatanong ni Zk sakin.
Bumuntong hininga ako at hinalikan ang pisngi ng anak ko.
"No anak. Hindi naging bad si Zk ha. May hindi lang pinagkakaintindihan si Mama at Papa, pero okay tayo." pinakita ko pa ang thumbs up ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomanceYou're The Only One Book Two. Enjoy!