Chapter 20
"Bakit nandito ka? Pagod ka diba?" I asked him.
"Gusto lang kitang makita. Paalis na din ako." Aniya at tinalikuran na ako.
Agad ko syang pinigilan sa braso nya. Bakit? Para saan iyong sorry?
"Bakit hindi ka pumupunta dito three days na? At bakit ang cold mo?" Kinagat ko ang pang ibaba kong labi.
"Kasi tapos na ako. Hindi naman ako dapat nandito, masasaktan ka lang sakin."
Kumunot ang noo ko. "Ano bang sinasabi mo?"
"Bumalik na si Cristian diba?"
"Pero wala na kami." Sabi ko.
Umiling sya at humalik sa noo ko.
"Magpahinga ka na, ako na bahala kay Zk sa bahay. Bukas na tayo mag usap."
"Eris.. mamaya ka umalis."
"I'm tired, Sinag. Go inside, bukas na tayo mag usap."
Nanghihina na binitawan ko ang braso nya. Tipid syang ngumiti sa akin bago sumakay sa pick up nya. Humakbang ako para pigilan sya pero mas lalo akong nanghina sa ginawa nyang pag iling.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil birthday na ni Lola Yolly. Gabi pa ang mismo ang birthday pero kailangan na maayos ko na ang founction hall ng Lausingco Hotel dahil doon gaganapin ang party.
Pinasundo kaming pamilya ni Lola Yolly dahil sa main branch ng LH ang party. Sakay kami ng van pero ang utak ko, lutang sa kung bakit nagsorry si Emoji sakin kagabi.
Thankfully na walang traffic kaya pasado alas onse ay nasa tapat na kami ng LH. Abala ang mga tauhan na pinadala ni Mrs. Verjes maging si Besty. Kahapon pa sya nandito para siguraduhing ayos na ang lahat. Isang presendential suit ang binigay na kwarto ni Lola Yolly para sa amin. Nahihiya nga ako pero she insisted.
"Maraming salamat po, Mrs. Lausingco." ani Papa.
"Walang anuman. Mag enjoy kayo. Mamaya ay may pakain ako sa ibaba." Binalingan nya ako. "Ayos na ang lahat, apo ko. Maraming salamat sa inyo. Excited na ako sa party ko."
"Happy Birthday, Lola Yolly." Bati ko. Niyakap naman ni Zk ang mga binti ni Lola at binati din.
"Pwede ko bang mahiram muna itong apo ko?"
"Sige po, Lola."
"Ayan. Halika na, Zk. Itotour kita sa mamanahin mo."
Ngumiti ako kay Zk at kumaway. Humawak sya ng mabuti kay Lola Yolly na kasama din ang personal assistant nya. Pinagpahinga ko muna sina Mama at Papa. Si Kuya ay napiling ibabad ang sarili sa laptop nya habang si Ate ay walang sawa sa pagpunta ng interior ng suit namin.
Nagpaalam ako sa kanilang tutulong lang kay Besty sa founction hall. Along the way, ay nakita ko si Emoji na kalalabas lang ng elevator. He's wearing a simple white shirt and a jeans.
"Eris!" I catched his arms.
"Oh, anong oras kayo dumating?" He casually asked.
Kumura kurap ako. I'm hurting right now. Bakit ang kaswal ni Emoji sakin?
"Can we talk?"
"Sinag! Yagyag na tayo sa oras!" I heard Betsy.
"Sige na. Gawin mo na muna iyan at baka may pumalpak. Knowing Yolanda Lausingco, she wants everything to be perfect." He smiled.
Hindi ko binitawan ang kamay nya, bagkus ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko.
"Eris, why are you like this? Akala ko ba okay tayo? Just because Cristian came back?"
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomanceYou're The Only One Book Two. Enjoy!