Chapter 3
"Mama,"
I heard Zk's soft voice near me. Sinarado ko ang laptop ko at nilingon ang anak kong may dalang feeding bottle while pouting his cute lips.
"Yes anak? Anong gusto?"
Lumakad sya palapit sa akin at agad na kinawit ang kaliwang braso sa leegan ko. I smiled and kissed his cheeks.
"Gusto ko papa."
I sighed. Heto na naman kaming dalawa. One week from now, nagpaalam si Eris Jon na mawawala sya ng one week daw para sa opening ng isa pang branch ng Lausingco Hotels sa Visayas. I don't know what's the exact place is, pero ayun miss na miss na sya agad ni Zk. Lalo na't hindi na nagpaalam ng personal si Eris dahil alam nyang magliligalig ang anak nya kapag ginawa nya iyon.
"Nak, wala pa si Papa. Baka mga bukas pa, or sa susunod na bukas?" Ngumiti ako matapos kong ayusin ang buhok nya.
"Nagcount na po ako ng three pero wala pa papa." Sinubsob na talaga ni Zk ang mukha nya sa leegan ko. "Gusto ko Papa, Mama."
Sinulyapan ko ang laptop ko at inayos ang pagkakaupo ni Zk sa kandungan ko.
"Susubukan nating i-video call si Papa ha?"
At isa pa pala yun. Hindi ko ma-contact si Eris Jon nitong lumipas na araw. Almost three weeks na din simula ng huli kaming magkausap dahil nirequest ng anak nya. You do know that Eris Jon will drop everything for Zk.
Tumango tango si Zk bago sinubo muli ang tsupon at tahimik na pinanuod ang pagtitipa ko sa laptop.
I'm silently praying that Eris Jon is online kasi kung hindi, hindi ko na alam paano pa ieexplain sa anak ko ito. Kitang kita pa naman ang labis na pagkamiss nito sa tatay nya. And i was looking at my son. Nakakunot ang noo nyang nakatitig sa screen ng laptop. I can't help it but to smile. Seems like he really have Eris Jon looks. Kuhang kuha lahat, huwag lang sana ang pagiging babaero. But I doubt.
Playboy runs in Lausingco's blood.
Anyway, unfortunately... Eris is not online. Kitang kita ko ang ginawang pagtitig ni Zk sa screen. Maybe he's hoping that Eris is online.
Naku Eris, sinasabi ko sayo magtatampo talaga tong anak mo sayo.
"Baby, siguro busy pa si Papa sa pagsave ng world."
"But.. gusto ko Papa." Nangilid ang luha sa gilid ng mata nya.
"Ssh.. what do you want? Bibili tayo."
Umiling sya sabay subsub sa akin. He even sobbed.
"I want Papa.." mahina nyang sabi.
Napakamot ako sa kilay ko. God Eris. I wanted to hate you right now! Bakit kasi sinanay mo si Zk sa presensya mo?
Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko. Zk immediately lift his head up. Dinampot ko ang cellphone at sinilip ang tumatawag.
I almost choked when I read Tito Elvis name appeared in the screen.
"Papa!" Maligayang sabi ni Zk.
"Hindi si Papito ito anak." I signaled him to keep his mouth shout.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag. Titig na titig na naman ang anak ko sa akin.
[Sinag, hija.]
"Hello po, Tito. Ano pong meron?"
[May ginagawa ka ba? Pwede ba kayong sumama sa Domoit ngayon? Gusto kasing makita ni Mama si Zk.]
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomanceYou're The Only One Book Two. Enjoy!