Chapter 8
Pagkatapos kong magbihis, busy pa ang anak ko sa paglalaro kaya nagpaalam na ako kay Papa. Nandon na din si Mama, nag uusap sila ni Papa.
Nakisuyo nalang ako kay Mama na dalhin yung damit na susuotin ko mamaya. Suot ang maong palda at isang white statement shirt, bitbit ang mga kailangan ay lumabas na ako ng bahay.
Papara na sana ako ng tricycle nang may bumusina sa likod ko. Pagharap ko kumakaway si Emoji sakin.
"Huwag na." I said.
"You're running late. For sure nandon na ang mga tauhan. Come on."
Tumunog ang cellphone ko bago ko naisipang lumapit sa sasakyan nya. Agad na pinaandar ni Emoji ang pick up nya.
Minutes later nakarating na kami sa Lausingco Hotels. Nga pala, hindi sa mismong main branch ng LH gaganapin ang event. Dito lang sa branch ng Lucena. Kaya paniguradong dadagsain at mas makikilala na ang Lausingco Hotels Lucena Branch. Madami na ngang tao doon nang iparada ni Emoji ang sasakyan nya.
"Ikaw na bahala kay Zk mamaya ha. Baka di ko maasikaso." Bilin ko.
"Okay. Goodluck."
Kumaway na ako sa kanya at dire diretso ang lakad papasok sa loob. I saw Mrs. Verjes ang boss ko with her people.
"Sinag! Finally! Ang tagal mo." Salubong nya sa akin.
"Sorry Ma'am." Humalik sya sa pisngi ko.
"Magstart ka na! Baka kapusin tayo sa oras."
I immediately start doing what I should do. Almost three hours ang ginugul namin na oras para sa event na ito. Unang dumating si Emerald doon. She's smirking upon checking out the whole venue.
"You know what? I bet Kuya Earl's sweating bullets now." Humarap sa akin si Emerald. "I like what you did to this venue. Ganda."
"Thank you."
"Anyway, bakit hindi ka pa nag aayos? Nung umalis ako sa bahay, lahat sila hilong talilong na." Tumawa pa sya. "Babagal kasi kumilos, hay naku."
"Kailangan kong icheck kung ayos na ba talaga dito."
"But I think this is beyond perfect." Hinawakan nya iyong kamay ko. "Come on! I'll do your hair!"
"Emerald," pagpipigil ko sa kanya nung makita ko si Mrs. Verjes.
"Akong bahala." She even winked. "Tita Verna! Tapos na kayo diba? Can I borrow Sinag na? I'll do her hair."
Humarap samin si Mrs. Verjes.
"Sure. Pagandahin mo nga iyan Emsi hija at ang plain ng mukha."
"Ay wit, Tita! Naging model ito ni Adie!"
"Yeah. I heard that. Pero nagtaka ako kay Adie na kumuha ng plain models."
"Tita naman po."
Mrs. Verjes chuckled. "Just kidding hija. I like you when your plain."
"Thank you, Tita. Ako na bahala kay Sinag."
Wala na akong nagawa nung hilahin ako ni Emerald sa nirentahan nyang suit. Di masyadong kilala ang Lausingco Hotel dito sa Lucena kasi nga medyo pricey pero I'm sure na worth it naman dahil talagang maganda at maayos ang magiging stay mo dito.
Ako na gumawa ng make up ko while Emerald fixed my hair. Seryosong seryoso si Emerald sa ginagawa nya kaya hindi ko maiwasang titigan ang mukha nya mula sa salamin. Mula sa mata pababa ng mukha nya ay walang takang Lausingco ito at girl version ni Eris at Earl.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomanceYou're The Only One Book Two. Enjoy!