Chapter 15

2.5K 78 9
                                    

Chapter 15

"Gusto ko medyo glamurosa." Sabi ni Lola habang tinitingnan ang mga brochure namin.

"Ito, Lola. Maganda po iyan."

Tinuro ko iyong black and gold theme na lately lang namin nadiscover. Si Betsy ang nagsuggest nun.

"Oo nga no. Ayan, ito nalang."

"Ayos na po ba? Or gusto nyo pang dagdagan ng ibang designs?" Tanong naman ni Betsy.

Nandito kami ngayon sa bahay kubo mansyon ni Lola Yolly para sa nalalapit nyang birthday party na bale next month pa talaga. Masyado lang syang excited pag usapan at kung anong theme ang babagay dito.

"Oo hija. Tama na ito, may tiwala naman akong magiging maganda ang birthday ko." Pumalakpak pa si Lola at sinabi ang mga gusto nyang gawin.

Nakinig lang kami ni Betsy sa kanya. Ultimo pagsa-suggest nya, pulido at talagang pinag isipan nya.

"Ilang taon ka na, Hija?" Tanong nya kay Betsy.

"Twenty po."

"Ay ang bata mo pa. May nobyo ka?"

Umiling si Betsy at sumimsim sa juice.

"Ipapakilala kita sa apo ko. Tutal ayaw naman ni Sinag doon."

"Lola naman." Suway ko. Inirapan nya ako.

Natawa naman si Betsy. "Naku, Mrs. Lausingco. Huwag nyo na pong balakin. Ayaw ko din naman po kay Ej. Mas matanda po sya sa akin."

"Mas maganda nga iyon eh. Ahead sayo ang lalaki."

"Kahit na po."

Umirap na naman si Lola Yolly at pinagbubuklat ang mga brochure.

"Kelan sisimulan ang planning para dito?"

"Two weeks before the said date, Ma'am." Si Betsy ang sumagot.

Nanahimik nalang ako sa tabi ni Lola Yolly. Actually, sanay na ako sa ugali nya.

After Lunch ay nagpaalam na si Betsy dahil may lakad pa daw sya. Sasabay na sana ako kaso pinaiwan ako ni Lola. Wala na akong nagawa kundi ang kumaway sa kanya habang lulan ng van.

"Lola, sigurado po ba kayong ayos na iyon? Hindi na natin dadagdagan?"

"It's fine. Ang mahalaga ay makapagbirthday ako." Tinapik nya ang tabi nya. Mabilis akong naupo doon. "Kumusta naman ang apo ko? Hindi mo sya sinama."

"Trabaho po kasi ito, tyaka nakina Eris po sya ngayon."

She nodded. "Wala pa din ba kayong plano ni Ej?"

"Lola, ayos naman po kami sa pagiging magkaibigan." Pinilit kong ngumiti kay Lola.

"Ano ba iyan. Ang hina hina talaga ni Ej." Natawa sya. "Eh kelan ko naman makikilala itong nobyo mo? Kikilatisin ko."

Natigilan ako. These past few days, bihira akong magbukas ng messenger ko. Tyaka hindi ko naiisip si Cristian dahil nga para sa akin, wala na kami. Hindi na nya ako nirereplyan eh. Tyaka hindi naman nya ako kinakamusta.

"Huwag kang mag alala, hindi ko naman tatarayan iyon. Ano nga bang trabaho noon?"

"Photographer." Sagot ko. "Lola, may pansit pa po ba? Nagugutom pa ako eh." Sana ay hindi nahalata ni Lola ang ginawa kong pag iwas sa mga tanong nya.

"Nandoon sa lamesa. Kuha ka lang."

Tumango ako at binitbit ang plato ko doon. Napapabuntong hininga pa nga ako dahil nawala talaga sa isipan ko si Cristian, kundi pa babanggitin ni Lola Yolly, hindi ko maaalala.

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon