Epilogue
My forehead knot after looking at my phone. Paano nasa facebook na naman or Instagram na naman ako ni Sinag. I just can't help it, kapag hindi ko sya nakikita, pinagkakasya ko nalang iyong sarili ko dito.
"Opps! Stalker." It was Emerald. Mabilis kong tinago ang cellphone ko sa kanya. "Too late, I already saw it."
I snorted and continue stalking Sinag's social media. May post doon ng picture nila ni Cristian na tinag lang ng ate nya. Parang nanuod ata sila ng sine.
"Alam mo Kuya, kung talagang mahal at totoong mahal mo naman pala si Sinag, why don't persue her?" Emerald asked while munching on her chips.
"Useless. May mahal na syang iba at ayokong manira ng relasyon."
"Eh kasi you had your chance na but you blow it away."
Hindi na ako sumagot. Atleast, I still get a chance to be with her through Zk. Don't be mistaken, I love Zk, I really do and I always spoil him. He's Lausingco, he deserve the best only.
Two months akong namalagi sa Lausingco Hotels at binuro ang sarili ko sa trabaho ko. Kino-contact ko naman si Zk kay Tita Aida, I distance myself from Sinag. The more na nakikita ko sya, the more na pinagsisisihan kong hindi ko sya pinahalagahan dati kaya nasa kamay na sya ng iba ngayon.
"Sir, ito na po iyong sales ng Sariaya Branch this month. May isang complain lang ng isang customer, pero nakausap na po ni Wesley iyon." Ani Dada habang nilalapag ang folder sa harapan ko.
Kaso iyong utak ko, lumilipad. Sinag texted me right now, sabi nya nilagnat daw si Zk pero maayos na. Kagabi daw kasi ay iyak ng iyak. Ang nasa isip ko ngayon, puntahan agad ang anak ko pero alam ko din namang kayang kaya ni Sinag iyon. Ewan, masaya lang siguro na sa isang text ni Sinag, heto at naiisip ko na naman sya.
"Sir Eris?" Dada snapped infront of me.
Kumurap ako. "Yes. Ah, oo. Pipirmahan ko na."
"Sir, wala pong pipirmahan. Diba po pinakukuha nyo po iyong sales nung Sariaya?"
Umayos ako ng upo. "Ah, oo. Sorry."
"Sige sir. Pero pwede na po kayong magbreak."
"Mamaya na ako kakain."
"Hindi Sir. Ibig ko pong sabihin, uwi na po muna kayo kay Zk. Alam ko pong miss nyo na iyong anakis nyo. Straight two months po kayong nagtatrabaho." Natigilan si Dada at inayos ang salamin nya. "Oh baka po iniiwasan nyo na naman si Ma'am Sinag?"
"Okay na to. Salamat Dada. You may take a break."
Napangiti at napailing sya dahil alam nyang umiwas ako sa tinanong nya. Tumango sya bago tuluyang lumabas sa opisina ko. Pumikit ako at sumandal sa upuan bago ko hinilot ang sentido ko.
Uuwi ako, pero hindi pa ngayon. Alam kong kailangan ako ng Hotel pero alam kong kailangan din ako ng anak ko kaso...
"Oh? Gabing gabi na, umuwi ka pa." Nagkagulatan kami ni Emerald. Papasok din sya sa mansyon ngayon. "Yari ka kay Mama, buti naman at naisipan mong umuwi na?"
"You're too noisy." I spat. Pinanliitan ko pa sya ng mata. "And where have you been, young lady?"
Umirap sya at humawak sa braso ko.
"Duh. Have you forgotten already? Reporter ako diba?"
"And you smell like a man."
Nanlalaki iyong mata nya at agad nyang inamoy ang sarili nya.
"Hindi naman!"
"I'm just kidding."
"Hmp. Since you are here, libre mo kong pares dun sa kanto. Ang tagal kasi umuwi ni Earl Javes." She even pouted.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
Storie d'amoreYou're The Only One Book Two. Enjoy!