Chapter 1
SimpleSinigurado kong mabilis ang kilos ko. Ipinuyod ko nalang iyong buhok ko at sinakbit ang blazer ko. I took one last look at the mirror before heading out the dressing room.
"Oy. May family dinner." Tukso ni Iara sa akin. Nadistract na naman ako sa buhok nyang kulay blue.
"Dinner lang, walang family." Sagot ko sabay ngiti.
Inabot na nya sa akin iyong duffel bag ko. I say my thank you's before walking towards Rocky. She's currently looking at my pictures.
"Galing ba kumuha ng pictures ni Mark? Naiinlove ka na uli?"
She groaned. "Oh please!" Umirap pa na ikinatawa ko. "Umalis ka na nga at kanina ka pa inaantay ng mag ama mo."
Dahil sa sinabi nya ay mabilis akong napabaling sa pwesto nina Eris at Zk. Nakaupo sa isang monoblock chair si Eris habang nakatayo sa harapan nya si Zk na wari mo'y may ikinekwento sa ama nya. Mataman naman nakikinig si Eris.
One thing I noticed. Eris Jon is very attentive when it comes to Zk. Walang palya. Kapag nalalamang nadapa ang anak, minsan nagiging OA na sya at dadalhin pa sa ospital. And Zk being spoiled by his father. Iiyakan nya ito.
Kinausap ko na din si Eris tungkol dito. Sabi ko, huwag ispoil masyado si Zk kasi hahanap hanapin iyon. Isang gabi, nagulat kami pareho kasi nagising si Zk nang madaling araw. Iyak ng iyak and he's asking for his father's presence. I tried giving him some milk and cookies pero mas lalong umiyak. So I have no choice but to bugged Eris Jon. Hiyang hiya nga ako pero as long as si Zk ang involve walanv dalwang isip daw syang pupunta.
Mahal na mahal nya si Zk. Nakikita ko naman. At sobrang mahal din sya ng anak ko. Minsan gusto ko nalang magtampo kasi parang mas malapit pa si Zk kay Eris kesa sa akin na halos araw araw nyang kasama. Ang kaso, lambingin lang ako ng anak ko, bumibigay na ako.
"Zk! May ibibigay si Tito Mark sayo, halika." I saw Mark waved at Zk.
Tumakbo si Zk papunta sa kanya. Inayos ko naman ang mga dala ko bago ko nasalubong ang naninimbang na pagtitig ni Eris sa akin. I suddenly feel unconcious because my tummy is showing over my tube top.
"Dito na ko, Rocky."
"Sige." She shoo away.
Lumakad na ako patungo sa pwesto ni Eris. Tumayo sya at handa na akong salubungin kaso umiling ako. He stopped infront of me.
"Need help?"
Umiling ako. "Magaan lang to."
Isang marahang tango ang ginawad nya sa akin. I smiled at him.
"Zk, let's go!" He shouted at his son.
"Wait Papa!" Zk shouted back.
Halos mapapitlag ako sa paghawak ni Eris sa siko ko. Electricity travelled in my system like a wild fire. Parang tulad lang ng dati. But I had to stop it before it hit my whole system.
Tila parang naramdaman ni Eris ang gulat ko kaya mabilis nyang binitawan ang siko ko.
"Sorry." He said. "There's Zk. Come here, baby."
"Look Papa, Tito Mark got me small camera!" Ani Zk habang winawagayway ang camerang laruan sa harapan namin.
"Nagthank you ka, anak?" Paalala ko.
"Opo, Ma."
"Come. Gutom ka na diba?" Ani Eris bago inabot ang kamay ni Zk.
Hunagikhik si Zk. "Eh, ikaw iyong gutom na Papa diba?"
BINABASA MO ANG
You're Still The One (Book2 Of You're Duology)
RomansaYou're The Only One Book Two. Enjoy!