Chapter 19

2.3K 61 4
                                    

Chapter 19

Kinawayan agad ako ni Eli nung pumasok ako sa restuarant kung nasan sya. Kasunod ko lang si Emoji kaya alam ko na agad ang naging reaksyon ni Eli nang masipat nya iyong nasa likod ko.

"Akala ko kasama mo si John?" Tanong ko matapos kong halikan ang pisngi nya.

"Ah no. May biglaan syang kailangang asikasuhin." Binalingan nya si Emoji na nakaupo na sa tabi ko. "Ej! Nagiging bodyguard ka na naman ni Sinag."

Kinalabit ni Emoji ang pisngi ni Eli.

"Gumaganda ka ah."

Umismid si Eli. "Syempre. Sabi ko naman kasi sayo, mas maganda ako kay Sinag."

Natawa ako. Pero seryoso, hiyang nga kay Eli ang pagbubuntis.

"Okay lang sayong malaki ang tiyan ikasal?" Tanong ko.

"Yup. Hindi pa naman gaanong malaki at halata. Gusto ko lang ikasal agad, baka kasi magbago pa ang isip ni John."

"Magbabago pa ba ang isip nun?" Sinimulan ko nang magswipe sa tablet.

"Simpleng kasalan lang naman iyon, be. Tyaka iyong sa reception ang gusto kong bongga." Aniya. "Gusto ko ding humingi ng pabor sana kay Adie, diba close kayo?"

"Hindi naman totally close. Gusto mo syang magdesign ng gown mo?"

Tumango si Eli at sumimsim sa tubig nya. Nakapag-order na din pala sya ng pagkain.

"Ako na bahala kumausap kay Adie." Pumalakpak si Eli sa sinabi ko. "Two months from now ang kasal diba?"

"Yes. Excited na ko."

Nginitian ko sya. I'm really happy for my friend. Finally, naisipan na nyang magsettle down.

Hinayaan kong kumain si Eli matapos nyang sabihin ang mga gusto nya para sa reception ng kasal nya. Kare kare at pakbet ang inorder ni Eli at grilled liempo.

Ilang saglit pa bago ko naramdaman ang paglapit ni Emoji sa akin, dinantay nya ang braso nya sa likod ng upuan ko. Pekeng umubo si Eli sa harapan namin.

"Pasintabi naman at nandito ako." Nakita ko pa ang pag irap nya. "Kayo na ba?"

Nagkatitigan kami ni Emoji, kapagkuwan ay ngumisi lang sya kay Eli. Binato sya ni Eli ng crampled tissue.

"Ayan! Ikaw Emoji, marupok ka din! Akala ko ba ayaw mo na ipush?"

"Mahal ko, Eli." Simpleng sagot ni Emoji na parang wala lang pero iyong puso ko kumalabog na sa dibdib ko.

"Sus, dati naman hindi."

"Feelings change." Sagot uli ni Emoji.

"Kundi pa mawawala sayo, hindi mo makikita ang halaga." Makabuluhang sabi ni Eli.

Matapos ng dinner ay hinatid na namin si Eli sa kanila. Hindi daw kasi sya masusundo ni John. Pinaalala nya lang iyong gagawin aa reception.

"Emoji." Kinurot nya iyong tenga ni Emoji. "Salamat, ingat kayo."

"Ingay ka din paglalakad." Paalala ko sa kanya. Kumaway lang sya at tinaboy na kami.

Nagmaniobra si Emoji ng sasakyan nya palabas ng kalye nina Eli. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.

---

Four days bago ang mismong birthday ni Lola Yolly. Ayos na ang lahat para sa gaganaping engrandeng birthday. Sinabi ko na din kay Lola iyon. Si Pio ang magluluto ng pagkain pati si Tita Libby.

Ayos na ang lahat pero itong si Emoji, biglang naging cold. Hindi ko alam kung bakit kasi nitong nakaraang araw, ayos naman kami. Pero kahapon, hindi sya nagpakita sa akin. Hindi nya din sinundo si Zk sa bahay. Kaya nagtaka ako.

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon