Kakatapos lang kumain ng dinner nina Gino, Kiara at Franki. They had Sinigang na Bangus at Crispy Sisig na inorder ni Gino from Sarsa, a restaurant near Kiara's place. Wala silang inihandang balut, sinadya lang talagang biruin ng dalawa si Franki because they know na isa yung balut sa normally takot na takot subukan ng mga foreigner.
Franki volunteered to wash the dishes but Gino insisted to do it. "You both have a lot of catching up to do! I can take care of this.", Gino said as he started to pick up the dishes from the table.
"You sure?", medyo nahihiyang sabi ni Franki.
Hinawakan siya ni Kiara sa kamay at saka hinila papuntang living room. "Let him do it. He loves doing the dishes.", sabi nitong nakangiti. Nahihiya man ay sumunod na din siya sa pinsan. Actually medyo may jetlag pa siya since first time niya magtravel nang ganun kahaba.
Nang makaupo na sila ay agad inusisa ni Kiara si Franki sa naging dahilan ng biglaang pagbisita nito sa Pilipinas. She knows the story about David but not in details. Matapos maikuwento ni Franki ang lahat ay agad niyakap ni Kiara ang pinsan. Medyo naiyak siya dahil ramdam niya ang bigat ng pinagdaanan nito. Bahagya din siyang nakaramdam ng takot na baka mangyari ito sa kanila ni Gino. Although, sinabi ni Franki na hindi siya dapat mag-alaka dahil hindi naman pare-pareho ang ending ng bawat love story. God, di niya yata kakayanin kung sa kanila ni Gino mangyari yun. Isipin palang niya parang sobrang sakit na.
They were in the middle of catching up when they heard a phone rang. It was Gino's phone. Tiningnan ito ni Kiara at ng makita kung sino ang tumatawag ay agad nitong sinagot. Hinawakan na lamang nito si Franki sa braso bilang pagpapasintabi. Saglit lang ang pag-uusap subalit bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kiara matapos ibaba ang telepono. Sakto naman ang pagdating ni Gino.
"Love, tumawag si Mae! Nasa Revel daw sila. Sobrang lasing na lasing daw si Diana at ayaw umuwi.", pagbabalita nito.
"Did she tell you why?", may pagtatakang tanong ni Gino. Alam nilang hindi masiyadong umiinom si Diana.
"Wala siyang sinabi eh. Hindi ko na din tinanong. Basta she was asking if you could come. Something bad may have happened. You go!", nag-aalalang sabi nito.
Nagpaalam si Gino kina Franki at Kiara saka nagmamadaling umalis. Buti nalang at malapit lang sa Condo ni Kiara ang bar na tinutukoy ni Mae. Madalas nila itong puntahang magkakaibigan.
Pagdating sa bar, agad nakita ni Gino kung nasaan ang dalawa.
"Gino! Oh, my God! Buti nalang dumating ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kanina ko pa pinipigilang uminom, pero ayaw tumigil kaya ayan...", sabay turo kay Diana. Halatang na-stress si Mae sa sitwasyon ng kaibigan dahil halos mangiyak ngiyak na ito. Hindi na makatayo si Diana sa sobrang kalasingan. Nakasubsob ang mukha nito sa mesa na tila nakatulog na.
"Ano ba kasing nangyari? Paano kayo napunta dito?", pag-uusisa ni Gino. First time she saw Diana like this. The Diana she knows is always in control. Sigurado siyang may malalim na dahilan kung bakit ganito ito ngayon.
Nagsimulang mag kuwento si Mae na bahagya nang naiiyak dahil sa awa sa kaibigan. "Tinawagan niya ako kanina. Umiiyak. Hindi daw dumating si Via. Ilang oras siyang naghintay sa airport kanina pero walang dumating. Nabasa nalang niya yung message sa facebook na nakikipaghiwalay na."
"Darn! Sabi ko na nga ba!", bulalas ni Gino. Love, it's one of Diana's weaknesses. Nasa airport din pala ito kanina. Walang binanggit si Diana sa kanila na darating dapat ngayon si Via. Via is Diana's girlfriend. Halos magdadawang taon na rin yata ang mga ito kung hindi siya nagkakamali. Yes, Diana has a girlfriend but she doesn't want herself to be identified as a lesbian. Diana doesn't want labels. Ang lagi lang nitong sinasabi is that she's just a woman who happens to fall inlove with another woman. At nirerespeto nila yun bilang mga kaibigan.
"Bakit daw nakikipaghiwalay?", tanong niya kay Mae. Alam niyang pumunta lang sa Canada si Via para magbakasyon sa family nito na naka-base na don. Mga isang buwan na din yata ang nakakalipas since umalis ito ng Pilipinas. Wala naman nababanggit si Diana na nagkakaproblema sila dahil sa pagkakaalam nila, constant naman ang communication ng dalawa.
"Ayun nga ang malabo eh. Wala daw sinabing dahilan. Pinilit ko talagang pumunta dito at baka kung ano pa ang maisipang gawin. I called Wealand pero hindi sumasagot kaya ikaw na sunod kong tinawagan. Sorry talaga, Gino.", pagpapaliwanag ni Mae.
"Hey, it's okay. Glad you called me. Let's go! Let's get out of here!", maya maya pa'y sabi ni Gino. Wala namang ibang magmamalasakit sa isa't-isa kundi sila ring magkakaibigan.
"Sa'n natin siya dadalhin.", tanong ni Mae. "Wala siyang kasama sa Condo niya."
"Hindi ba pwedeng doon ka na muna matulog at samahan mo muna?", pakiusap ni Gino na sinimulan ng buhatin si Diana.
"Kung pwede lang Gino. Kaso may out of town class pa kami ni Akie bukas sa Batangas.", apologetic na sabi ni Mae. Professional dancer ito at ang boyriend na si Akie. May sarili silang dance studio at bumabiyahe rin sa iba't ibang lugar para magturo.
"Aaargh! May bisita si Kiara ngayon eh. Pero sige, bahala na. Wala na tayong choice.", alam niyang walang magiging problema sa kasintahan kung doon man niya dalhin sa condo nito ang kaibigan. Afterall, she's also Diana's friend. Hihingi nalang siya ng paumanhin kay Franki.
"Salamat talaga, Gino! Sobra! Pakisabi nalang kay Kiakia salamat! Iti-text ko nalang din siya. Wag niyong pababayaan yan ha. Baka kung anong gawin."
"Kami nang bahala. Wag ka mag-alala", pagbibigay niya ng assurance dito.
Pinasakay na muna ni Gino sa Grab si Mae dahil kailangan na din nitong umuwi. Nang makasakay si Mae ay saka siya umalis sa bar kasama ang lasing na lasing na si Diana. She also texted Kiara para hindi naman ito magulat pagdating nila. Hay, pag-ibig nga naman.
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
Lãng mạn"I love you so much!", Diana said in a husky voice. Franki's heart was beating faster. Uh oh! What have she gotten into. Diana was hugging her so tight that she could not move. She was trying to get out, but Diana won't let her go. Suddenly, she not...