Pasado alas tres na ng hapon nang makarating si Diana sa condo niya. Nag-aya pang kumain si Abi sa isang restaurant malapit sa tinutuluyan nitong condo na pinagbigyan naman niya bilang pasasalamat dito. Magaan ang pakiramdam ni Diana nang mga oras na yun. In a way, nakatulong ang pagsabay ni Abi sa kanya pabalik ng Maynila dahil nakapag-usap sila ng maayos. Masaya siya na finally they were able to patch things up between them.
Matapos niyang mailapag ang mga dala-dalang gamit sa katabing lamesa ay pinili niyang mahiga saglit sa couch para makapagpahinga. Kapag kuwa'y kinuha ang telepono para tingnan kung may mensahe si Franki. Hindi naman siya nabigo.
Are you home already? We're still in Tagaytay but will be travelling to Manila in a bit.
One hour ago na ang mensahe so sa tantiya niya ay nasa biyahe na ang mga ito pabalik ng Maynila. Nagreply siya sa text message nito.
Just got home. I miss you already. :(
Yup, she misses her already. They've been together for just over a day pero sobrang dami nang nangyari. Nasanay na siya sa presensiya ni Franki at alam niyang hahanap hanapin niya ito. Her smiles, yung naivity nito pagdating sa mga bagay na ngayon lang nito na-experience sa Pilipinas, her laugh na parang naririnig pa rin niya sa utak niya every time, and her smell na sobrang comforting para kay Diana. Alam niyang maraming complications na kelangan niyang harapin because of this, pero ayaw muna niyang isipin ang mga yun. She wanted to savor this moment first.
Ilang sandali pa ay narinig niyang muling tumunog ang cellphone and she saw Franki's reply.
I miss you more. Can I see you tonight?
Hindi mapigilan ni Diana ang mapangiti. She was just happy that the feeling was mutual. If only she could take Franki home really, baka ginawa na niya para araw araw niya itong nakikita. But she wants to take things slow. Ni hindi pa nga niya alam kung hanggang kelan ito mag-stay sa Pilipinas. Ang tanging alam niya ay nagbabakasyon lang ito. She replied to Franki's message agreeing to see her na ikinatuwa naman nito.
Diana: 7PM at the park? I promise to walk you home after. :)
Franki: Yay! Can't wait! See you!They met there three times already. Mostly when Franki's bored at naiiwang mag-isa sa condo dahil nasa restaurant si Kiara, she would text Diana to meet there after work. From the park they would walk to the nearest coffee shop and when it's already night time, they would just sit on one of the benches at the park and talk about random things hanggang sa hindi na nila namamalayan ang oras.
To be honest, hindi alam ni Diana kung san pupunta ang lahat ng ito pero handa siyang sumugal para kay Franki. She knows they just met and parang mabilis ang mga pangyayari pero pakiramdam niya parang matagal na nilang kilala ang isa't isa. If soulmates are true, then she must be hers.
"Diana!", kamuntik na siyang mahulog sa pagkakahiga sa sofa dahil sa lakas ng pagsigaw nito. Paglingon niya ay nakita niya ang mommy niya na nakatayo sa may ulunan niya banda. Ni hindi niya namalayan ang pagdating nito.
"Mommy?!", gulat na sabi niya. Agad siyang tumayo para nagmano dito.
"Kanina pa kita tinatawag parang wala kang naririnig.", nakasimangot na sabi nito.
"Sorry naman, Mi. Medyo inaantok kasi ako. Kakarating ko lang from Tagaytay. Wala pa akong tulog.", niyakap niya ito at nilambing.
Iniabot nito ang bag na dala dala nito sa kanya na agad naman niyang kinuha at ipinasok sa kabilang kuwarto. Totoo ang sinabi niya dahil hindi talaga siya nakatulog ng maayos kagabi. She couldn't sleep with the truth that Franki was just beside her. Conscious siya sa bawat pagalaw nito. Yung how she would snuggle to her like a baby and kahit sa simpleng pagyakap nito. Yes, those sweet little things kept her up all night.
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
Romantizm"I love you so much!", Diana said in a husky voice. Franki's heart was beating faster. Uh oh! What have she gotten into. Diana was hugging her so tight that she could not move. She was trying to get out, but Diana won't let her go. Suddenly, she not...