Drinking Madness

1.2K 27 3
                                    

Masayang nagkukuwentuhan sina Kiara at Franki sa living room. Pinag-uusapan na nila kung ano ang mga puwedeng pagka-abalahan ni Franki sa mga susunod na araw habang nandito ito sa Pilipinas. They're planning to travel, but not very soon. Gusto munang i-explore ni Franki ang Manila at matutong magsalita ng Filipino kahit papano. That way, she'd be able to communicate better. Although, aware naman si Franki na majority sa mga Pilipino nakakaintindi at nakakapagsalita ng Ingles. Actually isa yun sa mga reasons why others love the Philippines base sa mga vlog and reviews na napanood at nabasa niya.

Kasalukuyan nagtatawanan ang dalawa nang makita nilang papasok si Gino buhat-buhat ang lasing na si Diana. Agad tumayo si Kiara para tulungan ito.

"Oh my God! What happened?! Is she dead?", nakakatawang reaksiyon ni Franki.

"Nope, she just passed out.", sagot ni Gino.

"Love, I'm sorry. I cannot take her to her condo. Wala siyang kasama don and Mae couldn't stay. May out of town sila ni Akie tomorrow.", humihingi ng pasensiyang sabi ni Gino kay Kiara.

"No, it's okay love. Better na dito mo siya dinala. Ano daw ba'ng nangyari?", pag-usisa ni Kiara habang pansamantala nilang inihiga sa couch si Diana.

"It's a long story.", sagot ni Gino na naghahabol ng hininga. Medyo may kabigatan si Diana.

Matapos maibaba ang kaibigan ay agad na pumunta si Gino sa kusina para mag-init ng tubig. "She's broken Hearted.", bahagyang sigaw pa nito habang naglalakad palayo.

Si Franki naman ay lumipat sa maliit na couch na gulat at clueless pa din sa mga nangyayari. Nakaupo ito nakataas ang mga paa, nakanganga ang bibig at nanlalaki ang mga mata na akala mo ay nakakita ng crime scene.

Hindi mapigilang matawa ni Kiara ng makita ang itsura ng pinsan. "Hey, calm down cuz. She's our friend. She just passed out. She's too drunk.", pagpapaliwanag nito kay Franki.

"Why the hell would she drink like that! She's not moving, Kia! I swear she's dead!", sabi nito.

Hindi malaman ni Kiara kung ma-stress ba siya or matatawa siya sa sitwasyon. Buti nalang dumating na si Gino na may dalang warm water at towel. Binigay niya ito kay Kiara saka bumalik sa kusina para magluto daw ng sabaw na puwedeng mahigop ni Diana sakaling magising ito.

Nagsimula si Kiara sa pagpunas kay Diana sa pagbabakasakaling mahimasmasan ito. Ito yata ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ang kaibigan. Mas madalas kasi ito ang nag-aasikaso sa kanila. Hindi masiyadong umiinom si Diana. Kapag nagkikita kita silang magkakaibigan, mas madalas itong nakatambay sa kusina at aligaga sa pagluluto. Kaya nga dati, nagrereklamo talaga sila kapag hindi ito makakapunta sa mga lakad dahil walang mag-aasikaso sa kanila. Kung ano man ang nangyari kay Via at sa kaibigan, sana ay maayos pa nila ito. Yun nalang ang tanging dasal niya.

"Hey, let me do it!", pag volunteer ni Franki na medyo nahimasmasan na. Kiara didn't know what urged her cousin to do it.

"Are you sure?", gulat na tanong ni Kiara.

"Yes, I am.", sagot ni Franki na kinuha na ang bowl na may tubig at towel kay Kiara.

Ipinagpasalamat naman ito ni Kiara dahil lumalalim na din ang gabi. Kailangan niya nang pauwiin si Gino dahil may mga meetings pa ito kinabukasan.

"Love, you need to go home. Kami na ang bahala dito.", sabi niya nang makarating sa kusina.

"Sigurado ka, Love?, nag-aalalang tanong ni Gino.

"Sigurado.", sagot niyang nakangiti bilang pagbibigay dito ng assurance.

"Salamat talaga.", sabi nito na niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa noo. Sa totoo lang, napakasuwerte niya kay Gino. Hindi siya nagsisising binigyan niya ito ng chance three years ago. Simula noong simula hanggang ngayon, consistent ito sa pagiging responsable at maalalahanin. Kaya nga hindi alam niya kung ano gagawin niya sakaling mauwi din sa wala ang love story nila. Baka di niya kayanin.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Gino na humingi din ng paumanhin kay Franki bago tuluyang umalis. Si Kiara naman ay itinuloy ang pagluluto ng chicken soup para sa kaibigan.

Samantala sa living room, nagsisimula nang punasan ni Franki si Diana. Nakaramdam siya ng awa dito. She must have been going through something difficult to drink like that. She saw tears falling from the woman's eyes and for a moment, she felt that it was her hurting.

Nagulat siya when the woman slightly moved. Hinawakan nito ang kanang kamay niya saka inilapat sa sariling mukha na tila ba naghahanap ng comfort. She was murmuring something pero hindi ito maintindihan ni Franki. Hindi niya alam kung paano babawiin ang kamay. How she wish she could comfort her and tell her everything's gonna be okay.

Pagbalik ni Kiara sa living room, nadatnan niyang hawak ni Diana ang kamay ni Franki. Bahagya siyang nagworry para sa pinsan dahil baka uncomfortable ito lalo na't hindi naman nito kilala si Diana. Isa pa, nahiya siya dahil halos kakarating lang din nito at wala pa ring maayos na pahinga.

"It's okay.", bulong nito na tila ba nabasa ang iniisip niya.

Sinubukang niyang gisingin si Diana para sana makakain man lang ito at makahigop ng mainit na sabaw subalit hindi talaga ito magising. Panay lang ang ungol pero halos hindi naman maimulat ang mga mata. At dahil antok na antok na din siya at alam niyang pagod na din si Franki, nagpatulong nalang siya dito na dalhin si Diana sa kuwarto para don na ito matulog. Nahihiya man sa pinsan pero hindi niya kakayaning mag-isa ang paglipat sa kaibigan. Pagdating sa kuwarto ay inihiga nila si Diana sa kama. Tinanggal ni Kiara ang suot nitong sapatos saka binihisan.

"Good night, Kiakia!", pagpapaalam ni Franki matapos siyang tulungan na mabihisan si Diana. Bahagya na itong humihikab at bakas sa mukha ang pagod.

Niyakap niya ito saka nagpaalam. "Thank you so much and I am so sorry for all of this.", paghingi niya ng paumanhin sa pinsan.

"Nah, no big deal!", sabi nito saka tuluyan nang umalis papunta sa room na inilaan para sa kanya. "Good night! Love you!", pahabol nito.

"Sleep well! Love you!", sagot niya saka tuluyan nang nahiga katabi ng tulog na tulog na si Diana.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now