Madilim na nang muling magising si Diana. Bahagya pa ring sumasakit ang ulo niya subalit mas maayos na ito kumpara sa kanina. Agad niyang hinanap ang cellphone. Walong missed calls mula kay Kiara ang unang tumambad sa kanya habang tatlo naman ang kay Gino. May mga messages din na nanggaling sa mga ito.
From: Kiara
"Di, where are you? Please know that we're here if you need someone to talk to. Don't do anything stupid, okay? Love you!""Please let us know you're okay. Pretty, please?"
"Diiiiiiii!"
From: Gino
"Hey! Let us know as soon as you get this message. Whatever it is you're going through, remember that we're here for you."Naramdaman niya kung gaano ka-concern ang mga kaibigan. Mae might have told them everything already. She haven't talked to anyone yet about what happened between her and Via except for Mae. Agad naman siyang nagreply sa dalawa assuring them that she's okay.
To: Kiara
"Hi Kia! Thank you so much for your concern. I just need some time to process everything, but I am okay. Don't worry, I will not do anything stupid. Will talk to you and Gino. Just give me time to take everything in."To: Gino
"Don't worry about me. I'm still alive. I just need some time to think. Salamat sa inyo!"Sa ngayon, gusto niya munang mapag-isa at makapag-isip isip. Buti na nga lang at nataong weekend nangyari ang lahat ng ito. Meron siyang sapat na panahon para damdamin lahat ng sakit nang hindi directly naaapektuhan ang trabaho. She's broken and it hurts, pero ayaw na niyang umabot sa puntong masira ulit lahat ng sinimulan niya nang dahil sa heart break. Not again, not this time. Haharapin niya ng matapang kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon. Hindi niya tatakbuhan ang problema like what she always does in the past. She was a coward then. This time, she will not let another heartbreak ruin her life.
Wala pa rin siyang nakukuhang reply mula kay Mae. Sinubukan niyang tawagan ito pero "out of coverage area" ang tanging nakukuha niyang sagot mula sa operator. Maging ang number ni Akie ay ganun din. Alam niyang nag out of town ang dalawa at may possibility na hindi stable ang signal kung nasaan man ang mga ito. Ugh! She really needs to talk to Mae. Hanggang ngayon palaisipan pa din sa kanya kung ano ang nangyari sa bar.
Maya maya pa ay nagdesisyon si Diana na maligo at magbihis. Gusto niyang lumabas, magkape at makapag-isip isip. Pagkatapos maagbihis ay agad siyang bumaba papunta sa parking lot. Saka niya lang na-realize na wala nga pala siyang dala-dalang sasakyan pauwi. Nasa kanya ang susi pero wala ang sasakyan.
"This is great! Just great, Diana!", nasabi niya nalang sa sarili.
Sana naman ay sa bar niya ito naiwan at hindi sa condo na pinanggalingan niya kagabi. She was praying hard. Nagdesisyon siyang sumakay na lamang ng taxi at i-check ito sa bar. Pagdating sa doon, napabuntong hininga si Diana matapos makita ang kotse sa parking lot. It was a sigh of relief. Wala na siyang pakialam kahit malaki ang binayaran niya sa parking. Mas maigi na yun kesa naman don niya ito kunin sa taong hindi niya kilala at di niya alam kung gugustuhin niya pang makita. Ni hindi nga niya matandaan kung saan banda ang condo nito sa sobrang pagmamadali niya.
Agad na nagmaneho si Diana palayo sa bar. Wala siyang siguradong pupuntahan hanggang sa madaanan niya ang coffee shop na madalas nilang puntahan ni Via. Nagdalawang isip siya, subalit sa huli mas pinili niyang harapin ang takot. Hahayaan niya muna ang sariling maramdaman lahat ng sakit hanggang sa maging manhid na siya dito.
"Good evening, Ma'am! Caramel Macchiato, Large?", bati ng crew kay Diana pagpasok niya ng coffee shop. Alam na nila kung ano ang madalas niyang orderin.
"Yes, please.", sagot niyang nakangiti habang iniaabot ang bayad. Umorder na din siya ng pasta dahil hindi pa siya kumakain ng maayos simula kagabi.
Pagkatapos makuha ang order ay agad siyang naghanap ng puwesto. Hindi ganun karami ang tao sa shop ng mga oras na yun. And it's something they actually like about the place kaya don sila madalas magpalipas ng oras ni Via. Not only that the ambiance is good, but it's also not crowded and very much perfect if you wanted to be alone and de-stress.
Matapos makaupo ay muli niyang binuksan ang phone. Nabasa niya ang reply nina Kiara at Gino. The two respect her decision to be alone subalit nagbigay ng assurance that she can talk to them anytime. She's grateful to have friends like them. Marami na ding pinagdaanan ang friendship nila but they remain solid.
Maya maya pa ay naisipan niyang buksan ang messenger. Naglakas loob siyang basahin muli ang mga messages ni Via.
She was supposed to pick her up at the airport the other day. Sobrang saya niya pa kasi finally, after a month of being away from each other, magkakasama na sila ulit. Pakanta kanta pa siya while driving to the airport then.
Ilang oras siyang naghintay sa airport, but Via did not show up. Instead, she left her messages in facebook asking for forgiveness and understanding. The reason is unclear, but she was asking for her freedom. Diana wanted to ask her why, pero parang napagod na siya. Napagod na siyang ipagpipilitan ang sarili sa ibang tao. She seems to be always the one begging for love and attention. Kelan ba yung siya naman ang pipiliin not because she asked for it, but because the other person want to?
Di namalayan ni Diana na tumutulo na pala ang luha niya. Mahal niya si Via - mahal na mahal. Pero wala ng saysay ang lumaban pa kung tuluyan ng bumitaw ang isa. Ganun talaga, baka sadyang mahirap para sa kanila ang piliin siya. Naniniwala siya na love is a decision. The feeling of excitement will always fade, but staying committed to the person you love no matter what the circumstances are will always be a decision that you have to make. In their case, Via have decided, she already made a choice.
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
Romance"I love you so much!", Diana said in a husky voice. Franki's heart was beating faster. Uh oh! What have she gotten into. Diana was hugging her so tight that she could not move. She was trying to get out, but Diana won't let her go. Suddenly, she not...