Out of Town

1.2K 27 8
                                    

Maaga pa ay nagising na si Kiara. She needed to prepare a few things. They had a change of plan. Instead na sa restaurant sila magkikita, napagdesisyunan nila kagabi na sa rest house nalang nina Gino sa Tagaytay. Bukod sa matagal na din silang hindi nakakapag out of town magkakaibigan, gusto din ni Gino na ipasyal si Franki doon. Nag-agree naman lahat kahit na medyo last minute yung changes. Apparently, mukhang halos lahat sila ay gustong mag-unwind dahil sa stress sa trabaho.

"Kiakia, what do I need to bring?", tanong ni Franki na halos kasunod niya lang atang nagising. Matapos niyang sabihin kung ano ang mga dapat dalhin ay kaagad din itong bumalik sa sariling kuwarto at nag-impake. Kelangan nilang mauna sa Tagaytay para maiikot pa nila si Franki at makapag-prepare na din sa pagdating ng mga kaibigan.

Pagkatapos mag-ayos nang mga gamit ay lumabas na siya ng kuwarto para magluto ng almusal. Nagulat siya nang abutan sa kusina si Franki.

"What are you doing here? Have you packed already?", nagtatakang tanong niya.

"Luto muna ako breakfast. I'll pack after we eat. Mabilis lang ako promise."

Natawa siya dahil medyo namimilipit pa ang dila nito. Pero masaya siya at the same time kasi bukod sa nakakapagsalita na ito nang Tagalog kahit papano, nakita niya din na mukhang nag-eenjoy ito dito sa Pilipinas.

"Bukhet?", maya maya't tanong ni Franki. Paano kasi'y nakatingin lang siya dito habang nakangiti.

"Nothing, I'm just happy to see that you're happy."

"Aaaaaw. Are you gonna make me cry early in the morning?", pagbibiro nito sabay yakap sa kanya. "Thank you for all your help and for letting me stay here."

"Ooops.. stop it.", natatawa siya dahil hindi na ito tumigil sa kakapasalamat simula palang pagdating nito. Maliit na bagay yun para kay Kiara. Sa totoo lang, natutuwa siya na may kasama na siya sa bahay. Yung everytime uuwi siya alam niyang may dadatnan siya at makakausap. "Basta ha, I want you to be happy.", sinserong sabi niya sa pinsan.

"Oo naman. Happy lang! Forget problems.", tumatawang sabi nito.

Matapos nilang kumain ng almusal ay naligo na siya samantalang naghanda naman si Franki ng mga dadalhin nito. Mga around 9:00 am pa siguro makakarating si Gino para sunduin sila. Supposedly last week nila ipapasyal si Franki sa Tagaytay subalit tumanggi ito para bigyan sila ng time ni Gino. Natouched siya sa gesture ng pinsan kahit pa wala naman talaga sa kanila ang isama ito sa mga lakad nila. Gino don't mind it all. Minsan nga mas excited pa itong dalhin kung saan saan si Franki kasi tuwang tuwa siya sa nagiging reaksiyon nito kapag may nakikitang bago. Parang itong batang walang kamuwang muwang sa mundo.

Isa yun sa mga pinaka-nagustuhan ni Kiara kay Gino. Nag-eeffort ito para sa mga taong mahal niya. Hindi siya perfect, may mga ugali din ito na hindi niya gusto. Marami din silang disaggreements. Pero at the end of the day, nakukuha din nilang ma-settle ang mga differences nila. Communication is the key talaga.

"Love, kumain ka na ba?", tanong niya kay Gino na kararating lang.

"Hindi pa nga eh. I woke up late. I just took a bath and went directly here.", sagot nito na tila medyo inaantok pa.

"What time did you sleep last night?"

"I slept early. Nasobrahan ata ako sa tulog."

"Tara! Kain ka muna ng breakfast. Ipagluluto kita saglit.", aya niya. Naubos kasi nila yung nilutong breakfast ni Franki. Hindi niya naisip na baka hindi pa kumakain ang kasintahan.

"It's okay, Love. I'll just grab a bite later kapag nag stop over tayo."

"No, I insist. Maaga pa naman. Actually akala nga namin mga 9:00 am pa tayo aalis."

Hinila niya na si Gino papunta sa kusina saka ipinaghanda ng almusal. Sandwich nalang ang hiningi nito saka ipinagtimpla niya ng kape.

"Oh, you're here!", gulat na sabi ni Franki pagkakita kay Gino.

"Good morning, Franki!", bati ng kasintahan sa pinsan niya.

"Good morning! Are we gonna leave already?, tanong nito na medyo nagpapanic. Hindi pa kasi ito nakakapagsuklay ng buhok at halos kakabihis lang. Dumiretso ito sa refrigerator para kumuha ng tubig saka uminom ng may pagmamadali.

"Not yet, Punky!", natatawang sabi ni Kiara. "Take your time."

"I'll be quick. I promise!", sigaw nito na patakbo nang pumunta sa kuwarto.

Nagkatinginan nalang sila ni Gino saka nagtawanan. Kung titingnan mo kasi si Franki ngayon, parang wala itong pinagdaanan. Napaka-bubbly at energetic nito.

Mga dalawang oras din silang nasa biyahe bago nakarating sa rest house na pagmamay-ari ng pamilya ni Gino. Well-known sa business industry ang family nito. They own a lot of businesses mostly concentrated sa clothing at food which are the common basic needs ng mga tao. Although, Gino wanted to make a name of his own kaya nag-venture ito sa event organizing na siyang pinagkakaabalahan nito ngayon kasabay din ng pagpapatakbo ng isa pa nitong business na athletic clothing.

Masasabi ni Kiara na isa ang business sa naging koneksiyon nila ni Gino. They both have the same passion for it. Siya ay namamahala din ng restaurant na pag-aari ng father niya na located sa Taguig at halos kalapit lang din ng condo niya. Second branch na ito ng restaurant nila. Ang isa ay nasa La Union kung saan ang Papa niya naman ang namamahala.

"Ang ganduh!", sabi ni Franki na tila batang ibinuka pa ang kamay saka ipinikit ang mata at sabay langhap ng sariwang hangin.

"Aaawww! I think I love it here! It's like home!", tuwang tuwang sabi nito. "Sariwa hangin. Madami kahoy, tama?", dagdag nito na kinukumpirma kung tama ang Tagalog niya.

"Tama! Pinay na pinay na ah! Magaling na!", sagot naman ni Gino na bahagyang natatawa.

Nag-agree naman siya sa sinabi ng kasintahan. "Oo nga!"

"Pumasok na muna kayo para makakain.", maya maya ay narinig nilang tawag ni Ate Hasna. Pinsan ito ni Gino na siyang kasalukuyang nakatira at nangangalaga sa rest house.

Lumapit siya dito at agad na niyakap. "Ateee!!!"

"Tagal niyong hindi nakabalik dito ha.", sabi nito.

"Medyo busy kasi sa work ate.", pagpapaliwanag ni Kiara.

Lumapit at yumakap din si Gino sa pinsan. "Ay ate, si Franki. Pinsan ni Kiara.", pagpapakilala nito kay Franki.

"Hello po! Magandung umaga po", bati ni Franki na kahit pilipit ang dila ay pinangangatawanan ang paunti unting pagsasalita ng Tagalog. Bahagya pa itong yumuko bilang pagbibigay galang kay Hasna.

"Imported pala itong kasama niyo. Sana napagsabihan niyo ako para naman nakapag-ipon ako ng maraming Ingles.", pagbibiro nito na ikinatawa naman nila.

"I hope you enjoy your stay, Franki! Come on in, let's it!", sabi ni Hasna saka inakay si Franki papasok sa loob.

"Salamat po!", sabi naman ni Franki na bahagya pang nahihiya.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now