Nakauwi na si Diana but she's still thinking kung saan niya nakita si Franki. She looks really familiar. Sigurado siyang nakita na niya ito dati subalit hindi niya matandaan kung saan at kelan. Bahagya pa siyang napakunot noo ng lumapit ito kanina dahil iniisip niya kung saan niya ito nakita. Anyway, alam niyang maaalala niya din ito nang hindi pinipilit one of these days.
Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. May text message galing sa unknown number.
"Hey NFF! Franki here. Thank you so much for accommodating me! I really appreciate it. It was a pleasure meeting you."
Napangiti siya at agad na nagreply. Di niya inaasahan na magtetext kaagad ito.
"No biggies. It was nice talking to you! 😊"
Pagkasend niya ng text message ay agad niyang ini-add ang number ni Franki sa kanyang contact list. Ilang minuto ang nakalipas at muling tumunog ang cellphone niya. Text ito galing kay Kiara.
"So, when do you plan to see us? It's been a week Di and you're still hiding from us. Nakalimutan mo na bang kaibigan mo kami?"
"Pupunta si Mae and Akie sa resto next Saturday. Wealand will come as well. We'd love if you can come too. Let's have dinner. Miss ka na namin. I'll cook for you guys."
Hindi niya alam kung pano magrereply kay Kiara, ilang araw na din itong nangungulit. Even si Gino, Mae at Wealand ay panay din ang text nitong mga nakaraang araw. So, feeling niya alam na ng circle of friends nila ang nangyari sa kanya.
Sinadya niyang hindi muna magpakita sa mga kaibigan matapos sabihin ni Mae na si Gino ang sumundo sa kaniya sa bar noong lasing na lasing siya at don siya dinala ni Gino sa bagong condo na tinitirahan ni Kiara. Gino confirmed it and he told her that it was Kiara and her cousin who took care of her that night. Hiyang hiya siya talaga.
She's not yet familiar sa bagong place ni Kiara dahil nasa out of town siya during its blessing. Yun ang reason kaya hindi niya na-recognize ang lugar. Mas kabisado niya ang dating tinitirahan nito sa Makati. Tsaka mas madalas it's either sa restaurant nito o sa bahay nina Gino sila nagkikita-kita lately.
Nakapagpasalamat na si Diana kay Gino at Kiara pero nahihiya talaga siyang magpakita. First, she had never been that drunk. Never siyang nakita ng mga kaibigan na sobrang lasing. In fact, madalas siya ang nag-aasikaso pag may nalalasing sa kanila. She's always in control kaya nga ang taas ng tingin ng mga ito sa kanya. Even though she's not the oldest to the group, madalas mukha siyang nanay nang mga ito sa pag-aasikaso. Second, mas worried ata talaga siya sa fact na posibleng yung cousin ni Kiakia yung babaeng nakayakap sa kanya nung magising siya. She's one hundred percent sure na hindi si Kiara yun. At sa pagkakaalm niya, wala naman din naman itong ibang kasama sa bahay maliban sa nabanggit ni Gino na pinsan nito na kararating lang galing sa ibang bansa.
Sobrang nakakahiya lang na kung kelan may bisita si Kiara saka pa siya nagkalat. Paano niya haharapin ito? Jusko! Hindi niya ma-imagine kung ano ang mga posibleng nangyari bakit sila napunta sa ganong sitwasyon. May nagawa ba siyang hindi maganda? Wag naman sana! Nakakaparanoid! What if nagkuwento ito kay Kiara? Although, naisip niya na kung may nagawa siyang hindi maganda, Kiara would've texted her and talked to her about it. Baka nag-ooverthink lang siya masiyado.
Pagkatapos magpakawala ng malalim na buntong hininga ay napagdesisyunan niyang magreply kay Kiara. Ilang beses na din kasi ang mga itong nag-attempt na pumunta sa condo niya, lagi niya lang sinasabi na wala siya.
"Sorry Kia. I just really needed to be alone para makapag-isip isip. But, I'll see you guys on Saturday. Na-miss ko din kayo. Please don't be mad at me."
Bahala na si Batman. Sana lang wala yung pinsan ni Kiara don sa dinner para maging comfortable siya. Kung nandoon man, wala siyang magawa kundi ang harapin ito. Sooner or later, alam niyang magkikita din sila. Mag-aapologize nalang siya.
It's already 11:00 PM pero hindi pa rin dalawin si Diana ng antok. Naisip niyang i-text ulit si Franki.
"Hey, still up?"
Nasend na niya ang text message nang bigla siyang makaramdam ng hiya. Hatinggabi na nanggugulo pa siya. Bahagya pa siyang nagulat ng tumunog ang cellphone. Hindi niya inaasahan na may makukuha pa siyang reply.
"Yup, can't sleep yet. Why?"
Naexcite siya bigla. She misses having random conversation with someone.
"Same here. 😄", sagot niya.
Franki replied and their conversation goes on.
Franki: Let's start counting sheeps. Lol.
Diana: I've already counted a thousand and still wide awake.
Franki: Try opening and closing your eyes repeatedly. Do it faster and you'll get sleepy.
Diana: You gotta be kidding me!
Franki: No, I'm not! It works for me, I swear!
Diana: Okay, trying it now.
Franki: So how's it going?
Diana: I feel dizzy. 😩
Franki: Lol. See? It's already starting to work its magic! Try it few more times and you'll be asleep before you know it.
Diana: Crazy! Maybe when we stop texting? 😂
Franki: Lol. Yeah, maybe you're right! Gudnyt Diana!
Diana: Gudnyt, NFF! Thanks for the tip. No offense, but I think it's absurd, so I am not doing it. I'll just go back to counting sheeps.☺️
Franki: Try it and thank me tomorrow. 😚
Diana: I think you should stop replying. ☺️
Franki: Why it has to be me? I think you should too! 😂
Diana: Okay! 😂😂😂
Franki: Enough, you fool! 😁
Diana: Haha. Okay, now I'm serious. Gudnyt, Miss Franki!
Franki: Gudnyt!Hindi na muling nagreply si Diana at baka tuluyan na nga silang di makatulog. Mukha siyang tanga na sinubukan namang gawin ang suggestion ni Franki. In fairness, mukhang working nga ito dahil maya maya pa ay inantok na siya at tuluyan ng nakatulog nang hindi niya namamalayan.
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
Romance"I love you so much!", Diana said in a husky voice. Franki's heart was beating faster. Uh oh! What have she gotten into. Diana was hugging her so tight that she could not move. She was trying to get out, but Diana won't let her go. Suddenly, she not...