Franki couldn't explain exactly what she's feeling. Is she getting jealous? Abi will be right here any minute from now. What if she gets Diana's attention? Nakita na niya si Abi once in New Zealand and she's very pretty. Hindi malabong magustuhan din ito ni Diana. Nagsisimula nanaman siyang kainin ng mga insecurities niya. She had never been this jealous. Not even when she was with David. The saddest part is, does she even have the right to be jealous?
After what happened earlier, hindi niya alam kung anong meron sa kanila ni Diana. Hindi pa man ay natatakot at nasasaktan na siya. Or is it even possible for them to be together? O baka pareho lang silang malungkot because of what they've been through kaya nandito sila sa sitwasyon na to ngayon. Ang dami ng hindi magagandang bagay ang tumatakbo sa isip niya.
Maya maya ay nakita niyang palapit si Diana sa kinaroroonan niya. Naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Hey, you okay?", nag-aalalang tanong nito.
"Yup.", maikling sagot niya.
"Hmmmm?", may pagdududang sabi nito.
Hindi na siya nagsalita. She saw Diana's attempt to fix her hair pero agad din nitong binawi nang marealize nito na maraming tao sa paligid. Instead, she saw her typing something in her phone saka ipinakita sa kanya.
You know what? You're the prettiest when you smile.
Gusto na niyang mangiti but she tried to contain it. She's already smiling inside. Nakita niyang nagta-type ulit ito sa phone na muli nitong ipinabasa sa kanya.
Smile already, pretty please? You're making me sad. 😑
Medyo nakonsensiya siya sa part na yun. Of course she doesn't want her to be sad. Bahagya na siyang nakangiti subalit hindi pa rin tumigil si Diana.
I need one big smile in exchange of my bitten lip. Just one smile.😔
Hindi na napigilan ni Franki ang sarili nang mabasa ito. Tuluyan na siyang napangiti when she remembered how she accidentally bitten Diana's lower lip earlier. Buti nalang at hindi ito nasugat. She got so carried away at medyo nanggigil siya kanina.
"Ate Diana, sunod na yung song mo!", narinig nilang sigaw ni Wealand.
Nag-type ulit ito sa phone saka binigay sa kanya bago ito tuluyang tumayo sa upuan para pumunta kung nasaan ang mikropono. "Hold it, Franki!", pahabol na bilin nito sa kanya referring to her phone. Out of curiosity, tiningnan niya kung ano ang tinype nito.
I picked a song for you. I'll sing it but don't laugh at me ha. 😑
Aw! Isn't it the sweetest? Franki's heart melted at tuluyan ng napawi lahat ng lungkot na nararamdaman niya kanina.
She saw Diana wearing her glasses on bago nito kinuha ang mikropono kay Jamie na katatapos lang kumanta. First time niya makita ito ng naka eye glass and she finds it so damn hot. Alam mo yung para siyang bidang babae sa mga foreign detective series? Yung tipong titingnan ka palang hindi mo na kayang i-resist. Sobrang lakas ng dating na hindi ka pa man nahuhuli ikaw na ang kusang susuko.
Nagsimula ng magplay ang intro ng song na napili ni Diana. "Lost In Your Eyes." by Debbie Gibson ang title nito kung tama pagkakabasa niya. She's not very familiar with the song so she tried to google it dahil medyo nakatagilid ang monitor ng videoke from her area.
"Para kanino yan Ate Diana?", sigaw ni Wealand ng mabasa ang title ng song.
"Para sa mga inlove diyan.", pakikisakay ni Diana sa biro nito.
"O, para sa future girlfriend ni Ate Diana.", gatong pa ni Wealand na ikinatawa ng lahat. Nagpalakpakan ang iba pang mga kaibigan nito at kanya kanya ng pangangantiyaw kay Diana.
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
Romance"I love you so much!", Diana said in a husky voice. Franki's heart was beating faster. Uh oh! What have she gotten into. Diana was hugging her so tight that she could not move. She was trying to get out, but Diana won't let her go. Suddenly, she not...