Closure

914 40 26
                                    

Diana has already started her car's engine when she saw Abi knocking at the window of the car. She's already preparing to leave but without company this time since sumabay na si Mae kay Akie. She initially asked Franki to ride with her but they couldn't think of a better alibi na puwede nilang sabihin kina Kiara kung bakit sa kanya ito sasabay. Also, it seems na may plano din ang mga ito na ipasyal muna si Franki bago tuluyang umuwi. Eventually, they decided to just go on a road trip some other time.

"Hey! What's up?", she asked when she opened the car window.

"Can you give me a ride?", Abi asked smiling. Hindi alam ni Diana kung anong isasagot niya. She was caught off guard.

"Pretty, please?", malambing na sabi nito. "I promise I'll behave.", nahalata ata nito ang pagdadalawang isip niya.

Although hesitant, wala din siyang nagawa kundi isabay ito. How can she say no? "Okay, hop in!", sabi niya na binuksan ang kabilang pintuan ng sasakyan.

She'll just talk to Franki later. Alam niyang nakatingin ito sa kanila kasama ng ibang kaibigan na pinili pang magstay saglit sa lugar. Kumaway sila sa mga kasama bago tuluyang umalis. Everyone was smiling except for one person, Franki.

She felt bad for her but she had no choice. It would be so harsh kung tatanggihan niya si Abi lalo na't kakabalik lang nito sa Pilipinas at matagal silang hindi nagkita. Isa pa, she already had her heart broken. Kahit man lang sa ganitong paraan ay makabawi siya dito.

Nasa biyahe na sila but it took them long bago may nagkalakas loob na maunang magsalita. Hindi alam ni Diana ang sasabihin. Si Franki ang tumatakbo sa isip niya dahil nag-aalala siya para sa nararamdaman nito.

"So, what happened between you and Via?", pagbasag ni Abi sa katahimikang namamagitan sa kanila. Diana wasn't ready for that question kaya hindi siya agad nakasagot. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho at nakatuon ang mga mata sa daan.

"It's okay if you don't want to answer. I understand. Sorry, I had to ask. I just couldn't believe it. You two look so good together", apologetic na sabi ni Abi na naramdaman ata ang hesitation niya na sagutin ang tanong nito.

She knew where those questions were coming from so she don't take offense kapag tinatanong siya ng mga kaibigan about it. Sadyang hindi niya lang din talaga alam ang sasabihin dahil kahit siya, she didn't know what went wrong. Via left her with no clue.

"Siguro ganun talaga if two people are not meant for each other.", tanging nasabi na lamang niya. Nandon pa din ang sakit every time maaalala niya ang nangyari subalit hindi na ito katulad ng dati. Nabawasan na ang sakit.

"Yeah, maybe you're right.", Abi said nodding. Nakatingin ito sa dinaraanan nila na tila pinagmamasdan ang bawat detalye ng lugar. Marami na kasing nabago simula nang huli itong umuwi.

"Are you staying here for good?", bigla ay naisipan niyang itanong. Alam niya na may nasimulan na itong career sa ibang bansa but personally, naniniwala si Diana na iba pa din pag malapit ka sa mga mahal mo sa buhay. She knows what it's like na malayo sa pamilya because her brother is also working abroad. Siya din, although nasa Pilipinas nga siya, malayo pa din sa Family. What more pa kaya sa ibang bansa where you just can't go home whenever you want to?

Abi panned her head sideways going to her direction. Tila ba nakuha ang atensiyon nito sa naging tanong niya. "Hmm... it depends. Maybe if I find a reason to stay.", makahulugang sabi nito na agad ding ibinalik ang tingin sa daan.

Hindi alam ni Diana what she was trying to imply pero ayaw niyang mag assume. Kagaya nga ng nasabi ni Gino, it was a long time ago and marahil ay naka move on na ito.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now