Aftermath

1.2K 32 10
                                    

Nagising si Diana na sobrang sakit ng ulo. When she opened her eyes, she immediately noticed the woman beside her. Mahimbing itong natutulog habang nakayakap sa kanya. Agad na nagpanic si Diana at di niya malaman ang gagawin. Nasaan siya? What have she done?

Pinilit niyang balikan ang mga pangyayari kagabi subalit wala siyang maalala. Tanging ang huling natatandaan niya ay ang pagpunta niya sa bar kung saan siya sinundan ni Mae. Kung anu-anong hindi magagandang bagay na ang naiisip niya. May nangyari ba sa kanila? Nooooo! She is not the type of person who will sleep with someone she just met randomly in a bar. Hopeless romantic si Diana. She cannot just sleep with someone she's not completely inlove with. Making love is too sacred for her. Pero lasing siya. How would she know what might have happened?

Darn! Kahit kelan, wala talagang magandang naidudulot ang paglalasing. Gusto niyang sampalin ang sarili. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng babae sa pagkakayakap sa kanya kasabay ng panalangin na sana naman ay wag itong magising. Or else, hihilingin niyang lamunin nalang siya ng lupa kesa harapin ito sa sobrang kahihiyan.

Pinilit niyang tumayo ng walang ginagawang ingay, saka kinuha ang mga damit niya na napansin niyang nakaayos sa couch malapit dito. Agad siyang nagbihis at mabilis na lumabas ng kuwarto. Wala siyang sinayang na oras. Kailangan niyang makaalis sa lugar na yun. Pagdating sa elevator, saka niya muling naramdaman ang sakit ng ulo. Ugh! Ano ba tong napasok niya?

Nang makarating sa labas ay agad siyang sumakay ng taxi pauwi sa sarili niyang condo. Sinusubukan niyang tawagan si Mae subalit hindi ito sumasagot. She decided to just send her a text message hoping that she'd answer immediately.

"Dzai, what happened last night? Call me as soon as you get this message."

Si Mae lang ang puwedeng magpaliwanag sa kanya kung ano ang mga nangyari after. Imposible namang iwan siya ng kaibigan sa bar at pabayaang maiwan doon mag-isa ng lasing na lasing at walang malay. She passed out, yun lang ang isang sigurado siya dahil wala siyang matandaan.

"Ma'am dito na po tayo.", maya maya ay narinig niyang sabi ng driver. Nagulat siya dahil halos wala pa silang limang minutong nasa biyahe. Ibig sabihin nasa BGC area lang din yung condo na pinanggalingan niya. Siguro mga sampung minuto lang kung lalakarin tantiya niya. Stupid, Diana! Waaaah! Wala talaga siya sa tamang ulirat. Hindi na siya maglalasing kahit kelan.

Iniabot niya ang bayad sa driver saka bumaba. Pagdating sa condo ay agad siyang nahiga sa kama at pinagsasampal ang sarili. Sana panaginip lang lahat ng to. Paano pag nagkita sila nang babae? Hindi malabong mangyari yun lalo na't sa BGC area lang din pala ito nakatira. Pinilit niyang alalahanin ang mukha nito subalit hindi niya talaga matandaan. Walang mabuong imahe sa isip niya. Medyo madilim sa kuwarto kanina kaya hindi niya ito masiyadong nakita. At isa pa, nagmamadali din siyang umalis kaya di na niya naisipan pang tingnan ito.

Gusto sana niyang matulog ulit, pero biglang kumalam ang sikmura niya. Kagabi pa nga pala siya hindi kumakain. Pinili na lang niyang magbukas ng cup noodles dahil wala na siyang panahong magluto. She checked her phone habang kumakain subalit wala pa ring reply si Mae. Habang nagba-browse ng phone, muli niyang nakita ang mga chat ni Via sa messenger. Si Via, siya ang puno't dulo ng lahat ng to. Muling kumirot ang dibdib ni Diana matapos maalala ang kasintahan.

She was tempted na buksan at muling basahin ang mga messages nito pero mas pinili niyang wag na. Hindi niya kaya. Ayaw niya ulit maramdaman yung sakit na naramdaman niya kahapon habang binabasa ang mga ito. Gusto niya munang magpahinga. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. Puwede bang kahit isang araw lang maging manhid siya? Kahit ngayon lang, kahit isang araw lang.

Pagkatapos kumain ay pinili niyang muling bumalik sa kuwarto saka muling nahiga. Bahagya pa siyang nagulat ng biglang tumunog ang phone niya.

"Nak, kelan ka uuwi dito? Hinahanap ka na ng pamangkin mo?"

Text ito galing ito sa Mommy niya. Halos mag-iisang buwan na nga din pala siyang hindi nakakauwi sa probinsya nila sa Cabanatuan. Nandon naglalagi ang pamilya ni Diana. Mas gusto nang mama niya doon dahil mas simple ang buhay sa probinsiya. Pabor ito kay Diana dahil sa tuwing napapagod siya sa buhay sa Maynila, meron siyang nauuwian para makapagpahinga.

"Medyo busy pa sa work, Mi. Pero pipilitin ko pong makauwi this month."

Gusto niyang mag-open up sa Mommy niya about sa pinagdadaanan niya ngayon subalit nagdalawang isip siya. Baka mag-alala lang ito at biglang mapasugod sa Maynila ng wala sa oras. Very open siya sa mother niya sa maraming bagay pero may mga pagkakataon din na pinipili niya ang mga sasabihin dito dahil ayaw niyang makadagdag pa sa alalahanin nito.

"Okay nak. Namimiss ka na namin dito. Alam ko masiyado kang busy sa trabaho pero pahi-pahinga din minsan."

Naiyak siya pagkabasa ng reply ng Mommy niya. She suddenly felt like she needs a hug from her Mom right now. Tama ang Mommy niya, life can get really overwhelming sometimes. Yung tipong kung puwede lang takasan lahat gagawin mo siya. But then if you have to think about the bills you have to pay, and all other responsibilities, parang hindi option ang pahinga. Mabuti sana kung pinanganak siya with a silver spoon in her mouth, yung tipong you can do whatever you want to do without having to worry about your finances. Kaso lumaki siyang lahat nang bagay kelangan niyang paghirapan para makuha. Kahit papaano nakakaangat naman sa buhay ang family niya. Hindi sila maituturing na mahirap na mahirap. May mga negosyong naipundar ang mga magulang niya. Pero hindi ito yung tipong puwede kang humilata nalang at hindi magtrabaho. Siyempre sa mga magulang niya yun. Kailangan niya ding magtrabaho para sa sarili niya.

Nagta-type na siya ng reply sa mama niya subalit hindi na kinaya ni Diana ang antok. Tuluyan siyang nakatulog nang hindi niya namamalayan.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now