Caught Off Guard

1K 43 16
                                    

"I'm sorry! I'm so sorry!", paulit-ulit na paghingi ng paumanhin ni Diana nang makabawi mula sa pagkakatulala. Aktong iiwas siya nang mukha para hindi makita kung ano man ang hindi dapat makita nang biglang rumehistro sa kanya ang mukha ng babae at makilala ito.

"Franki?!", gulat na may paniniguradong tanong niya. Naabot na nito ang tuwalyang nakalagay sa couch at naitapis sa katawan. Tila nakakita ng multo ang itsura nito matapos siyang mamukhaan.

"Oh my, God!", sabi nito na bahagya pang napasapo sa sariling noo na tila ba pinagagalitan ang sarili.

Napaupo sa kama si Diana na naghihintay pa din ng sagot mula kay Franki. "What are you doing here?", dagdag na tanong pa niya.

"Okay! Okay! I'll explain later. Can I finish taking a bath first?", may panlulumong sabi nito.

"Alright! Five minutes!", demanding na sagot niya. "I'll wait here!"

"Ten minutes!", parang batang paghirit naman nito! Aalma pa sana si Diana subalit mas pinili niyang magbigay. Agad itong pumasok sa banyo saka pahabol na sumigaw. "Close your eyes!"

Saka narealize ni Diana na glass nga pala ang banyo sa kuwarto at bahagyang naaninag ang nasa loob nito. Pinili na lamang niyang humiga patalikod sa kinaroroonan ni Franki habang naghihintay sa paglabas nito. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata pero paulit ulit lang na nagrereplay sa isip niya ang nangyari ilang minuto lang ang nakalilipas. Nag-init ang mukha niya sa naiisip at kaagad na kinastigo ang sarili. Maraming tumatakbo sa isip ni Diana at kelangan niya ng sagot.

Twenty minutes ang nakalipas at bago lang nakalabas si Franki sa banyo. Sinadya niyang mag-stay don ng mas mahaba because she's so tense at kabadong kabado siya sa pagharap kay Diana. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung anong pagpapaliwanag ang gagawin dito.

Saglit siyang nagbihis at saka magsasalita sana nang mapansing tila hindi kumikilos ang kasama. Mukhang nakatulog si Diana sa paghihintay sa kanya. Gigisingin niya sana ito subalit mukha itong puyat at pagod na pagod. Marahil isa din ito sa dahilan kung bakit hindi nito napansin na occupied na ang kuwartong pinasukan. May kasalanan din siya sa bahaging yun dahil nakalimutan niyang i-lock ang pinto. Buti nalang din at ito ang pumasok at hindi ibang tao.

Saglit siyang naupo sa kama para pagmasdan si Diana. Then she suddenly remembered the first time they met. She could perfectly picture the kiss in her mind and she can still feel how passionate and sincere it was. Napahawak siya sa dibdib dahil sa bahagyang pagbilis ng tibok nito. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman. Kinikilig ba siya? Natuliro siya sa isiping yun at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Tatayo na sana si Franki sa kama nang biglang magising si Diana. Bahagya pa itong luminga linga sa paligid na tila ba inaalala kung nasaan siya.

"Hey, you!", agad nitong sabi nang makita siya na tila ba nahimasmasan na.

"Good morning!", nakangiting salubong niya dito na may halong sarcasm kahit pa ang totoo ay napakalakas ng tibok ng puso niya sa kaba.

Bumangon ito sa pagkakahiga at naupo sa kama. "You've got a lot of explaining to do. Who are you?! Why are you here?", sunod-sunod na tanong nito.

"Wooh, woah! One question at a time please.", sabi niyang nakataas ang dalawang kamay tanda ng pagkasukol.

Nakaupo lang ito at naghihintay ng sagot mula sa kanya. "Okay, first, let me introduce myself again. Let me do it right this time. I'm Franki Russell, I'm Kiara's cousin.", panimula niya na iniabot pa ang kamay dito na aktong makikipag shake hands.

Hindi naman ito pinansin ni Diana sa halip ay kumunot ang noo nito at naniningkit ang mga mata na kulang nalang ay magkaron ng malaking question mark sa mukha.

"I'm sorry, okay? Don't be mad at me please.", sabi niya na nag make face na tila batang nagpapaawa.

"Okay, wait! So you're the girl who....", di nito alam ang sasabihin.

"The girl you woke up with?", pagtatapos niya sa kung ano man ang gusto nitong ipahiwatig. Napansin niya ang biglang pamumula ng mukha nito.

"Did something happen that night?", biglang tanong nito na may bahid ng pag-aalala. "Umm.. if you know what I mean.", tila nahihiyang dagdag pa nito.

Hindi alam ni Franki kung paano sasagutin ang tanong na yun. Medyo awkward pero umiral ang curiuosity niya sa kung ano ang magiging reaksiyon ni Diana kapag sinabi niya ang totoo.

"Umm, you kissed me?", sagot niya sa tunong patanong din.

Napatakip ito ng dalawang kamay sa mukha. "For real?", paniniguradong tanong nito na tanging ngiti lang ang itinugon niya.

"Oh my, God! I am so sorry!", hiyang hiyang paghingi ng paumanhin nito. "Tell me it's just a kiss and nothing more.", bakas ang pag-aalala sa tono ng boses nito.

"Yes, just a kiss. No worries. It's no big deal. I know you're drunk.", pagkalma niya dito. No big deal kahit pa ang totoo araw araw siyang hina-haunt ng isang simpleng halik na yun. Hindi na din niya alam kung anong nangyayari sa kanya o sadyang ayaw niya lang i-entertain ang thought na nakaramdam siya ng kilig sa halik na yun because of the fact that Diana's also a girl.

Tila naman nakalma si Diana sa narinig. "But why you pretended as if you don't know me when we met at the park?", pabiglang tanong pa nito.

"Because I didn't know if you'd recognize me. When I initially approached you, you didn't seem to remember anything. I didn't know how to introduce myself and worried how you'd react if I do, so I decided to choose the easy way to open a conversation. Sorry. I know I should have told you sooner", paghingi niya ng paumanhin dito. Hindi niya alam kung lame ang reason niya but it was the truth anyway.

"Hindi ko nakita ang face mo when I woke up that morning. I didn't know I was at Kiara's house. The last thing I remember was I was at the bar with Mae. I couldn't recall all the things that happened after. I thought you're someone I just met at the bar and so I panicked and decided to leave immediately when I woke up without even looking.", mahabang pagpapaliwanag naman ni Diana kung bakit hindi siya nito nakilala.

It explains all the questions that Franki had in mind.

"So, when are you planning to tell me if we did not accidentally meet here today.", maya maya ay tanong ulit ni Diana.

"Errr...", di alam ni Franki kung ano ang isasagot.

"Anyway, never mind!", pagdidismiss nito sa naunang tanong. "Umm, does Kiara know about what happened?!", sa halip ay naitanong nito.

"Yes!", pilya niyang sagot na ikinaputla ng husto ni Diana. Para itong binuhusan ng malamig na tubig sa naging sagot niya.

"Just kidding! Of course she doesn't know! I'm not a kiss and tell type of person.", pagbibiro ni Franki.

Bahagya namang nakahinga nang maluwag si Diana sa sinabi nito. Laking pasasalamat niya na hindi nabanggit ni Franki kay Kiara kung ano man ang nagawa niya that morning. Nakakahiya sa kaibigan niya kung nagkataon.

"How was the kiss though?", maya maya ay biglang lumabas sa bibig ni Diana. Ang intensiyon sana niya ay malaman kung nasaktan niya ba ito lalo pa't lasing siya at di alam ang ginagawa. Huli na ng marealize niya na awkward ang dating ng napili niyang itanong.

Tumawa ng malakas si Franki. "Like, seriously?!!", balik na tanong nito. "Umm.. I think I'm gonna need one more to properly answer that question. I already forgot how it was.", dagdag nito na pumikit pa at umaktong naghihintay ng halik.

Geez! Ang lakas din mang trip ng isang to sa isip isip ni Diana. Ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa maamo at magandang mukha nito. Alam niyang nagbibiro lang si Franki pero for some reason, na-challenge siya sinabi nito at hindi niya napigilan ang sarili. She held her chin atsaka marahang inilipat ang mga labi niya sa labi nito. Halatang nagulat si Franki subalit naramdaman niya ang pagpapaubaya nito..

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now