"Did you text him?" Eumi asked as soon as I entered their house.
Wala kasi si tito kaya after namin nagpunta ni dad sa sementeryo para bisitahin si mommy nagpa hatid nalang ako dito sa bahay nila Eumi kasi magpapatulong siya sa hindi niya maintindihan sa Biology
"Hindi," I casually answered, nakita ko namang nanlaki ang mata niya at magsasalita pa sana siya pero lumapit na agad ako kay tita Casey na nasa sala at nanonood pa ng noon time show. I kissed her cheeks hello as a greeting at umakyat na agad kami sa kwarto ni Eumi.
Hinanda ko na ang sarili ko sa mga tanong ni Eumi sa akin nang makapasok kami sa kwarto niya. I sat on her bed at nakapamewang syang nakatayo sa harap ko
"Teka nga! Bakit hindi mo sya tinext?!" nagtataka pa nitong tanong, papuntang unibrow na ang kilay nya
I rolled my eyes at napahiga sa kama niya "Eumi, he's.." I paused, thinking of something na magandang rason kung bakit ko sya hindi tinext "..he's up to no good." was all I managed to say
She jumped on her bed at tumawa pa "Silly, Chanty! I did my research kaya no!" pagmamayabang pa niya. Napabangon ako at napatingin pa sa kanya. What did she find out then?
She smirked "He's gwapo.."
Napaisip agad ako noong araw na nabangga niya ako, trying to remember if gwapo ba talaga siya o hindi pero hindi ko na matandaan "..he's really good at basketball, he's family oriented kasi puro pictures nya on social media is with his family, he's also not that bad in terms of academic naman and!" tumigil pa ito nagpapathrill pa ang gaga then she giggled, halata pa sa mukha na sobrang kilig na kilig pa sya sa nalaman nya
"He's also a swimmer! see? sobrang meant to be nyo talaga!" niyugyog pa nya ang braso ko at tinabig ko naman ang kamay nya sa braso ko
"You don't know happens behind close doors baka deceiving lang ang social media niya kaya mag tigil ka nga!" I hissed at her
Inirapan din naman nya ako "Ikaw ang magtigil! Can you stop making yourself malungkot dahil lang dun sa lalaking iniwan ka nalang ng walang paalam, free yourself Chanty, engage with other people too!" utas nito sa akin. Napanganga ako sa sinabi nya, gaga masakit yun ah!
"Shut up, Eumi. Mag aral na nga tayo," umiwas na ako ng tingin kasi nararamdaman ko bigla na umiinit ang gilid ng mata ko
"Ewan ko sayo! Hindi kita bati" nagulat ako sa sinabi nya. Sumandal pa ito sa headboard ng kama nya at nagcross arms na para talagang bata na nagtatampo.
I grabbed the pillow in front of me atsaka tinapon sa mukha nya sa inis ko sa inaasta nya. "I'm not your mom to spoil you, you little brat" I told her sabay taas pa ng kilay sa kanya
Niyakap nya ang unan at tinakpan ang mukha at doon sumigaw then she faced me "Chanty naman kasi eh! Itext mo na please para makapag move on ka na!" para talaga syang bata na hindi napagbigyan na bilhin ang gusto nyang laruan, para na syang nagtatantrums.
"Ayoko." I firmly said. "Besides it's not right to use someone para lang maka move on. Let me feel this pain first until it hurts no more at doon ko na itetext si Joaquin." I told her with full of conviction
Nakita ko naman ang mukha nyang nakapalumbaba at tumango nalang; at nag aral na kami ng Biology.
Gusto ko naman makipag kaibigan kay Joaquin pero ayoko lang magtext sa kanya una kasi babae ako, parang ewan naman kung ako magtetext sa kanya at first. I know we are in the generation where gender doesn't matter kung sinong unang magtetext pero I also love the feeling of being pursued.
BINABASA MO ANG
Keep Her Safe
ChickLit#BaezSeries5 Vacation With My Cousin Sequel. What happened between Adrian Jose Baez and I ay isang malaking deja vu sa nangyari sa mga magulang ko na si Lucho Garcia at Chanty Baez, but the thing is, we are not my parents, we are very different from...