KHS 11

951 34 0
                                    

"Hi, kuya Adrian"




Tinanguan nya lang ako then he intently looked at Joaquin kaya lumapit si Joaquin sa kanya then he offered his hand "Joaquin po pala, kaibigan ni Chandria" pagpapakilala ni Joaquin sa sarili nya, nginitian pa niya si Adrian. 



Habang ako na nasa gilid lang ni Joaquin, parang gusto ko ng masuka, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, natatae ako sa kaba. Tinanong ko pa ang sarili ko kung bakit nandito siya pero nasagot ko lang din naman ang sarili ko⁠—it's his brother's baby's baby shower.




We all looked at him, waiting for him to shake Joaquin's hand pero laking gulat ko nang hilain nya ang katabing upuan ni Mia then looked at Cara sabay sabing "upo ka na, babe" at umupo na nga si Cara then umupo na din si Adrian sa tabi nito. Wow. What an ass!



I grabbed Joaquin's hand kasi hindi pa nya ito binababa, nagulat din siguro siya sa pambabastos ni Adrian sa kanya then hinila na siya pabalik sa upuan namin. 



I squeezed his hand nang maupo kami kaya napatingin naman siya sa akin then pilit nalang akong ngumiti sa kanya kahit alam kong bakas sa mata ko ang lungkot, I sighed. "I'm sorry" I mouthed



Nginitian niya din naman ako at nilagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at nilagay ang kamay nya sa sandalan ng upuan ko. "Mas takot pa din ako kay tito" natatawa niyang sabi and as if on cue, I felt a little bit better.



Nabalingan ko din ng tingin si Eumika na halata pang inis ang mukha then she looked at me at umirap habang umiiling, she's obviously disappointed with what Adrian did too. 



Napaikot din naman ang tingin ko sa aming lahat⁠—tapat ko si kuya Eugene at nasa left side nya si Eumi while nasa right side niya si Mia then tabi ni Mia is si Cara tapos tabi ni Cara si Adrian at tapat ni Adrian si Nardan and tabi ni Nardan si ate Naida at ang tabi ni ate ay si Joaquin so kung titingin ako sa stage, Adrian is blocking my view.



Huminga nalang ako ng malalim when the program started, this is gonna be a long night!



Later on ko nang napansin na nasa sandalan ko pa din pala ang kamay ni Joaquin when I got a text from daddy at natatawa akong pinakita ito ni Joaquin





"Tell Joaquin to fucking take his hand off your back"





Nanlaki pa ang mata nya atsaka tinanggal ang kamay niya sa likod ko na natatawa din then nakangisi kaming dalawa na napatingin kay daddy. Pinanlakihan nya pa kami ng mata kahit nasa malayo siya tapos ang laki pa ng ngiti nila tita Casey, tita Lindsey, auntie, nurse Ara at tito Charm na nakatingin din sa amin. 



Napailing nalang ako and Joaquin was still grinning pero laking gulat ko nang hawakan nya ang kamay ko. Nakadekwatro siya kaya he put our hands in his thigh then he winked at me as if telling me na buti nalang hindi makikita to ni daddy. Our hands stayed intertwined habang nanonood kami kila ate Aeone at kuya Aidan.

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon