When I told daddy sa lahat na nangyari at lahat na sinabi ni Joaquin sa akin ay hindi siya nagpakita ng galit instead he hugged me tight at hinayaan lang akong umiyak.
However, buong angkan ko ang mas nagalit. Akala ko nga wala lang paki sila tito Chaos at tito Charm pero sobrang nainis din sila, and of course, si Eumi na matagal nang inis sa kanya.
I tried so hard to cover the dark circles under my eyes kasi nagmukha na talaga akong panda kakaiyak. I can't be ugly today, it is Eumi's birthday.
Napalingon ako sa pintuan ko nang bumukas ito at napangiti nang makita ko si daddy na sobrang gwapo sa suot niya. Nakablack vest ito na may inner white polo shirt. "Hindi ka ba lalamigin sa suot mo?" bungad na tanong agad nito nang makita ako kaya natawa naman ako.
I am wearing a silky black scoop-back bodycon dress that's why he asked. Black and white kasi ang theme ng birthday ni Eumi tapos siya magneneon.
"Hindi po" sagot ko sa kanya then hinarap ulit ang sarili ko sa salamin para maglagay ng highlighter. Tumayo ito sa likod ko kaya nagkatinginan kami sa salamin.
He sneered, "why don't you just let your hair fall para hindi masyadong mahanginan ang likod mo?" bakas talaga sa boses niya ang pag aalala
"Dad!" I hissed, "mas bagay pag naka bun yung buhok ko."
Napailing nalang ito as a sign na sumuko na siya, "hay nako, hindi ka na talaga baby ano?" malungkot na sabi nito.
Ako naman ang napailing at natawa na lamang sa inaasta niya kaya tumayo na ako at sinuot ang archlight sneakers na bigay ni ate Nadia sa akin nung nauwi na sila dito sa Pilipinas. "Tara na nga dad at baka mahuli na tayo sa party."
Madami nang tao ng makarating kami sa venue pero hindi pa naman nagsisimula. I kissed tita Lindsey, auntie Leigha, tito Chaos, and tita Hannah's cheek hello bago ako umupo sa tabi ni daddy at nurse Ara.
"Kumusta ka na, Chanty?" tita Hannah asked, bakas pa sa boses nito ang pag aalala
Napangiti naman ako sa tanong nito kasi pakiramdam ko tinatanong ako ng mommy ko. "Okay na po ako, tita. Thank you for asking" sagot ko rito.
"Chanty," tawag sa akin ni tito Chaos kaya napalingon ako sa kanya at miski sila titas and daddy, "pagmasakit pa din isend mo lang sa akin ang address nya ha" seryosong sabi ni tito kaya natawa kami. Natatawang nahampas pa siya ni auntie Leigha sa balikat.
"Tinanong ko nga sa kanya kung gusto niya ba ilabas ko na baril ko eh" daddy said kay tito Chaos dahilan para matawa naman din si tito. Inirapan ko lang si daddy.
BINABASA MO ANG
Keep Her Safe
ChickLit#BaezSeries5 Vacation With My Cousin Sequel. What happened between Adrian Jose Baez and I ay isang malaking deja vu sa nangyari sa mga magulang ko na si Lucho Garcia at Chanty Baez, but the thing is, we are not my parents, we are very different from...