Napaupo ako sa sahig nang kwelyuhan ako ng ama kong walang kwenta mula sa pagkakahawak ng mga bodyguards niya sa akin at itinulak papasok sa bahay. "Chaos!" tili ni mommy habang umiiyak at hinahawakan pa si daddy, pero tinabig lang siya nito
Masama ko silang tinignan. Puno lang ng galit at puot ang puso ko sa mga magulang ko—sa pamilyang 'to. Sobrang perpekto tignan sa mga magazines at billboard pero sa loob ng bahay para akong nasa impyerno.
"Ayusin mo yang punyetang buhay mo, Adrian, kung ayaw mong mamulubi" tiim bagang na sabi ng ama ko sa akin. Dinuro duro pa ako nito. "Yan ba nagagawa ng Chanty'ng yan sayo?!" sigaw nito sa akin
"Oo! She gives me peace na hindi nabigay ng pamilyang 'to! Buti pa nga si Chanty naiintindihan ako, eh kayo? Bakit nyo ba pinipilit yang punyetang negosyong yan!" utas ko sa kanya.
Tinignan ako nito na parang ako ang pinakanakakadiring tao sa mundo, "can you hear yourself, Adrian? Hindi ka ba nandidiri? Magpinsan kayo! Wag mong pinapahiya tong pamilyang to dahil lang sa kalibugan mo!" bulyaw nito sa akin
Mapait akong napatawa at tumayo, "Wag kong ipapahiya ang pamilyang to dahil sa kalibugan ko? So ikaw lang pwede?" sarkastiko kong tanong dito.
Biglang nagbabaan mula sa taas si ate Nadia at Nardan na tila nag tataka pa kung anong nangyayari sa amin
"Yes, alam ko din ang kagaguhan mo. Alam kong madami kang kabit.." nanggagalaiti kong sabi sa ama ko at binalingan ng tingin si mommy, "I know that, mum, hindi kami tanga kahit ikaw nagtatangatangahan."
"Kuya!" Nardan cried nang suntukin ako ni daddy. She ran towards me at niyakap ako.
Napahawak agad ako sa putok kong labi. I chuckled and looked at him, "kaya wag na wag kang mag malinis dito. Mali lang na ibigin ko si Chanty kasi lumaki kaming magpinsan ang turingan pero alam nating lahat na hindi naman talaga kami magkadugo. Eh ikaw?" tinaasan ko ito ng kilay as I smirked
"Adrian, stop!" mommy cried pero hindi ko siya pinansin kahit rinig ko ang paghagulgol nito. I can't tolerate how toxic this family anymore, I can no longer tolerate my mum na nagpapakamartyr sa tatay kong walang ginawang tama
"Sinisira mo ang pamilyang to just because you can't have the woman you love. Miserable kasi ang buhay mo kaya gusto mong miserable din ang buhay ko, ang buhay namin" dagdag ko. I have always wanted to say this to his face.
"Daddy, stop, please!" Nardan and ate Nadia screamed
Puno ng sigawan ang buong bahay nang hatakin ako ni daddy at pinagsusuntok. Wala na akong pakialam kung tatay ko siya at sinuntok ko na ito at itinulak. Kahit ilang suntok din ang inabutan ko sa kanya, wala akong naramdamang sakit, parang namanhid na ako.
"Chaos, ano ba! Tumigil na kayo, please" pag mamakaawa ni mommy. Niyakap niya na ako para hindi na ako suntukin ni daddy. Niyakap din ako ni Nardan na umiiyak pa.
BINABASA MO ANG
Keep Her Safe
ChickLit#BaezSeries5 Vacation With My Cousin Sequel. What happened between Adrian Jose Baez and I ay isang malaking deja vu sa nangyari sa mga magulang ko na si Lucho Garcia at Chanty Baez, but the thing is, we are not my parents, we are very different from...