KHS 09

1K 31 0
                                    

Napatigil kami sa discussion namin ngayon sa Basic Calculus nang mag on ang tv sa classroom namin-may announcement kasi ang school's Secretary.



"Lahat ng pangalan na tatawagin ay inaatasang pumunta sa Natatorium by 2pm to tryout for swim team.." at nagtawag na siya ng mga pangalan



"Echeverria, Joaquin"



Nakangising nagtinginan si Tana at Beatrice sa akin kaya I made a face. Napatingin naman ako kay Eumi na nakatuon lang talaga ang tingin sa tv which is weird kasi hindi man lang nya ako pilyong nginitian pagka mention kay Joaquin kasi ginagawa naman nya yan noon eh



"..Garcia, Chandria"



"What?!" bigla akong napatayo sa gulat. Nagtinginan pa ang lahat ng kaklase ko sa akin. Teka? Hindi naman ako nag sign up for tryout ah!



"Yes, Ms. Chandria, you're accepted. You can go out now" pagbibigay permiso pa ng teacher namin sa akin



"Ah ma'am, hindi po ako sumali jan" protesta ko pa "tsaka wala po akong dalang swimsuit no, alangan naman mag uniform ako."



"Here!" napalingon ako kay Eumi na itinaas pa ang paper bag para makita ko then she sweetly smiled at me dahilan para panliitan ko siya ng mata at masamang tinignan.



Kaya pala...



Hindi nya ako matignan tignan kanina kasi siya pala nagsign up sa pangalan ko. Bakit ba binigay ng mundo tong babaeng to sa akin?



"I hate you" bulyaw ko sa kanya at umiiling iling kong sabi at kinuha na ang paper bag na may lamang swimsuit at nagpunta na sa Natatorium.



When I got there wala akong kakilala kasi nga new student lang ako. We are assigned to sit based on our grades at tapat naming mga eleventh grade ang twelfth grade at umupo pa talaga sa tapat ko si Joaquin.



Napalunok ako when he looked at me and smiled at me kaya naman napalingon ako sa likod ko to make sure kung ako ba ang tinitignan nya pero pagkalingon ko sa likod nag uusap ang mga tao kaya napaharap ako ulit kay Joaquin and he's laughing at me dahilan para mapairap ako at hindi ko mapigilang mapangiti na rin.



"That was a good job right there," I finally got the courage to talk to him while we all walk back to the lockers room para magbihis na.

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon