KHS 16

1K 32 0
                                    

Nagtataka ako nang magising ako at walang tao sa sala at kusina kay nagtungo ako sa likod ng bahay namin sa pool area. 



Napakunot nalang ang noo ko nang makita si daddy at Adrian sa picnic table na tila ba seryoso pa ang pinag uusapan. They must be talking about Adrian's family problem kasi lahat naman ng pinsan ko kay daddy nagsusumbong ng problema nila regarding their family.




Napalingon si daddy sa kinatatayuan ko kaya tumayo na silang dalawa ni Adrian at naglakad patungo sa akin. 



Adrian smiled at me nang makalapit na siya sa akin at bumeso, "Good morning, love" he whispered kaya nanlaki ang mata ko and pressed my lips para pigilan ang ngiti sa mga labi ko



He looked at me at pilyong ngumiti sa akin, "kinilig ka no?" natatawang tanong nya sa akin




Hindi ko na napigilang matawa at umirap na lang sakanya kasi parang sasabog ang puso ko. Nasanay na akong "baby" ang tawag nilang lahat sa akin, miski si Eumi, tinatawag din akong baby minsan pero iba pala talaga pag hindi na yung nakasanayan mo plus factor na din na yung taong mahal mo yung tumatawag sayo ng ganun



"Hindi ah!" pagsusungit ko sa kanya para malabanan ang kilig na nararamdaman ko dahilan para mas matawa pa si Adrian. 




"What are you two laughing about?" biglang sabat ni daddy nang makalapit din siya sa amin




"Si Chanty po kasi tito ambaho pa ng hininga, amoy kutson pa" birong sagot naman ni Adrian kaya nahampas ko sa tiyan at sumunod na ako kay daddy pap "ayan tito oh! Nanghahampas pa!" sumbong pa nito




Daddy laughed, "Para kang bata diyan, Adrian. Kumain na nga kayo ng breakfast" daddy said kaya tinignan ko si Adrian at binelatan.




He spent the rest of his day sa bahay at kahit hindi kami masyadong nag uusap kasi nanonood lang kami ng movie kasama si daddy, masaya na ako.




Ibinabad ko sa pool ang mga paa ko at ganun din naman ang ginawa ni Adrian nang tumabi ito sa akin. Nasa loob sila daddy kasama si auntie at tita.




"So.. paano na yung mga magulang natin?" I said breaking the silence at tumingin sa kanya. Tumingin din ito sa akin. "Are we going to keep this as a secret forever?" I asked again




Wala talaga akong idea kung ano na itong set up namin. Parang saamin lang din ba ito ni Joaquin pero yung kaibahan lang patago itong sa amin?

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon