Kahit na may hindi magandang nangyari last night, we all still manage to eat lunch together.
Tumambay kami magpipinsan sa gazebo kasama si daddy at ang dalawang titas. Nagkwekwentuhan lang pero si daddy talaga nagkwekwento.
Kaya gustong gusto namin magpipinsan si daddy kasi madami syang advices na binibigay or sya nagkwekwento about sa love story ng Chaos-Hannah and Charm-Casey because daddy witnessed all of it, all the important details. Meanwhile, ang mga titos ay nag iihaw ng marinated pork belly at isdang hindi ko alam kung ano ang tawag.
Nagkatinginan kaming lahat nang maglakad papalapit si kuya Eugene kasama ang babaeng hindi na si Mia. "Who is she?" nagtanong na ako at napatingin kay Eumi. Nagkibit balikat ito bilang sagot.
"Well at least, it's not Mia" Nardan said dahilan para mapatawa kami
"She looks decent though" ate Nadia commented at sabay kaming lima na napatango kasi she looks really decent, sobrang maamo ng mukha at hindi masyadong nagpapakita ng balat sa katawan unlike Mia na halos wala na talagang saplot.
"Anong month na ba? Parang hindi naman umabot si Mia ng isang buwan ah" tanong ni daddy dahilan para matawa ulit kaming lahat. New flavor of the week na ba dapat itatawag namin?
"Casey, san na naman napulot ni Eugene 'yan?" pagtanong na ni daddy kay tita kahit nakatingin lang talaga kaming lahat sa kanila kuya Yu at sa babae niya na nagtatawanan pa na naglalakad papunta sa amin
"Ewan ko ba sa batang yan kaibigan lang daw niya yan" inis na sabi ni tita Casey. She gave up sa kababaero ni kuya Yu noon pa basta lang daw mag ingat siya at baka may makuhang sakit and she knows naman daw na one day magtitino din si kuya.
Eumi laughed. "Hmmm sounds familiar, kaibigan lang daw pero sobrang sweet" nakapilyong ngiti na komento ni Eumi at tinignan pa ako kaya natawa din sila maliban kay Adrian at daddy
Pinanlisikan ko lang ng mata si Eumi at inirapan "shut up na please, andyan na sila oh" ang tangi kong nasabi at dumating na sila kuya Yu at ang babae nya.
"Hi, guys, si Nikka nga pala" kuya said as soon as makalapit sila sa amin.
She gave us her sweetest smile and wave at us. "Hi po, it's nice to finally meet y'all" Nikka said. Then kuya Eugene introduced each one of us kay Nikka at sumali na sila sa amin.
"Nikka? N? Parang yung last lang Eugene M yung dala mo ah. By alphabetical order na ba talaga ngayon?" kanchaw ni Adrian na sinamaan lang ng tingin ni kuya Yu habang kaming lahat tawang tawa lang lalo na si daddy na nakipag high five pa kay Adrian. Hay nako talaga tong pamilyang to!
Minutes after we all ate our lunch ay nagkayayaan kami magpipinsan including Nikka na magswimming. Ang mga titos naman mag iinuman daw kasama si daddy na pinagbawalan kong uminom at kasama na din ang mga titas.
We all decided to play Marco polo to relive the good old days kasi palagi namin nilalaro to noon sa pool nila tito Crave. Si Adrian na ang taya matapos siya mahuli ni ate Nadia.
He then tightly closed his eyes, "Marco!" sigaw nito
BINABASA MO ANG
Keep Her Safe
ChickLit#BaezSeries5 Vacation With My Cousin Sequel. What happened between Adrian Jose Baez and I ay isang malaking deja vu sa nangyari sa mga magulang ko na si Lucho Garcia at Chanty Baez, but the thing is, we are not my parents, we are very different from...