KHS 07

1K 31 0
                                    

I took one last look of her dito sa balconahe ng kwarto ko as she played the grand piano in front of the guests. Mom forced her to play so she played The Way You Look Tonight by Frank Sinatra, nakangiti pang nakatingin ang mga bisita ni mommy sa kanya kasi ang galing nya.



Nasasaktan akong nakikita ang malungkot niyang mukha at ramdam ko ang lungkot sa bawat pindot niya sa piano.



Mariin kong ipinikit ang mga mata ko⁠—this is all my fault. Ang sakit makitang nasasaktan siya ngayon, ayoko siyang nakikitang nasasaktan pero hindi kasi 'to tama eh.



Mahal ko na siya the first time I met her. Hindi ko alam bakit pero naramdaman ko ang palaging sinasabi ni tito Lucho noon⁠—she made him feel complete, and she made me feel complete, too.



Akala ko nga bilang kapatid lang ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya pero may kapatid naman din ako na kapareho lang nya ng edad pero hindi naman ganun ang nararamdaman ko para kay Nardan.



When I turned sixteen doon ko napagtanto na ibang pagmamahal na ang nararamdaman ko towards Chanty⁠—hindi na bilang pinsan o bilang bunso. I want to spend the rest of my life with her and take care of her, I want to give her the best pero mali ang nararamdaman ko kasi kahit ampon lang siya, magpinsan pa din dapat ang turing ko sa kanya.



I once told dad na gusto ko siya when I was sixteen kasi parang sasabog na ang puso ko sa nararamdaman ko pero nagalit siya sa akin, mali nga kasi dahil mag pinsan kami, sinabi nya pa na mawawala lang din ito kasi bata pa naman daw ako pero iniwan ko na si Chanty when I graduated high school para takasan ang nararamdaman ko sa kanya pero para akong tinanggalan ng isang importanteng parte ng katawan ko and when I finally saw her again, naramdaman ko na naman ulit na kumpleto ako.



I have always prayed to God na sana magustuhan nya din ako at ngayong araw na 'to sinabi niya na sa akin na mahal niya ako. Ramdam ko din sa bawat halik niya kanina na mahal nga nya ako but I know this is wrong, sobrang bata pa nya-nasabi lang din siguro nya iyon dahil sinabi ko din sa kanya na mahal ko siya.



I don't want to leave her pero kailangan, natatakot kasi ako sa mga kung anong pwedeng mangyari.



Huminga akong malalim at umalis na ako.


______



Mahinang napasigaw ako in frustration habang nakahiga sa kama ko at nakatitig lang sa kisame. Nakakainis magising ng ganito, yung akala mo mawawala na yung bigat sa puso na nararamdaman mo pero hindi eh, sleep just made me forget all the pain for awhile at heto na naman ang sakit, hindi ko na naman mapigilang magtanong kung bakit sinabi nya na mali ang nagawa namin kahit alam ko na ang sagot. Tanga lang, Chanty?



I heave a sigh and fought the urge to cry at bumangon na para maligo at magbihis.

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon