Epilogue

2.1K 52 5
                                    

Nanginginig pa ako nang makita ko si Kristoff na papalapit sa akin. He smiled at me and so I did too. He kissed my cheeks hello at umupo ito sa tapat ko. "Happy third anniversary, baby" nakangiti nitong bati sa akin.




Huminga akong malalim at pilit na ngumiti nang maramdaman kong uminit ang gilid ng mga mata ko.




"We... We need to t-talk, Kristoff" I said with all the courage that I have. Nawala naman ang ngiti nito sa mukha sa narinig




"Can we just eat first, babe?" malumanay nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung papayag ako, parang sasabog na ang puso ko. I can no longer take this anymore.




"but—"




"Let's eat first, Avery." mariin nitong sabi. Wala nang ekspresyon ang mukha nito kaya napalunok na lamang ako at tumango. He ordered some food for us at tahimik lang kaming kumain.




He looked at me nang matapos kaming kumain, waiting for me to speak. Huminga ulit akong malalim para humugot ng lakas. "We need to end this, Kristoff. Let's end this habang may pagmamahal pa tayo sa isa't isa. We both know that it's not working anymore."




Para akong tinanggalan ng tinik sa puso ko nang sabihin ko ang lahat ng iyon. The past few months our relationship became murky na. Not a day goes by na hindi kami nag aaway. I don't know what happened pero alam kong may kasalanan ako. I didn't give my whole heart to him, I only gave him a piece. How can I give him my whole if the rest of my heart ay nasa ibang tao?




He chuckled, "you really have to do it on our anniversary, uh?" natatawang tanong nito sa akin. A second later, his face became serious. He sighed, "I really want to make this work too pero I don't want to be in a relationship where I am the only one who's fighting to make it work, Avery, kaya yes, I agree with you, let's end this. Mahal kita and I am setting you free."




Hindi ko na napigilan at napaiyak na lamang. Tumayo ito at lumapit sa akin, he kissed the top of my head then he left.


___________


I kept my mind occupied with school works para hindi ako dapuan ng lungkot. I miss daddy, I miss Kristoff, I miss Eumi... I miss Adrian. Nakakalungkot.




Napahiga nalang ako sa kama ko at inilagay sa mukha ko ang librong binabasa ko. "Ahhhh!" I screamed out of frustration. One more semester and I'm done. I'll finally have my degree as a Veterinarian.




Napatayo ako nang bumukas ang pintuan ko. Nawala naman agad ang lungkot ko at napalitan ng saya nang iniluwa ang batang tumatakbo pa papunta sa akin. 




"Ah ah!" Topaz gladly greeted me at nakaopen arms pa. He calls me ah-ah kasi Avery. Niyakap ko agad ito ng napakahigpit at inulanan ng halik




Sumunod din naman si tita Lindsey na pumasok at nakangiti pa. Tumayo ako para bumeso sa kanya. I am so grateful for her kasi kahit wala na si daddy hindi pa din iba ang pag trato nila sa akin. 

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon