KHS 10

1K 37 0
                                    

Tinotoo nga ni Joaquin ang sabi nya na bibisitahin niya ako dito sa bahay pero minsan lang yung times na siya lang mag isa, most of the times kasi kasama na sina Zaza, Eumi, Beatrice and Tana. Sobrang saya pa nga ni dad kasi hindi na daw si Eumika ang tanging kaibigan ko



Close na din sila Zaza, Beatrice and Tana kay daddy habang kay Joaquin naman nag susungit sungitan padin si Lucho Miguel Garcia pero sabi naman ni auntie sa akin na act lang daw yun ni daddy para matakot si Joaquin sa kanya kasi pag takot si Joaquin sa kanya walang gagawing masama si Joaquin sa akin cause he knows he'll be dead asap.



We are watching a movie right now. Nakaupo ako sa tabi ni daddy sa pang tatlohang couch habang si Joaquin naman nasa tabi ko pero sa ibang upuan yung pang isahan lang tapos si Zaza at Beatrice tabi sa isa pang couch at nakahiga pa silang dalawa-ganyan na sila ka sanay dito sa bahay.



Wala si Eumi kasi mamaya pa siya dadating and wala si Tana kasi may weekend getaway daw sila. 



Napatingin naman ako kay Joaquin when he offered me some chips kaya kumuha ako then he winked at me kaya I made a face, trying not to smile sa ginawa nito, nakangisi din siya



Napaayos ako ng upo ng tumikhim si daddy



"Ay, chips po tito?" pag aalok ni Joaquin kay daddy. Napatakip ako sa bibig ko kasi I might laugh so hard sa ginawa niya



Walang emosyon namang umiling si daddy sa kanya



Ewan ko ba, never pa yata kami nagka solo moment ni Joaquin dito sa bahay. Pag kasama naman kami sa swimming practice hindi din kami masyadong makapag usap kasi nga practice. Nakakapag usap lang kami ng matino every night kasi tumatawag siya or nakikipag video call.



"Hello, hello!"



Napalingon kaming lahat sa pintuan nang marinig ang boses ni Eumika. Akala ko mamaya pa siya



"Hi, tito" lumapit ito kay daddy at bumeso then sa akin then kina Zaza at Beatrice



"Oh, hi there Joaquin" she sweetly smiled at Joaquin, nginitian naman siya nito pabalik



"Akala ko ba mamaya ka pa?" tanong ko sa kanya. Isiniksik pa nito ang sarili niya sa gilid ko para makaupo 



"Nope, si tatay nalang daw mag isang aalis" she explained kaya napatango na lang ako. Sana pala kila Eumi nalang kami nagpunta since wala naman si tito Charm doon

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon