KHS 12

1K 38 2
                                    

Wala na akong paki kung ano pa ang sabihin ni Joaquin pero nang makasakay kami sa sasakyan niya ay umiyak lang ako ng umiyak na parang batang iniwan ng magulang niya sa grocery.



Ang sakit naman kasi. I didn't even expected him to come home. Akala ko ba nag aaral siya sa ibang bansa? bakit pa ba siya umuwi? sabi niya pang mahal niya pa din ako, kung mahal niya pa din ako bakit may dala siyang Cara? para ba masaktan ako? mahal niya ako pero gusto niya akong saktan? putangina niya!



"Gusto mo ba umuwi sa inyo o gusto mong dalhin kita sa lugar kung saan malaya kang umiyak?" Joaquin suddenly asked. Ramdam ko pa ang pag aalala sa boses niya. Marahas kong pinunasan ang mga luha kong hindi matapos tapos kakatulo. 



"L-Latter." tipid kong sagot. I sobbed hard again. Ayoko muna umuwi sa bahay.



Joaquin suddenly stopped driving at doon ko lang napagtanto na nasa isang hilltop park kami kung saan overlooking ang syudad. 



Humihikbi pa akong napatingin sa kanya, he looked at me too and smiled at me sabay pinunasan nito ang luha ko. "Andito na tayo, you can cry it all out now." sambit nito



Lumabas ito sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nang makalabas na ako ay may kinuha ito sa backseat⁠— it's his jacket. He chuckled when he handed it to me. "Sorry kung may amoy, ilang araw na yan sa kotse eh."



I genuinely smiled at him at sinuot ito. "Thank you so much, Joaquin."



Sumandal ako sa hood ng kotse niya at napatitig sa kawalan. I heave a sigh kasi parang nag eenlarge nanaman ang puso ko, sumisikip na naman dibdib ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Adrian kanina. Bakit ba kasi kailangan niya pang sabihin ang mga 'yon? Okay namana ako eh.



Doon ko lang narealized na humahagulgol na naman ako nang maramdaman ang kamay ni Joaquin sa balikat ko at hindi ko na napigilang umiyak sa dibdib niya. Ang oa naman ng pag iyak ko ngayon, hindi naman siya worth it iyakan eh



"natext ko na si tito, sorry kung sinabi kong umiiyak ka at ayaw mong umuwi ayoko lang talaga magsinungalin sa kanya. Sabi naman niya ingatan kita kasi kung hindi baka mas mauna padaw ako sa kanya," he bitterly chuckled kaya natawa naman ako. I heave a sigh at umayos ng upo at marahas na pinunasan ang luha ko




Nang magtigil na ako kakahikbi napatingin ako kay Joaquin. "Why are you so honest with me? Why do you always say what you feel? Diba lalaki ka? it is a norm that you suppress your feelings," hindi ko mapigilang itago ang irita sa boses ko



Confusion was visible in his face habang tinitignan ako "bakit ako magsisinungaling sayo?" nagtatakang sagot nito. "Gusto ko lang magpakatotoo sayo, gusto ko lang sabihin kung anong nararamdaman ko. You deserved that kind of treatment, Chandria. Miski si tito nga ginagawa sayo yan diba kasi you deserved that."

Keep Her SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon